"Well I guess, without you, I am just Aladdin."
Sa lahat ng sinabi niya, hindi ko talaga makalimutan iyon. Natatandaan ko na sa Aladdin na movie, sa Genie niya sinabi ang mga salitang iyon eh, so bakit sa akin niya binitiwan? Mukha na ba akong Genie sa paningin niya? Kung oo, I hope he's not going to set me free para sa kaniya lang ako. Wait what? Ano ba itong iniisip ko? Mali ito! Binabawi ko!
Well, according sa pag-describe ni Andrea, guwapo naman siya. Hindi nga daw malayong magka-crush ako doon eh. Pero hindi puwede at ayaw ko rin. Baka kung ano pang pangyayari ang dumating kung maging crush ko iyon at saka asa naman akong magugustuhan ako noon. Baka nga isuka lang ako eh, tapos masaktan pa ako. Malay ko ba kung hanggang pagkakaibigan lang ang gusto niya. Kumbaga kaya niya ako kinaibigan ay dahil magkasundo lang kami sa mga movies and stories pero wala nang ibang dahilan at wala nang hihigit pa doon.
"At anong pinaggagagawa mo kagabi, ha, Jasmine? Lumalandi ka na? Grade 7 ka pa lang, puro kalandian na ang inaatupag mo! Kapag ikaw, sa kangkungan pinulot at at nawalan ka ng top, bahala ka sa buhay mo, ha?!" Halos mapanganga naman ako sa biglang entrada na iyon ni Mamma. Nasa kuwarto kasi ako, may pumasok and all of a sudden siya pala iyon. Leche! Nasira tuloy iyong moment ko.
At teka nga pala, anong sinasabi niyang kalandian ko kagabi? Sa pagkakaalam ko kasi, sinalihan ko lang iyong singing contest tapos iyon lang. Saka teka, kahapon iyon, hindi kagabi. Anong pinagsasasabi nito ni Mamma? Wala naman din akong ginagawang masama. Kung sinuman iyong nagpamalita ng kung anu-ano diyan kay Mamma, matitikman talaga ang hagupit ko, promise. Nakakainis eh! Nananahimik ako tapos may issue?
"Mamma, kahapon po, hindi kagabi." Pamimilosopo ko para mabuwisit na lang siya tapos layasan na lang ako. Nakakarindi kaya. Sino bang hindi maiirita eh ang aga kong nadakdakan?
"Wala akong pakialam! Tigil-tigilan mo ako, Jasmine, ha?! Kung sa inaakala mong nakakatuwa, nagkakamali-"
"Ano po bang sinasabi ninyong kalandian? Wala naman po akong ginawang masama ah. Sumali lang ako doon sa singing contest and that's it." Hindi ko na tinapos ang sinasabi niya dahil naiirita na ako. Nakakabastos man, pero lagi na lang kasing ganito sa tuwing papagalitan niya ako.
Iyong tipong kahit wala akong ginagawa, mayroon pa rin para sa kaniya. Parang noong grade 6 lang ako. Nagpapaturo lang ako sa teacher ko sinabihan na akong gumagawa ng galawan dahil crush ko iyong teacher? Napakagaling! Eh, ang hirap kaya ng Math! Masama na bang magpaturo ako ng ako lang dahil hindi ko nakuha iyong lesson?
"Iyong pagdikit-dikit mo doon sa Grade 9 na Ali na iyon! Hindi ba kalandian ang pakikipagharutan, ha?! Ngiting-ngiti ka pa!"
Napahawak akong bigla sa kamao ko nang sabihin niya iyon, pero siyempre, hindi ko siya aambahan. Ano ba naman kasi ang karapatan niyang mandamay ng mga taong hindi naman dapat isali sa walang katuturang usapan na ito? Aladdin is just my friend, nothing more, nothing less, kaya ano na namang malisya ang nasa isip nito?
