Et Regiorum
Tahimik lang kaming kumakain. Ni hindi ko magawang tumingin sa paligid dahil sa takot na baka may makatitigan ako at pag initan ako.
Medyo maingay sa canteen. Parang normal na school lang kung titingnan pero hindi ko alam kung anong nakabalot na kapahamakan ang mayroon kapag gabi.
Natigil ako sa pagnguya nang maramdaman ang kakaibang aura. Maging ang mga maingay kanina ay tumahimik. Nakita kong napairap si Sophie sa ere at wala namang pakialam na nakatingin sa may pinto si Ashley.
Tumingin ako kay Fatima pero nagkibit balikat lang siya at tuloy tuloy lang sa pagkain. Sa payat niyang iyan ay hindi halatang ang lakas niya kumain. Kahit kaninang almusal ay siya ang nakaubos ng kanin.
Pakiramdam ko ay nanayo ang balahibo ko sa batok sa hindi malamang dahilan.
"What are you doing here?" naiinis na tanong ni Sophie sa taong nasa likod ko.
Hindi ako nag abalang lumingon. May nag usog ng isa pang lamesa palapit sa amin at mga upuan.
"I missed my fiancé, so why not?" natigil kami sa pagkain at napatingin sa mga tumabi. There are four of them, they have this aura na hindi mo gugustuhing makabangga sila.
Sophie scoffed at the guy. "Just get lost, Jarvis. I'm not interested with your craps."
Nagpout ang lalaki. W-wait, what?!
"Hindi mo manlang ba ako namiss? Honey pie? Honey bunch? Asawa ko?"
I almost cringed. Is he serious?
"Look, Jarvis, kumakain kami dito. Kung ayaw mong tumigil, makakatikim ka talaga sa 'kin." pananakot ni Ashley.
Ngumiti ng inosente iyong lalaking tinawag nilang Jarvis. May inosente pa ba sa lugar na ito?
Napansin kong nakatingin na din pala ito sa akin kaya agad akong tumungo.
Sumeryoso ito at pinakatitigan ako. "May bago na naman silang nabiktima." hindi iyon tanong, kundi sinabi niya lang kung anong halata.
He scoffed. Napatingin din sa amin iyong mga kasama niya.
Or sa akin.
"She's Isabella Alcantara. She got kidnapped last night. Ang nakakapagtaka ay kung bakit siya ang kinuha para ipasok dito pero hindi naman siya nabibilang sa kahit anong mafia." Sophie said while looking at me, too.
I pursed my lips.
"I'm Jarvis Guillermo, Sophie's oh-so-handsome Fiancé." Ngumiti na ulit siya, he has this vibes kung saan ang gaan niya kasama.
He's always smiling, isama pa na ang inosente ng ngiti niya.
"Chase Araneta here." simpleng itinaas ng isang lalaking katabi ni Jarvis ang kamay nito at ngumiti din sa akin. He has a sharp nose and eyes like a hawk. Napansin ko na nakatitig siya kay Fatima na busy pa din sa pagkain.
It's hard to get her attention once nakaharap niya ang pagkain.
"I'm Dash Olivarez." said the guy with a neat hair. Nakatitig din siya kay Ashley naman. So, is this some kind of love teams?
And my girls are dense?
"Iziah Muñoz here, my lady." this guy has the vibes of both good boy and fuckboi.
I smiled at them.
"Isabella Alcantara."
I heard Jarvis sighed. "Don't worry too much, Isabella. Hanggat kasama mo kami, at hanggat nasa pangangalaga ka namin, hindi ka mapapahamak."
Nagtaka ako sa sinabi niya. Why?
"They are the Et Regiorum or in latin translation, it means The Royals. Kasama kaming tatlo doon. We are seven in total, kasama ang President ng council. We are the ones with the highest positions at kung sinuman ang kumalaban sa amin, kamatayan ang kaparusahan." said Fatima, at last.
Pero matapos niyang magsalita ay kumain na muli siya. I saw how Chase hid his smile. Here comes the dense and the torpe.
Uso din pala iyon dito.
