Chereads / Mortem University / Chapter 3 - Mortem 02

Chapter 3 - Mortem 02

Welcome to Hell

Naalimpungatan ako na mabigat ang ulo ko. There is something wrong but I can't pinpoint what it is.

"Okay lang kaya siya?"

May nakapasok sa kwarto ko?

Just by the thought of that, mabilis akong napabalikwas ng bangon. Who dared to enter my room without my permission?

Pero wrong move. Lalong sumidhi ang sakit ng ulo ko. Parang may bumagsak na kung ano at ako ang sumalo niyon.

"Hey, okay ka lang? Kamusta ang pakiramdam mo?" nangunot ang noo ko sa pagkarinig ng isang boses na hindi pamilyar.

Pagbukas ng mata ko ay nasa hindi pamilyar na lugar ako. Nakahiga ako sa sofa, kaya pala masakit ang ulo at likod ko. May isang malaking flat screen t.v. at speaker. May isang maliit na center table sa gilid ko.

Pero ang mas nakakabigla ay ang tatlong babaeng ito na nasa harapan ko. Nakatingin sila sa akin na parang awang awa at hindi ko maintindihan kung bakit.

"What the hell is your problem?" I asked them.

I tilted my head to the side. Hindi ko sila kilala.

And as if on cue, nanlaki ang mga mata ko.

The party.... the girl... everything last night really happened!

"Uminom ka muna ng tubig." Pag aabot sa akin ng isang babae. Mukha siyang mataray, hawk-like eyes, brown hair and tiny face.

"Masakit ang ulo ko," pabulong na sambit ko pero mukhang narinig nila.

"Normal lang iyan." sabi naman ng babaeng may blonde hair.

"Sino ba kayo? Bakit ako nandito?" Kahit ayaw kong aminin ay nagsusumigaw ang katotohanan sa utak ko.

The dare I got last night is the one she's been calling special. Ang nakalagay sa papel ko kagabi ay "Be a student of Mortem University and learn to kill."

Anong matinong eskwelahan ang magtuturo ng ganoon? Legal ba iyon?

"Alam namin na madami kang katanungan sa isip mo. Mag ayos ka muna, at saka tayo mag usap. Nasa dulo ang kwarto mo."

Napalunok ako. Hindi man sila pamilyar sa akin pero magaan ang loob ko.

Natagpuan ko ang kwartong sinasabi nila sa dulo ng hallway sa second floor ng dormitory na ito. Apat ang kwarto sa total.

Napamaang ako ng makita ang mga gamit ko sa loob. Paano ito napunta dito?

Napaupo ako sa kama ko.

Ano ito? Paanong nakaimpake ang gamit ko?

"Welcome to Mortem University."

Iyon ang huling naalala ko bago ako mawalan ng malay.

Sa sobrang kalituhan ay nagawa ko pa din ang maligo at mag ayos. May nakapatong na uniform sa kama ko kasama ang isang papel na mukhang schedule ko.

Matapos kong mag ayos ay natigilan pa ako ng ilang sandali.

Bakit parang magkakakonekta ang lahat? Ang pag uusap ng dalawang babae sa banyo, ang kahon na nakapatong sa mesa ni Kuya, at maging ang party kagabi.

Lahat ay nakakonekta sa paaralang ito. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng lahat ng iyon?

Pagbaba ko ay naabutan ko silang nakahanda na din at naghahain ng plato.

"Halika, upo ka na. Kain tayo."

Hindi na ako nag isip pa at umupo na sa hapag. Naglapag siya ng hot chocolate sa tabi ko.

"Wala kasing coffee dito, okay lang naman kung hindi ka umiinom niyan."

But I managed to smile. "No, it's okay. Thank you."

Nagsiupo na din sila. Pabilog ang mesa kung kaya't halos magkakaharap lang kami.

"Habang kumakain tayo, sasagutin namin ang mga tanong mo. Baka kasi malate tayo kung gagawin natin iyon pagkatapos." Sabi ng babaeng katabi ko, itim ang buhok niya. Mahaba at medyo wavy. "I'm Ashley. Ashley Hermasillo. You can call me Ash."

Tumango ako sa kaniya. Hindi ko pa maapuhap ang tamang salitang dapat sabihin dahil sa pagkabigla sa lahat ng nangyayaring ito.

"Ako naman si Fatima Javier." She's the one with blonde straight hair.

"And my name's Sophie Cameron." She's the one who looks sophisticated and mean. She has this long brown wavy hair.

"I'm Isabella Alcantara." iyon lang ang nasabi ko.