Kung hindi lang masamang mambastos, gagawin ko na, promise. Hindi naman sa hindi ko naiintindihan kung bakit niya ito ginagawa. Kaya lang kasi, simula bata pa lang ako, hindi ko rin maintindihan kung bakit ganiyan siya kalamig sa akin. Hindi lang malamig, mahigpit pa na akala mo pariwara akong anak. Well, baka isipin ko pang pinoprotektahan niya lang ako kung hindi sana siya kagaya ng madrasta ni Cinderella eh. Kaso, iyon. Kung wala ka lang respeto, mababastos mo ito, promise
"Imbes na iyang pakikipaglandian mo diyan sa Ali-"
"Aladdin, Mamma. Okay? Aladdin ang tawag ko sa kaniya at hindi Ali." Nakangisi kong turan bilang pagputol sa sasabihin niya. Naiirita kasi ako sa Ali eh. Baka sakaling, mapangiti pa ako kapag Aladdin.
"Wala akong pakialam sa kung anong itatawag mo diyan sa kalandian mo! Imbes na iyan ang inaatupag mo, mag-aral ka! Kapag ikaw nawalan ng top, tandaan mo, pupulutin ka sa putikan! Sa kangkungan! Bulag ka na, nga, ang landi mo pa! Kung sana libro ang inaatupag mo at hindi iyang kalandian mo at hindi ang panonood mo ng mga pelikula, eh di mas mataas pa sana iyong grades mo. Eh di sana Hindi ka lang with honors! With highest ka pa o kaya magis!"
Ayaw ko nang maging bastos kaya hindi na ako umimik. Wala namang patutunguhan kung magkaroon pa kami ng argumento ni Mamma eh kasi in the first place, kahit ilang beses ko pang ipaliwanag iyang buwisit na ranking system na iyan, hindi pa rin siya makikinig. Stick pa rin kasi siya doon sa dati. Ano ba naman? Past is past nga di ba? Nakakainis lang kasi! Napapagod na lang ako dahil paulit-ulit siya eh! Saka, pati ba naman panonood ko ng movies hahadlangan niya pa? Aba hindi puwede! Baka gusto niyang mahagupit ni Prinsesa Jasmine ng Agrabah!
"Tigilan mo iyang kalandian mo, ha? At huwag mo na ring ambisyoning magkaroong ng boyfriend. ang dapat, mag-aral ka, magpakatalino ka, gamitin mo iyang pagsusulat mo sa wattpad bilang opportunity para magkaroon ka ng libro, para, makatulong ka sa amin ngPapa mo. Naiintindihan mo?" Tumango na lang ako bilang sagot dahil pakiramdam ko, mababasag lang iyong boses ko pag nagsalita ako. Matapos rin naman noon, narinig kong sumarado iyong pinto ng kuwarto, nangangahulugang nakalabas na si Mamma at puwede na akong umiyak pero hindi ko gagawin kasi kailangan ko pang maghanda papasok sa school.
Pero nasaan ang cellphone ko? Kumapa ako sa bawat sulok ng kama at sa pagkapa ko, nahagip ng kamay ko ang isang baso which is iyong naiwan ko pala kagabi pero wala akong pakialam. Sa sobrang inis ko, ihinagis ko ito sa kung saan kaya lumikha ito ng malakas na tunog, senyales na nabasag ito at kailangan ko nang magkunwari na walang nangyari o kaya nasagi ko lang ito.
So iyon na, hindi ko na idedetalye pa kung anong klaseng paghahanda ang ginawa ko at kung paano ako nakapasok. Common sense na lang iyon at saka wala ako sa mood para magsalita pa ng kung anu-ano. Basta, si Sandra, hindi ko kinausap dahil ayaw kong mag-drama sa kaniya. Isa pa, ayaw ko na siyang idamay sa sinasabing ka-drama-han nga ng buhay ko. Kaya pagkahatid niya sa akin sa room, saktong wala pang teacher kaya cellphone muna ang kinalikot ko. Nakinig ako sa mga sound tracks ng Aladdin, as usual. Ito lang naman kasi ang pang-aliw ko eh. Para kasi akong dinadala nito sa ibang mundo at saka sagad iyong volume ng earphones kaya wala akong maririnig na kahit ano sa paligid ko.
