— Zhanaira —
"Luto na ang pagkain!" sigaw ko galing sa kusina habang naghahanda ng mga utensils.
"Nice one!" sigaw agad ni Fire ang narinig ko. Siya rin ang unang pumasok sa kusina nang patakbo pa. "Wow! Ang bango!" puri niya sa luto ko na ikinangiti ko na lang.
Inaantok na sunod na pumasok naman si Cedrick na agad ding umupo. Si Ice naman ay naka-earphone na pumasok na rin. Si Railey naman ay parang tamad na tamad sa buhay. Si Raiven ay agad akong nginitian pagkapasok niya. Si Zack na seryoso lang at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Okay?
Inilapag ko na sa dining table ang kanin at ulam saka naghanap ng mauupuan.
"Sit here, Zhanaira!" tawag sa 'kin ni Ice at tinapik ang katabi niyang upuan na malapit lang sa inuupuan ni Zack.
Tumango ako at naghugas muna ng kamay bago lumapit sa kaniya. Nang malapit na 'ko ay biglang hinila ni Zack ang upuan at itinabi sa kaniya na muntik nang ikataas ng kilay ko.
"Sit beside me," sabi niya na hindi naman ako tiningnan at sumubo lang ng pagkain.
Halatang natahimik ang mga kasama namin kaya wala na 'kong nagawa kun'di ang umupo sa tabi niya at nagsimulang kumain.
Sobrang tahimik namin kaya nag-isip na lang ako ng itatanong ko sa kanila.
Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita. "So, third year college na ba kayo?" tanong ko kaya napatingin sila sa 'kin maliban kay Zack na nagpatuloy lang sa pagkain.
"Yes," sagot na lang ni Raiven na ikinatango ko.
"Anong course niyo?" sunod na tanong ko.
"Business Ad kaming lahat," sagot ni Ice na ikinatango ko.
"Ako, ano ahm.." Napatingin naman ako kay Fire. Aktong nag-iisip pa siya na parang bata. "Pambababae lang alam ko!"
Bigla na lang siyang nasuntok sa braso ng katabi niyang si Cedrick na ikinatawa ko. "Abnormal! Alam na namin 'yan, 'di mo na kailangang sabihin."
"Wow! Coming from you, ha!" sagot naman ni Fire at inambaan ng suntok si Cedrick na hindi naman niya tinuloy. "Masakit 'yon ha!" inis na sabi niya sabay tingin ulit sa 'kin. "Joke lang 'yon----"
"Hindi 'yon joke! Totoong babaero ka!" singit naman ni Railey na pinanlisikan naman ng mata ni Fire kaya lalo akong natawa.
"Zhanaira, huwag mo silang pansinin. Mga tira-tirang tae ko lang 'yan sa pwet ko," nakangusong sabi ni Fire sa 'kin na ikinangiwi ko.
"Kadiri ka!" sagot ko at tumawa. Pansin ko naman agad ang paglingon ni Zack sa 'kin sa gilid pero hindi ko na siya tiningnan pa.
Bumalik ako sa pagkain na mediyo natatawa pa dahil sa kakulitan ni Fire. Lumalabas na kakulitan niya, ha.
"And you, what's your course?" Napalingon naman ako sa katabi kong si Zack na nakatingin na rin sa 'kin.
"Ano.." Nginuya-nguya ko muna ang pagkaing nasa bibig ko. "Education lang. Ayun lang kasi ang kaya kong kunin tapos wala pang pera," sagot ko na ikinataas ng kilay niya.
"So, ayaw mo sa course mo?" tanong niya na ikinatango ko. "What course do you want to take?"
"Architectural sana," sagot ko at uminom ulit ng tubig. "Pero okay naman na 'ko sa educ----"
"Do you want to change?" tanong niya na ikinailing ko.
"Hindi na, 'no! Edi uulit ako? Apat na taon na---"
"No. Ako ang bahala," sagot niya at uminom na rin ng tubig dahil tapos na siya.
Pero, paano naman niya gagawin 'yon?
"Just trust me, Zhanaira," dugtong niya at tumayo na. "I'll just go upstairs. Matutulog na 'ko," paalam niya sa 'min.
"Aga ha, sige bro! Sleepwell!"
"Good night.." sagot ko na ikinatango niya lang at mabilis na lumabas ng kusina.
"Magkaano-ano kayo?" tanong ko sa lima na hindi agad sumagot.
"Tapos na kami, Zhanaira. Ikaw na maghugas diyan ha," sabi ni Cedrick at tumayo na hanggang sa sunod-sunod na silang tumayo.
"Yung magiging kuwarto mo, nasa second floor lang. Pag-akyat mo, pang-apat na kwarto sa kanan," sabi naman ni Raiven na tinanguan ko na lang.
Sunod-sunod silang lumabas ng kusina at iniwan akong mag-isa rito. Grabe! Iniwan ako mag-isa. At talagang iniwasan pa ang tanong ko, ha? Nagtatanong lang naman, e.
Hinugasan ko nga ang lahat ng hugasin at tumingin sa wall clock na nandito. It's already 7:55 pm. Maliligo na muna siguro ako.
Lumabas ako ng kusina at pumunta sa hagdan para makaakyat na. Hindi ko rin maiwasang pagmasdan ang buong paligid habang umaakyat.
Napakagara kasi. First time kong mapunta sa ganitong klaseng tirahan at dito pa talaga ako titira.. pansamantala.
Parang hindi naman ako nababagay rito kaya mas mabuti nang mabayaran ko agad sila nang makaalis na 'ko at makahanap ng bagong matitirahan.
"Ay palaka!" napatili ako nang namali ako ng hakbang.
Ang akala ko ay babagsak na 'ko at magpapagulong-gulong pero hindi dahil may mabilis na humila sa braso ko at tinulungan akong mag-balance.
