Chereads / Finding Sehria / Chapter 21 - Chapter 20 - Closer

Chapter 21 - Chapter 20 - Closer

Lei

I woke up in nothingness.

I look around just to find myself in the middle of the woods, lost and alone.

Nakakarinig ako ng lagaslas ng tubig sa kung saan kaya parang may sariling isip ang mga paa ko na sinundan ang pinanggagalingan nito. It was a river, a stream of pure, clear water. Sinubukan kong manalamin sa tubig pero hindi ko makita ang reflection ng mukha ko, samantalang nakikita ko naman ang ibang parte ng katawan ko. Weird.

Sa di kalayuan ay may nakita akong bangka, lumang luma na ito. Sa isang iglap, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakasakay dito. Nakaramdam ako ng takot dahil baka bigla na lang itong lumubog, ngunit mabilis na naglaho ang takot ko dahil sa payapang pag-agos ng ilog.

I didn't know where it would take me. It was getting dark and cold too. Kumakapal na din ang hamog sa paligid, natatakpan na ang paningin ko. Wala na akong makita. Suddenly, a lamp appeared in front of me, parang ginagabayan ako at binibigyan ng liwanag ang dadaanan ko.

I could hear some faint and distance voices around me, it was calling me but the voices were not clear. Napayakap na lang ako sa sarili dahil sa tindi ng lamig ng hangin na tumatama sa buo kong katawan. I noticed that I was wearing a soft and light fabric feather dress. Off shoulder ito, kaya pala nilalamig ako. I look like I was glowing too, dahil sa sobrang kaputian ng suot ko.

Really? Where exactly am I? And where am I heading?

As if on cue, biglang huminto ang bangka na sinasakyan ko. I am now in front of huge ruins. Para itong dating palasyo, sira sira at gumuho na. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko, parang nakarating na ako dito, pero hindi ko mahanap sa parte ng mga alaala ko kung saan nga ba ang lugar na ito.

As I walk through the ruins, fire lights up my way. It was a familiar light, it's giving me an unexplainable comfort and ease. Sobrang kapayapaan ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito, parang ayoko nang umalis sa lugar na 'to.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa pinakadulo. May malaki at tila luma ng salamin sa harap ko, pero nakakapagtaka dahil hindi ko makita ang reflection ko, gaya nung sa ilog kanina. Napakalabo niya. Ilang beses ko pa itong pinunasan gamit ang kamay ko pero ganun pa din. Wala pa rin akong makita. 

Muli akong nakarinig ng boses. Hindi gaya kanina parang lumalakas na ito, parang sumasabay sa ihip ng hangin. Bumubulong sa tainga ko.

"Malapit na. Mahahanap mo na ko."

Nagliwanag ang salamin sa harap ko. Bahagya akong napaatras at napatakip sa mga mata ko. Nakakasilaw. Ngunit may kung anong pwersa na humihila sa akin patungo sa liwanag na yun. Parang tinatawag niya ko.

Kung susundan ko ba ang liwanag na ito, mahahanap ko kaya ang kasagutan sa mga tanong sa isip ko?

"Isang hakbang na lang. Isang hakbang na lang, mahahanap ko na ang daan pabalik. Umuwi na tayo."

The familiar voice keeps filling my head. Parang sasabog na ang ulo ko. Sobrang sakit.

Sino ka ba?

Huminga ako nang malalim. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Gusto kong malaman kung sino ba talaga ang nasa likod ng boses na yun.

Isang hakbang, handa na akong gumawa ng isang hakbang pero biglang lumambot ang lupang kinatatayuan ko, nagkaroon ng napakalaking butas. Hinihila ako pababa. Sigaw lang ako ng sigaw habang nahuhulog ako sa walang katapusan na kadiliman.

"Lei, wake up! You're having a bad dream."

Nagising ako na hingal na hingal. Para akong tumakbo ng milya milya, ramdam ko ang kakapusan ng hininga ko. Nasa tabi ko si Janus, alalang alala na ang itsura nito.

"Uminom ka muna ng tubig, Lei." Tinanggap ko agad ang isang basong tubig na inabot sa akin ng mama niya. Mabilis kong tinungga yun. Para akong isdang uhaw na uhaw sa tubig.

"What happened? You sounded like you are having a nightmare. You got me scared there." 

I paused for awhile thinking about the dream. Janus and his mom were waiting for me to answer.

I shook my head. "Hindi ko maalala," I said in an almost inaudible voice.

Mariin akong pumikit para subukang alalahanin pero kahit anong gawin ko hindi ko talaga maalala ang panaginip ko. Pakiramdam ko sobrang lapit ko na sa mga sagot sa tanong ko.

Just one more step, one more step and I'm getting closer to the answer.

Napahawak ako sa ulo ko dahil parang may martilyong pumupukpok dito. Impit na napaiyak na lang ako dahil sa sobrang sakit.