"Oh! Anong nangyari sa iyo? Bakit ang lungkot mo? Kahapon lang, masaya ka ah." Maiirita na sana ako nang biglang may nagtanggal ng earphones sa tainga ko pero noong mapag-alaman kong si Andrea iyon, nilagay ko na sa bag pati cellphone ko.
"Wala." Pagsisinungaling ko. Ihinarap niya ako sa kaniya saka nagsalita. Alangan namang sa iba niya ako iharap kung kakausapin niya ako hindi ba? Siyempre hindi naman din ako timang para maisip kung saan niya ako ihaharap.
"Alam mo, sa tinagal-tagal nating magkasama, sa tinagal-tagal kitang bestfriend, kilalang-kilala ko na ang bawat kilos mo, Jasmine. Alam na alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi kaya magsabi ka na ng totoo."
"Si Mamma kasi. Hindi ko alam kung paano nakarating sa kaniya iyong magkasama kami ni Aladdin after noong contest."
"So, kung anu-ano na namang sinabi niya?"
"May dagdag. Kalandian ko raw tapos ang dami niya pang sinabi." At iyon. Sinabi ko sa kaniya lahat ng sinabi ni Mamma. Hindi naman sa paawa, pero siya lang kasi iyong pinagkakatiwalaan ko pag dating sa ganitong bagay.
"Good morning, class." Leche! Nandiyan na pala ang teacher namin sa unang subject which is English.
"Good morning, Sir Art." Tugon namin pabalik. Arthur kasi pangalan noon, Art ang nickname, share ko lang.
As usual, nag-discuss lang siya tapos nagpakopya ng notes. Anong kasunod? Siyempre dahil magaling siyang humawak ng oras, seatwork. Well, naiintindihan ko pa naman iyong lesson kahit na bad mood ako. Sanayan lang iyan. Saka, the show must go on nga hindi ba? Hindi ako puwedeng papadala na lang sa mga, salita ng iba dahil ako pa rin naman ang gagawa ng sarili kong kapalaran sa hinaharap.
"Jasmine! Gusto mo kain muna tayo?" Tanong sa akin ni Andrea matapos ang tatlong subject. Recess na rin naman kasi so hindi na ako tumanggi. Okay na sana ako eh. Hindi ko na nga sana aalalahanin iyong sinabi ni Mamma kung hindi lang pinaalala ni Andrea, buwisit!
"Alam mo, iyong nanay mo, wala lang iyon magawa sa buhay niya. Bakit niya sisirain sina Jasmine at Aladdin? Saka, wala namang kalandian doon sa ginawa ninyo eh kasi inalalayan ka lang naman niya tapos kaunting kuwentuhan. may masama ba doon? Huwag mo na lang siyang isipin ha? Hindi mo naman kailangang maging Magis para masabing matalino ka eh dahil doon pa lang sa point na nasa top ka, tapos bulag ka pa, eh di daig mo pa kami. Kasi nagawa mong mapasama sa achievers kahit hindi gumagamit ng paningin. Saka, anong sabi niya? Huwag ka raw mag-ambisyon-"
"Alam mo. Tama naman si Mamma eh. Hindi naman sa pag-aambisyon pero iyon ang tingin niya. Well, as I was saying, tama siya." I cut her off. Ang daldal eh. Mabuti nga nagagawa pang kumain kahit salita nang salita.
"Tama siya? Jasmine hindi! wala siyang karapatang sabihin iyon!" So kailangang sumigaw?
"Tama siya kasi walang sinumang lalaki sa mundo ang deserve ako. Pag ako ang nakatuluyan niyan sa huli, magiging dehado lang iyan dahil may mga bagay akong hindi kayang gawin at hindi mo maiaalis iyong fact na mas marami iyon kaysa sa mga kaya ko. Bakit? Kakayanin ko bang magluto para sa kaniya? Kakayanin ko bang alagaan ang anak namin sa mga panahong wala siya dahil papasok sa trabaho? Kakayanin ko bang linisin ang buong bahay? Hindi!"
