Chereads / Mortem University / Chapter 4 - Mortem 03

Chapter 4 - Mortem 03

The New Playmate

Lumabas na kami ng dorm pagkatapos kumain at magligpit. Para akong lutang habang naglalakad kasabay nila. Kita ko ang kakaibang tingin ng mga nadadaanan namin.

I know that I am a brat. But I am not a baddass wannabe. Hindi ako matapang katulad ng iba. Hindi ako marunong makipaglaban, at lalong hindi ko kayang pumatay ng tao na parang isang laruan lamang iyon na pwedeng palitan.

People's life should be treasured!

Pero sa mga taong nandito, isang malaking joke iyon kapag sinabi ko. At baka ako pa ang una nilang puntiryahin.

"Sab," pagtawag pansin sa akin ni Sophie. Binigyan nila ako ng nickname dahil daw masyadong mahaba ang pangalan ko.

"W-why?"

Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ako. She looks prettier when she smiles.

"Breath. Hanggat katabi mo kami, huwag kang mag alala. Alam namin na mahirap para sa'yo ang magtiwala lalo na ngayong buhay ang pinag-uusapan dito, but trust me, you've just got to trust the three of us."

Ang pagtitiwala sa lugar na ito ay isang malaking biro. Para kang nakipaglaro kay kamatayan kapag ipinagkatiwala mo ang buhay mo sa isang tao na dito nag aaral.

Pero sa pagkakataong ito, wala akong pagpipilian. Ngumiti ako at parang nawala ang malaking harang na nakabaon sa puso ko.

Hindi ko alam kung anong magiging kinabukasan ko sa lugar na ito, pero sana makalabas ako ng buhay. Makalabas kami ng sama-sama at umuwi sa mga pamilya namin.

Natigilan ako nang maalala iyon.

"B-bakit pala nasa kwarto ang mga gamit ko? Kung kinidnap nila ako, paano ang mga magulang ko?"

Lumingon sa gawi namin si Ashley, nauuna kasi sila ni Fatima maglakad habang kami ni Sophie ang magkasabay. Nakakapit siya sa braso ko.

"Sinabi mo na hindi ka miyembro ng kahit anong mafioso o kahit galing sa isang mafia clan, at iyan din ang ipinagtataka namin."

Napanganga ako ng bahagya sa sinabi niya pero hindi ako nagsalita. Naghihintay lang ako ng susunod na sasabihin niya. Ang bawat salitang nanggagaling sa kanila ay parang isang malaking pasabog ang pagdating sa akin.

"Ang pamilya ng bawat nakikidnap dito ay sumasang ayon sa kagustuhan ng paaralang ito. Katulad ng sinabi namin kanina, legal ang pagpatay dito kung kaya't naeensayo ng maigi ang mga pumapasok dito. Kapalit niyon ay ang pag suporta sa paaralan at pagbabayad ng malaking halaga para maipagpatuloy ang pagpapatakbo ng Mortem."

"Hindi din nabibigla ang pamilya ng mga kinidnap katulad namin. Para sa iba ay isang malaking karangalan ang mapabilang dito dahil isa ang Mortem sa may magagandang imahe kapag tungkol sa academics at paghasa sa estudyante. Bihira ang mapili ng mga namamahala sa Mortem kung kaya naging sukatan ito sa Underground society."

Napadiin ang tikom ko sa bibig.

Posible kayang alam nina Mommy?

Pero bakit? Anong kinalaman ng pamilya namin dito?

"Nandito na tayo."

Luckily, I have the same schedule as them. Katulad ng sinabi nila, maganda ang Mortem High sa usaping akademiko. Nandito ang mga pinakamagagaling at matatalinong estudyante mula sa buong Pilipinas, na kasali sa Underground society.

Para magawa ito, hinihirang din nila ng maigi ang mga professor na magtuturo.