"It's okay. If it hurts, don't try to remember." Janus brought me into his arms as he tried to comfort me. Unti-unting nakaramdam ako ng kaginhawaan nang himas-himasin niya ang magkabilang sentido ko. Pumipikit na rin ang mata ko dahil muli akong dinadalaw ng antok.

"My sweet child, bakit kasi dito kayo sa sofa natulog ni Lei? Bring her to her room so she could sleep well," sermon pa ng mama ni Janus. Naramdaman kong binuhat ako ni Janus at dinala sa kwarto ko.

Pasado ala-una na ng hapon nang magising ulit ako. Tirik na tirik ang araw sa labas kaya dali-dali akong napabangon.

"Easy there, sleepyhead." I looked to my left and found my boyfriend sitting at the chair beside my bed. Looking  dashingly handsome, while combing his wet hair. Mukhang katatapos lang niya maligo. Bihis na bihis din siya.

"May lakad ka?" tanong ko sa kanya.

"We," he corrected. "They planned a picnic on the beach to cheer up Sehria. So get up and take a shower. You stink, babe." May pagtakip pa siya ng ilong niya.

Binato ko nga siya ng unan. Gagong 'to! Lakas mang-asar talaga pag nasa mood. Pero kinilig ako sa babe. Landi mo, Lei!

"Kahit mabaho ako, mahal mo pa din ako!" sigaw ko bago tumakbo sa banyo.

*******

Medyo hapon na nang mapagpasyahan naming magpunta sa tabing dagat. Malapit lang ito sa condominium na tinutuluyan namin kaya nilakad na lang namin papunta. Bitbit ng mga lalaki ang isang cooler at malaking basket na may laman ng mga pagkain namin.

Wala daw tao masyado kapag ganitong oras, kaya parang solo tuloy namin ang lugar. Pagkalatag ng picnic mat, kanya kanya na kami ng upo. Malamig ang panahon kaya lahat kami may suot suot na royal blue zip up hoodie. Binili daw ng mama ni Janus para daw pare-parehas kami. Ang bait talaga ni future mom-in-law. Ang feeler ko po.

Hanggang tainga ang ngiti namin nang masayang magtatakbo si Glessy palapit sa dagat. Itinupi niya ang pantalon niya at tuwang tuwa siya na nakikipaglaro sa alon. Mabilis siyang tumatakbo palayo kapag palapit na ang alon sa dalampasigan para hindi siya mabasa.

"AAAAAAAAAAOOOOOOAAAAAH OOOOOOAAAA!" Malakas na sigaw naman ni Elliot na parang Tarzan. Hinahampas hampas niya pa ang dibdib niya. Mukhang tanga talaga. Gustong gusto na siyang batuhin ni Austin ng lata ng softdrinks kaso bawal magkalat sa dagat. Let's save mother earth.

"AAAAAAAAAAOOOOOOAAAAAH OOOOOOAAAA ANG PANGIT NI ELLIOT!" Panggagaya ni Glessy kaso halos mamatay na kami kakatawa dahil sa huling sinigaw niya.

"Humanda ka sa aking bulinggit ka! Itatapon kita sa dagat!" 

"Noooooooooo!" panay tili ni Glessy habang naghahabulan silang dalawa ni Elliot sa dagat. Ang cute, infairness.

"Bagong ship na ba ituuuuu?" komento ni Fina. Ayan na, magma-match make na ang gaga.

"Naku, kawawa naman si Glessy. Let's protect our baby," kontra naman ni Austin. Natawa na lang ako. Okay naman si Elliot, kahit mongoloid minsan.

"You look so happy."

"Yeah, I am." Baling ko kay Janus. He was smiling widely too. Nagiging close na din siya sa mga kaibigan ko kaya masaya talaga ko. Dati rati kasi hindi talaga siya nakikipag-usap sa mga ito. I'm glad that they're already in good terms.

"Remember when we first went to the beach?" He asked all of a sudden. May pilyong ngiti din na sumilay sa labi niya. Naalala ko bigla yung first kiss namin.

"Huh? I can't remember. May amnesia ata ako," pagmamaang-maangan ko. Gusto ko siyang ibaon bigla sa ilalim ng buhangin. Kainis! Bakit kasi pinaalala niya pa yun? 

"Bakit anong meron?" curious na tanong nina Fina at Austin. Nakikinig pala mga tsimoso at tsismosa.

"Oh, we just-----"

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Janus bago pa man siyang may masabi na kung ano. Walanghiyang, boy kidlat 'to! Kailan pa siya dumaldal ng ganito?

"We just watched the sunset, right?" sabi na lang niya nang pwersahan niyang tanggalin ang kamay ko sa bibig niya. Yun lang pala. Kinabahan ako. Kumindat pa ang gago.

"Bwisit ka!" inis na sambit ko. Hinila niya ko palapit sa kanya pero lumalayo ako. Panay naman ang pagsosorry niya. Tse!