"Alam mo, Jasmine, huwag mo na lang isipin iyan. Just think positive, sabi nga doon sa context ng kinanta mo kahapon sa contest, hindi ba?"
Napabuntong-hininga na lang ako sa kung saan nang marinig ko ang boses na iyon at hindi ko na kailangan pang kilalanin dahil kilalang-kilala na siya ng puso ko. Ha? Wala! Wala akong sinabi ah? Pero teka, kailan pa ito nandito? Kanina pa ba? Narinig niya ba lahat ng drama ko?
"Kinakausap ba kita?" Pagsusungit ko sa kaniya. Sorry kung rude, pero ayaw kong masabihan na naman ng malandi.
"Of course, you are talking to Andrea but I just wanna help." Halata naman ang lungkot sa boses niya nang sabihin niya iyon. Well, sorry, umiiwas lang talaga ako sa issue. Ayaw kong mamaya pag-uwi ko may argumento na naman.
"If you want to help, just leave us. Or do not interrupt our conversation." Ayaw ko man, pero naiiyak na ako. Hindi ko na rin napigilang magpakawala ng mga hikbi, sinapo ko na lang ang bibig ko para sana walang makarinig pero hindi pa rin sapat dahil pilit umaalpas ang mga hikbi at luha sa mga mata ko. Mabuti na lang at kami lang ang tao rito, saka iyong tindera na hindi naman ata nakatingin kasi parang may ginagawa eh. Feel ko lang naman.
"Sinasabi ko na nga ba iiyakan mo iyan eh. Huhulaan ko, hindi mo iyan iniiyakan kanina kaya ngayon hindi mo na mapigilan. Si Ali lang naman pala ang solusyon eh. Iwan ko na kayo."
Malinaw sa pandinig ko ang mga sinabi ni Andrea pero sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, wala na akong maintindihan. Iyong sinasabi sa akin ni Mamma, kaya ko pang tiisin iyon eh, iiyakan ko, pero pagkatapos noon, wala na. Pero kasi, nakapandamay pa ako ng taong wala namang ginagawa sa akin. Naiintindihan kong gusto niyang tumulong, pero kasi, natatakot akong magka-issue na naman kay Mamma. Pagod na kasi ako sa argumento dahil bata pa lang ako, ganiyan na siya sa akin. So, masisisi ba nila ako?
Sa kakaiyak, hindi ko na namalayang nakahilig na pala ang mukha ko sa dibdib ni Aladdin at pinupunasan niya pa ang mga luha ko. Hindi ko na natiis at niyakap ko na siya pabalik at wala akong ibang maramdaman kundi ginhawa, ginhawa na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ngayong nakayakap ako sa kaniya. Wala na akong ibang marinig ngayon kundi ang mahihinang hikbi ko kasabay ng tugtog mula sa radio.
"Tahan na," Pag-aalo niya sa akin pero lalo lang, kumawala ang mga luha sa mga mata ko.
"Sorry to interrupt you but can I now leave?"
"No, Andrea. You shouldn't leave us. Come on, Jasmine. May twenty minutes pa sa recess."
"S-Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya. Natatakot nga kasi ako!
"Basta, magtiwala ka lang sa akin." Sige oo na lang. sumunod naman kami sa kaniya. Inaalalayan ako ni Andrea habang nauuna siyang maglakad sa amin. At teka, saan kami dadalhin nito? Sa garden? Amoy bulaklak kasi eh saka ramdam ko ang sariwang hangin na sinasamahan lang ng kaunting init ng araw.
"iiwan ko na talaga kayo! Bahala ka diyan, Ali! Kahit tumanggi ka aalis ako!"
"Eh di umalis ka! Am I asking for you to stay?"