"Zack!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba.
Akala ko mamamatay na 'ko! Shit!
"Stupid," masungit na sabi niya na nagpatigil sa 'kin. "Take care and go to your room," huling sinabi niya bago ako binitiwan at nilampasan.
Bumaba siya ng hagdan at lumabas ng mansion na hindi ko na lang pinansin at umakyat na.
Kung maka-stupid naman siya, grabe ha.
*****
Kinabukasan, nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kwarto ko.
"Zhanaira, wake up! May pupuntahan pa tayo!" Tinanggal ko ang pagkakatalukbong ng kumot ko at tiningnan ang pinto ng kuwarto ko.
Istorbo naman, e.
"Zhanaira! Tulog mantika ka rin pala, bumangon ka na diyan at baka pasukin ka pa ni Zack o kaya ni Ice diyan!"
Kinusot-kusot ko ang mata ko at mabilis na umupo. Nabobosesan ko ang sumisigaw sa labas pero 'di ko na maalala kung kaninong boses 'yon.
"Gising na 'ko! Maliligo lang ako bago lumabas," sagot ko at bumangon na.
"Siguraduhin mo lang na maliligo ka at hindi matutulog, ha. Nako!"
Okay, alam ko na kung sino 'yon. Si Cedrick yata.
"Oo!"
"Bibili raw tayo ng school supplies mo kaya bilisan mo na diyan!"
Oo na nga, 'di ba?
"Sige, sige, salamat sa paggising," sagot ko at agad na kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo ng kuwarto ko.
Halatang mamahalin lahat ng gamit dito sa kuwarto ko na isa sa mga guest room, parang ang hirap tuloy gumalaw-galaw dahil baka may masira ako at madagdagan ang utang ko, tss.
Pagkatapos kong maligo ay nag-T-shirt lang ako na medyo maluwag at malaki sa 'kin tsaka cotton short bago lumabas at bumaba.
"Ayan na!" sigaw agad ni Railey ang narinig ko pagkababa ko.
Napatingin agad sila sa 'kin at napatigil kaya medyo nakaramdam ako ng hiya. Dios mio, kailangan ba talagang tumitig? Nakakailang, ha.
"Ehem!" tikhim ni Zack dahilan para mapunta sa kaniya ang attention nilang lahat. "Manang! Pakihanda ng breakfast!" sigaw niya kaya napatingin ako sa paligid.
May mga nagkalat nang maid! Yes, meron na!
"Yes, sir." Isang matandang babae ang sumagot sa kaniya at pumasok sa kusina.
Nagsimula na ulit akong maglakad para sumunod kay manang nang magsalita si Zack.
"Where are you going?" kunot noong tanong niya.
Napatingin naman ako sa kusina at dahan-dahang tinuro 'yon. "Kusina," tipid na sagot ko na ikinataas ng kilay niya. "Tutulong lang ako sa kanila," dugtong ko. "Huwag niyo na 'kong pagbawalan, bye!" pangunguna ko at lumakad na ulit.
Baka kasi pigilan nila 'ko. Hehe.
"Tulungan ko na po kayo!" sabi ko agad sa mga maid sa loob ng kusina kaya agad silang napatingin sa 'kin at nagtaka. "Huwag po kayong mag-alala, isa po akong co-chef sa isang restaurant kaya sanay ako sa mga gamit dito at hindi po ako makakasira, promise!" nakangiting dugtong ko. Tumango sila kaya nagsimula na akong tumulong.
"Anong pangalan mo, hija?" tanong sa akin ng matanda kanina. "Sinong nobyo mo sa mga batang iyon?"
"Zhanaira po ang pangalan ko at wala po akong boyfriend sa kanilang anim," natatawang sagot ko habang nag-aayos ng mga pinggan.
"O, e bakit ka nandito?" tanong niya kaya napalingon ako saglit sa kaniya at tinuloy ang pag-aayos.
"Mahabang kwento po, manang," sagot ko at ngumiti na lang.
"Manang Lita na lang itawag mo sa akin." tumango ako sa kaniya at ngumiti.
Nagpaalam akong tatawagin ko lang ang anim saka ako lumabas ng kusina. "Kakain na!"
Sabay-sabay silang tumayo at lumakad papuntang direksyon ko.
"Nice, nice! Gutom na gutom na 'ko!" sabi ni Raiven at nanguna sa pagpasok sa loob.
"Bait naman pala!" nakangiting sabi ni Ice at hinimas ang ulo ko bago pumasok sa loob.
"Galingan mo pa!" natatawa namang sabi ni Fire at kinurot ang pisngi ko bago pumasok.
"Bro, gandang lalaki ko ba?" tanong ni Railey habang nakaakbay kay Cedrick.
"Oo, ganda mo.. Ganda mong sapakin. Umalis ka nga! Nababakla ka na ba sa 'kin? Sabi ko na nga ba ang pogi ko, e," sagot ni Cedrick at malakas na tumawa bago sila parehong pumasok sa loob.
Napailing na lang ako, ang hahangin naman! Parang naka-air-con. Hindi na 'ko pagpapawisan nito.
Napatingin naman ako kay Zack nang siya na ang huling papasok. Nakatingin lang siya sa 'kin kaya hindi na rin ako nag-iwas ng tingin.
Ang akala ko'y may sasabihin din siya pero hinila niya lang ako sa kamay kasabay niya pagpasok sa loob ng kusina.
Napatingin agad 'yung lima sa 'min sabay baba ng tingin nila sa kamay kong hawak-hawak niya.
Dinala niya 'ko sa upuang inupuan ko kahapon na katabi ng upuan niya. Pinaupo niya ko ro'n kaya umupo na lang ako.
"This will be always your seat."