Mukhang mas okay pa yung dati na suplado siya kaysa ganito. Kakadikit niya ata kina Austin at Elliot kaya natuto na din siyang mang-asar. Pagbuhulin ko silang tatlo eh.

Nang mapagod sina Glessy sa paghahabulan, umupo na sila sa tabi namin. Para silang mga kiti-kiti, naghaharutan pa din sila. Konti na lang talaga i-shiship ko na sila.

"Sana all talaga may jowa," pasaring na naman ni Elliot habang nakatingin kina Fina at Austin. Silang dalawa naman ang nasa tabing dagat. Magkahawak ang kamay habang naglalakad. Akala mo may sariling mundo yung dalawa.

"Malay mo naman kayo pala ni Andrea sa isa't isa," pampapalubag ng loob ni Glessy habang kumakain ng sandwich.

Nagbukas naman ng isang latang coke si Elliot at tinungga yun. "Si Andrea? Naku naman, Gles. Magrereto ka na lang doon pa sa matanda na," singhal niya.

"At sinong matanda?!" Muntik pang mabuga ni Elliot ang coke na iniinom niya nang biglang sumulpot sa harap namin si Andrea, nakasuot pa ito ng floral tank dress at nakapamewang sa amin.

"ANDREAAAAAAA!" Sinugod namin siya ng yakap ni Glessy. Muntik pa siyang matumba ng dumamba kami sa kanya, mabuti na lang nakapagbalance siya agad. Nakita ko si Fina na tumatakbo din palapit sa amin.

"Uwaaaaaaaah namiss kita!" Halos magtatalon si Glessy sa tuwa. 

"Kalma, girls! Baka mamatay ako ng maaga sa inyo." Pilit na kumakawala sa yakap namin si Andrea pero mas inipit pa namin siya.

"Sorry na! Namiss ka lang namin. Ilang linggo din tayong hindi nagkita-kita," sambit ni Fina. Halatang hindi rin maitago ang kasiyahan.

"Baka naman pwedeng sumali sa hug? Hehehe."

"Hug mo mukha mo! Tinawag mo kong matanda, mangisay ka diyan."

At ang siraulong Elliot, humiga at nangisay nga sa buhangin. Ang sarap niya itapon sa dagat nang mabawasan na kami ng abnormal na kaibigan.

"Nandito rin kami, baka hindi niyo kami nakikita?"

"Azval!" Masiglang bati ni Glessy. Kasama pala ni Andrea ang kambal.

"Kuya. Kuya dapat ang itawag mo sa amin. Hindi ka pa din ba sanay?" pagtatampo ni Azval. Napakagat labi naman si Glessy.

Lumapit si Azure at ginulo-gulo ang buhok ng nakababatang kapatid. "Ayos lang kahit anong itawag mo sa amin. Hindi mo kailangan magmadali."

Kagaya ng dati, may banayad na ngiti ito sa labi niya. Alam ko para kay Glessy ang ngiti niyang yun pero pati ako, gumagaan ang pakiramdam dahil sa ngiti niya.

"Malapit na. Mahahanap mo na ko."

Napalingon ako sa paligid nang marinig ko na naman ang isang pamilyar na boses. Bakit pakiramdam ko napakalapit lang nito sa akin.

"Malapit na. Malapit na, malapit ka na."

Sino ka ba? Paulit-ulit kong tanong sa isip ko habang nililibot ang paningin ko.

Sa isang iglap, biglang nagbago ang paligid ko. Nasa isang malaking hardin na ako. May dalawang batang naghahabulan. Masyadong malabo, hindi ko maaninag kung sino ang mga ito. Paghakbang ko, biglang nagbago ulit ang paligid, nasa loob ako ng isang napakagandang kwarto. May isang babae, may hawak hawak itong sanggol. Nasa tabi naman niya ang isang lalaki at nilalaro laro ang isang kamay ng sanggol. Sinubukan kong lumapit para makilala ko kung sino sila pero bigla silang naglaho.

"Hoy, Lei!"

Nagbalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng mga kaibigan ko.

"Are you okay? You've been spacing out."

"Okay lang," pinilit kong ngumiti at saglit na kinalimutan ang mga nakita ko.

"Ano natulala ka sa kagwapuhan ni Azure? Huwag ganun, Lei. May Janus ka na." Pinanlisikan agad ng mata ni Janus si Elliot. Loko eh.

"Anyway, pwede ba kaming sumali sa picnic niyo?" tanong ni Andrea.

"Oo naman manang! Ikaw pa!"

"Isa pang manang, ipapatusta kita sa kidlat ni Janus!" bulyaw ni Andrea kay Elliot, salot. Sinabunutan niya pa ito. Buti nga.

"I won't mind roasting this guy. I've been dying to do that," nakangising sambit naman ni Janus at pinagkislap ang kanang kamay niya.

"Kayo naman! Hirap hirap niyo biruin! Tara, kain na lang tayo. Peace be with you mga par!"