"Bakit ang sungit mo?!"
"Bakit ang ingay mo?"
Hindi ko na napigilang matawa sa kanilang dalawa. Hmmm. Mukhang may magkakatuluyan ah. Hindi ba doon nagsisimula ang dalawang taong pinagtagpo na pero itinadhana naman? Sabi nga, the more you hate, the more you love.
"Well, wala na siya. alam mo, ang ganda ng garden ng school natin. May mga halaman, tapos maraming bulaklak such as Orchids, Sampaguita, Rose, Daisy and many more but I do not know their names. Mahina kasi ako sa pagtukoy ng mga bulaklak eh. Pasensiya na." Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa pagkaka-describe niya. Ang galing lang kasi saka gustong-gusto ko talaga ang mga bulaklak kahit hindi ko sila mahawakan basta nandiyan sila ayos na ako. Nakakagaan kasi ng pakiramdam eh.
"Ang ganda naman pala. Ano ka ba. ayos lang kahit hindi mo matukoy lahat ng bulaklak diyan. Ang mahalaga, alam kong mayroon dahil nakakagaan sa pakiramdam saka mahilig kasi ako sa bulaklak eh. Sorry nga pala kung nasungitan kita kanina." Wala na eh. Hindi na ako nakatiis.
"No it's okay. Bad mood ka, then suddenly nag-interrupt ako sa conversation ninyo. And, wow! Mahilig ka pala sa flowers? O siya, teka lang ha?"
Hinahawak niya lang saglit ang pisnig ko at naramdaman ko namang umalis siya sa tabi ko pagkasabi noon at rinig ko rin ang yabag ng paa niya. ayaw ko lang sundan dahil baka kung mapaano pa ako lalo't di ko pa kabisado ang school na ito. Pero, na-cu-curious talaga ako sa kung anong gagawin niya at bigla siyang umalis sa tabi ko eh. Hindi naman niya siguro ako iiwan ano? Sabi niya magtiwala ako sa kaniya eh so meaning hindi niya nga talaga ako lalayasan.
"Jasmine!" Hayun! Nandiyan na siya ulit! Halos tumalon naman ang puso ko noong tawagin niya ang pangalan ko. Inabot niya sa akin ang Sampaguita pagkatawag sa pangalan ko. Aba! Amoy pa lang alam ko nang Sampaguita eh! Sa lahat kaya, ito ang may pinakamatingkad!
"Bakit ka pumitas? Bawal ata eh."
"I don't care. Sabi mo, mahilig ka sa bulaklak so I did that for you." Napangiti tuloy ako. Bahala na kung anong argumento na naman ang abutan ko mamaya. Ang mahalaga, may flower ako.
"Just for me?" Pinunasan ko na rin naman ang luha sa mga mata ko at tumahan na rin ako sa kakaiyak. Masakit na pati sa mata.
"Yes. Just for you. Because I will only do that just for you. Ibig sabihin noon, sa iyo lang at wala nang iba."
"Alam mo, wala pang nagsabi sa akin niyan bukod sa iyo. Salamat, Aladdin. Basta salamat at alam mo na iyon, ayaw kong mag-drama na naman."
"Well you do not have to thank me for saying those words because I am just telling the truth using that idiomatic expressions." Hindi ba matitigil sa kaka-english itong taong ito? Dudugo na ilong ko eh!
"W-What do you mean?" O iyan na, nautal na ako. See? Ubos na kasi iyong english ko! Kung hindi lang ito mabait hindi ko na kakausapin eh! Pero, kakausapin ko pa nga ba? Hindi ko kasi malaman kung bakit halos wasakin na ako ng buong sistema ko dahil sa sinabi niya eh.
"You are special. Basta, huwag ka nang malulungkot ha? Ayaw kong ganiyan ka kasi pati ako malulungkot din. And kung sakaling hindi talaga maiwasan, just lean on me. Nandito lang ako para sa iyo. Ako ang Aladdin mo, Princess Jasmine."