Sakto naman, pare-pareho kaming senior high school nina Sophie at STEM din ang kinuha. Walang kolehiyo dito, kaya ang mga nakulong na katulad nila ay paulit-ulit lamang ng pinag aaralan. Lalo na iyong mga datihan pa. Iyong iba ay mas pinili na lang na magbago ng strand kada pasukan kaysa maburo sa kinuhang strand sa nakaraan.

"Good morning, class."

Walang nag abalang tumayo. Babati sana ako pero napansin ko na kahit ang tatlo kong kasama ay walang interes na nakatingin lang sa guro. Hindi na din ako nag-abala pa kahit gusto ko.

Akala ko ay masama na ako dati, mayroon pa palang mas malala sa akin.

"I'm Prof. Thelina and I will be your prof in General Biology I. Magkakaroon din kayo ng Capstone project na magkokonekta din sa Research project niyo."

Nakalimutan ko na nasa kalagitnaan na pala kami ng taon. Second semester na ngayon, ibig sabihin mangangarag na kami sa dami ng projects and requirements. I just don't know how they run this school dahil wala namang computers and printers dito.

Sa dati ko kasing school, madalas na kailangan ng laptop or kahit phone manlang kapag may project. Bawal kasi iyon dito.

Anything that can lead to communication outside is forbidden here.

Nagsimula nang magdiscuss ang prof namin. Truth to be told, magaling nga siyang magturo. Kahit pa alam ko na ang sinasabi niya, mas nauunawaan ko pa at may mga panibagong terms siyang tinuturo na connected sa topic.

Napansin ko din na attentive ang lahat at nagagawa nilang magparticipate.

This is an ordinary school for a quite short time, afterall.

Breaktime.

Ngayon ko pa lang nakita ang kabuuan ng University, actually hindi pa nga buo kasi halos itong building palang namin at iyong girl's dormitory ang napupuntahan ko.

Papunta kami ngayon sa canteen para kumain. Ang canteen dito ay parang pangkaraniwang mini-mall.

Ang kaibahan lang ay sama-sama sa iisang space ang lahat ng kainan. Sila din ang kusang lalapit, may buzzer sa bawat mesa at doon nakalagay ang numero kung aling resto ang gusto mo.

Kakaiba..

Madami ang naabutan namin sa loob. Pero sa halip na maging masaya ako dahil nakakita ako ng mga bagong tao, parang mas kinabahan pa ako sa paraan nila ng pagtingin.

"Eyes off, bastards." Sophie talked.

Seryoso lang ang mukha nilang tatlo. They scream power and authority all of a sudden.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, na parang ang liit liit ko.

Bakit ba kasi ako ang napunta dito?

Umupo kami sa isang pang apatang mesa. Nagkanya-kanyang pindot na kami ng buzzer at kuha ng orders. Libre ang lahat dahil magulang namin ang sumasagot dito.

Kung magulang namin, paano pumayag sina Mommy? Hindi ba nila naisip na delikado ang buhay ko dito lalo na at ganito ang mga kasama ko?

Or they just don't care anymore?

Just by thought of it, may kung anong gumapang na pakiramdam sa tiyan ko. After all, simula pa lang naman ay wala na silang pakialam. Ano na lang ba iyong ipatapon ako dito at hayaang gawing isang laro ang buhay ko?

Damn...

"Sab.."

Napaangat ang tingin ko sa kanila. Napansin ko naman na may halong awa ang tingin nila kaya nagtaka ako.

Fatima suddenly embraced me.

"Don't cry. Malalampasan mo ito, okay? Nandito kami para sa'yo. Isa man kami sa kanila, magkakapareho man kami ng pinagmulan, but you can always trust the three of us, hmm? Be brave, Sab. Makakalabas tayo dito."

Hindi ko namalayan na umiiyak pala ako. Parang naipon lahat ng takot, sama ng loob at pagkalito sa dibdib ko na hindi ko na nakayanan pang pasanin.

I'm just so thankful that I've found angels inside this hell. Dahil kung wala sila, baka hindi ko na alam pa kung anong mangyayari sa akin dito.

*****

Marie Mendoza

@ThirdTeeYet