Kumuha ako ng pagkain. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang pagtatanong.

"Biktima ka din nila, hindi ba?" Hindi nakatinging tanong sa akin ni Ashley. Napatango ako sa sinabi niya at medyo nagtaka.

"Biktima?"

Lumunok muna si Sophie bago siya ang sumagot. "Lahat ng mga bagong estudyante dito ay biktima ng mga namamahala sa Mortem High o mas kilala bilang Mortem University. Walang nagtatangkang mag enroll dito dahil sa mga bali-balita at sabi-sabi na madaming tinatago ang paaralang ito, kaya simula nang ipasarado nila ito mula sa publiko, nagsimula na silang mambiktima."

"Madalas nilang pinupuntirya ang mga galing sa matataas na papel sa lipunan. Kumbaga, kung hindi ka mayaman, safe ka. Sa tingin namin ay doon nanggagaling ang perang ipinagpapatuloy nila dito kaya hanggang ngayon ay hindi pa ito tuluyang sinasara. Hindi din ito hawak ng gobyerno kung kaya't wala silang magawa. They said that this University is being handled with underground society, may mga anak ng mafioso kasi ang nandito, but no one really proved that hypothesis." pagpapatuloy ni Fatima.

Halos hindi na ako makalunok sa mga nalalaman ko. Kaya pala.

"Biktima din ba kayo?"

Sabay-sabay silang tumango.

"Nasa party ako noong nagkaroon ng truth or dare na may papel sa ilalim ng mga upuan namin. At first, I thought it was a prank or a scam. But we were surrounded by men in black and they are all armed kaya wala akong nagawa."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sophie. What happened to her was the same as mine!

"Ganoon din ang nangyari sa amin ni Fatima. Magkasama kami noon. Naweirduhan pa kami dahil parang buong school namin ay imbitado."

Napamaang ako lalo. How can I digest what I am eating kung ganito ang mga nalalaman ko?

"Actually, may pattern ang pagkidnap nila sa mga prospect."

Seryosong wika ni Fatima. Among all of us here, siya iyong may aura ng pagiging matured.

"May mga kinalaman iyon sa nangyari five years ago. Ang labanan sa Underground society. Ashley and I are cousins, we both know that our family has something do with the mafia. Sophie is the Princess of Cameron clan in which they are also included in mafias. Ikaw, saan ka nabibilang?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

Five years ago?

It's like re-opening an already healed scar inside me.

"H-hindi ko alam. Wala akong alam sa mga mafia at lalo na sa underground society na sinasabi niyo."

Sambit ko. It's true. I don't think that my parents has the guts to include our family on underground society.

Masyado na kaming mayaman para sumabak pa sila sa isang delikadong mundo para lang sa pera.

Nangunot ang noo nila sa isinagot ko.

"Kung ganoon, bakit ikaw?"

Hindi ko din alam...

"Ah! May isa pa kaming nakalimutan na sabihin sa'yo." tumingin ako kay Fatima na may halong pagtataka at interes.

"From the word itself, Mortem in latin, it means death. This school is extraordinary, kaya sinasabi ko sa iyo na halos galing sa mafia clans ang estudyante dito. Naging training grounds ito para sa mga tauhan nila at maging sa amin na din na mga tagapagmana. Legal ang pagpatay dito. Pero syempre, may rules naman. Hindi pwedeng palagi na lang pumapatay."

Tiningnan niya ako ng diretso sa mata. I don't know why pero bigla akong kinilabutan.

"Huwag kang lalayo sa amin, lalo na at sinasabi mong hindi ka galing sa isang mafia clan, o kahit manlang mafioso. Magiging target ka ng mga nandito, at higit sa lahat, huwag na huwag kang gagawa ng kahit na ano na makakapagpainit ng mata nila sayo. Pagsapit ng 8 pm ng gabi, huwag ka nang lumabas. Hindi natin alam kung sino ang mag aabang sa'yo o kahit sa atin. Iba ang eskwelahang ito. Ang buhay mo o ng kahit sino dito ay parang isang laruan na madaling itapon kapag hindi na kailangan. Ito ang Mortem University, Isabella. Isang malaking battlefield para sa mga halang ang kaluluwa."

Si Fatima naman ngayon ang humawak sa balikat ko. "The only way to survive this school..... is to die, Isabella."

"But if you managed to get away alive," seryoso na din ngayon si Sophie. "You are an angel survived from hell. Welcome to hell, Isabella."

W-what the hell?

*****

Marie Mendoza

@ThirdTeeYet