"Yes, that's true." said Iziah. Siya ang katabi ko habang nasa kaliwa ko si Sophie. "Kaya kahit wala ka sa Top 20, o hindi ka kasali sa Et Regiorum, hangga't nasa proteksyon ka namin, walang makakagalaw sa'yo dito."
"Pero huwag ka pa ding magpapabaya." said Dash. Ramdam ko ang concern nila, at nagpapasalamat ako doon. "Madami ang tuso dito, kaya sa amin ka lang magtitiwala. Kahit nasa proteksiyon ka namin, hindi pa din maiiwasan ang mga maduduming maglaro. Kaya mas mainam nang huwag kang makipagkilala o makipagkaibigan pa bukod sa amin. Baka iyon ang ikapahamak mo."
Maluwag ko namang tinatanggap ang bawat salitang binibitawan nila. Unti-unting nagbubuo ng ilang paalala sa sarili na makinig sa kanila at huwag nang magmatigas.
Mahirap na, kung sa labas ay makakaya kong magmatigas at sumuway sa utos ng mga magulang ko, dito ay hindi.
Sarili ko lang ang ipapahamak ko kapag nangyari iyon.
"Nasaan pala iyong isa? Hindi ba pito kayo?"
Pagtatanong ko.
Napatingin din ang tatlo sa kanila. Nagkibit balikat sila na parang sinasabi nilang hindi nila alam.
"Alam niyo naman si Rex, basta basta na lang nawawala. Basta basta na lang din lilitaw iyon." pagsagot ni Iziah.
"Rex ang pangalan niya?" kyuryoso kong tanong ulit.
"Nope," Iziah answered again. Parang kami na lang dalawa ang nag uusap dahil magkatabi kami. Si Jarvis kasi ay lumipat sa tabi ni Sophie. Siya ang nasa kaliwa ko kaya sa kaliwa din siya nito nakaupo. "Rex lang ang tawag sa kaniya, that means 'King' in Latin."
Masyadong mahilig ang mga tao dito sa Latin words, huh.
"Minsan, Basileus ang term na ginagamit kapag nasa formal meetings kami o kaya nasa loob kami ng council. His name is Simon Montalvan, the heir of Montalvan mafia and the president of this school."
Kumunot ang noo ko. "You mean, council?"
Tumango siya, napanguso at tumingin sa akin. "That, too. Pero siya mismo ang President ng board of Directors ng school na ito."
Para akong binuhusan ng yelo sa sinabi niya.
"May kinalaman siya sa mga kinikidnap?" that's the question that rings the bell inside me.
"I don't know. Siguro oo, siguro hindi."
May kinalaman ka kaya?
"He's an enigmatic President. Ayaw niya ng makalat, lalo na kapag may mga bangkay ng mga pinatay. Ayaw niya din ng may nakikitang late o nagka cutting. Hindi siya nagpapataw ng kamatayan, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kaysa maranasan ang parusa niya."
Dagdag niya pa.
"Kaibigan niyo ba siya?"
Hindi ko na naituloy pa ang pagkain dahil sa pag uusap namin. May kanya kanya na tuloy kaming kausap dahil sa mga dumating.
"For us, yes. Pero sa kaniya? Hindi ko alam. He's distant and cold. Minsan lang din siya nagpapakita dito sa school dahil mas madalas siya sa opisina. Isa siya sa mga old students ng University bago pa ito maisarado sa publiko."
"B-bakit pa siya nandito kung pwede naman siyang lumabas?"
Natigil naman siya sa pagkain at seryosong tumingin sa akin. Hindi ko alam pero parang may ipinapahiwatig ang mga mata niya na hindi ko mawari.
"Kahit siya ang Rex at Presidente ng council at eskwelahan, wala pa din siyang kapangyarihan na makalabas. Ang University na ito ay may isang quotation."
Napatitig ako sa kaniya. "You can come in, but you can never get out. At kahit si Simon, hindi exception sa naging rule na iyon."
And that hits me.
I am a prisoner in this University. We all are.
*****
Marie Mendoza
@ThirdTeeYet