Chereads / The Fairytale of Us / Chapter 5 - Kavanata 3

Chapter 5 - Kavanata 3

Tatlong araw makalipas ang tagpong iyon, nasa akin pa rin iyong Sampaguita na binigay ni Aladdin. Pagkauwi ko kasi noon, nilagay ko iyon sa tubig para mabubuhay pa rin siya, gaya ng mga sinabi niya na hindi mamatay-matay at hindi mawala-wala sa isip ko. Naririnig ko pa hanggang ngayon ang boses ni Aladdin noong sinabi niya na, "Ako ang Aladdin mo, Princess Jasmine." I know there's something strange pero lalo akong na-motivate ng mga salitang iyon. Pakiramdam ko tuloy, may isang tao na proprotekta sa akin at magpapasaya, iyong tipo ng tao na ayaw niya akong makitang umiiyak kasi nga nalulungkot din siya, like what he had said.

Pero bakit sa kabila noon, bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot? Hindi naman sa malungkutin ako. It's just that I feel like I don't deserve all of these. Simula noong nagkakilala kami ni Aladdin, palagi na akong inaasar ni Andrea sa kaniya. Lagi rin naman niya akong tinatanong kung crush ko ba si Aladdin o hindi pero sa totoo lang, ngayon ko na-realize iyong sagot. I love him so much. Siguro kung sa iba, sasabihin nila na infatuation lang ito o kaya paghanga dahil sa good character noong tao. But, I know. Even if I am still young, alam ko naman ang pinagkaiba ng concept ng love sa paghanga at hindi ko ito kayang ipaliwanag through words. Malalaman na lang kapag dumaan na ang mga kabanata sa buhay ko.

"Bakit mag-isa ka? Where's Andrea?" Napaangat naman ako ng ulo matapos kong marinig ang boses na iyon. Nandito ako ngayon sa shade ng puno, nakaupo. Hindi ko na inalam pa kung anong puno ito eh. Ang akin lang kasi, tinatamad akong kumain. Well, practice namin ngayon para sa isang theatrical play sa school namin, ang katuparan ng mga pangarap ko.

Pangarap ko kasi talaga simula pa noong bata pa ako ang maging isang theater actress o kaya broadway singer which is ayaw namang payagan ni Mamma. Ano pa nga bang aasahan ko eh lagi namang kontra iyon sa kahit anong gusto ko? Ni minsan, hindi niya ako sinuportahan sa kahit anong aspeto. Palagi na lang niya akong binubuhay sa mga expectations niya na hindi ko alam kung iyon ba talaga ang dahilan kung bakit pa ako ipinanganak sa mundo. Tapos, kapag hindi niya nakuha iyong expected niya, magagalit siya sa akin then kung ano-ano ang sasabihin niya. What a very good mother!

"Jasmine?" Iyan kasi eh. Nag-drama pa ako. Mukha tuloy akong kahiya-hiyang natameme sa harap niya. This can't be!

"M-Mag-isa lang ako kasi nagpaiwan ako. Tinatamad kasi akong-"

"Alam mo bang masama ang magpagutom especially during these times? May practice tayo, tapos hindi ka pa kakain? What do you want to happen? huh?" Pasigaw niyang pagsesermon sa akin bilang pagputol sa sasabihin ko. Ano nang gagawin ko? Natatakot na ako sa kaniya sa di ko malamang kadahilanan. Bumibilis ang tibok ng puso ko, para akong mawawalan ng hininga habang umiiral sa aming dalawa ang nakabibinging katahimikan. Tanging huni lang ng mga ibon at pagaspas ng mga dahon ang namamayaning ingay.

Nanatili lang ako sa pagkakatalikod sa kaniya. I think, sa ibang halaman ako nakaharap. Hindi ko siya matingnan ng diretso eh. Gaya nga ng sabi ko, natatakot ako sa kaniya. Well, sa bagay. Mali naman talaga ang hindi kumain sa oras. Pero tinatamad nga ako eh. Ano bang magagawa niya?

"Hey! I am talking to you! Nakalimutan mo na ba na kapag may kausap ka dapat nakaharap ka sa kaniya at hindi ganiyan?!"

Kusa naming nanginig ang mga palad ko nang muli na naman siyang magsalita ng pasigaw. Nilalamig ang mga kamay ko kahit na hindi naman maginaw at nakakagat ko na rin ang ibabang labi ko at aaminin kong medyo masakit ang ginagawa kong pagkagat pero itutuloy ko pa rin kung ito lang ang paraan para maibsan ang takot na nararamdaman ko.

"S-Sorry." Nanginginig pa rin ang kamay ko pero minabuti ko pa ring humarap sa tingin ko ay direksyon kung nasaan siya.

"Why are you acting like a kid, Jasmine?!

"K-Kid?"

"Umayos ka! Stop acting like a kid!"

"What do you mean? H-Hindi ko alam-"

"I said stop acting like a kid! Hindi ka bata at mas, lalong hindi mo rin ako tatay para pagalitan ka!"

"Alam mo pala eh!" Hindi ko na rin napigilang magtaas ng boses kahit na natatakot pa rin ako sa kaniya. Natahimik naman siya matapos kong sabihin iyon at nagpakawala ng isang buntong-hininga.

Ano ba kasing problema niya? Hindi naman siya ang kakain, ako naman. Saka, choice ko naman kung ayaw ko o gusto kong gawin ang isang bagay ah. Isa pa, hindi rin kasi ako sanay ng ganito. Bakit ba niya kasi ako kailangang kagalitan sa paraang pasigaw pa? Bukod sa tinatamad akong kumain, wala naman na siguro akong nagawa na puwedeng maging mali sa paningin niya ano?

"Here. Take this."

Inilahad ko ang kamay ko pagkasabi niya noon at bigla na lang dumapo sa palad ko ang isang, teka. Malaki ang lalagyan nito ah. ano kaya ito? Mukhang alam ko na dahil nakakaamoy ako ng, basta. Ayaw ko na lang sabihin.

"Sige Jasmine. Kuhain mo iyan gamit lang iyang isang palad mo ha?" Kanina pa ito ah! Ano bang trip niya?Nakakaramdam na tuloy ako ng kaunting inis sa taong ito.

"Sorry. Akala ko kasi kung ano kaya naglahad ako ng palad sa iyo. Kung sana, sinabi mo agad-"

"Nawala na ba ang senses mo ngayon para sabihin ko pa iyan sa iyo nang sa ganoon alam mo ang gagawin mo?" Nakakairita man siya sa inaasta niya ngayon, hindi ko pa rin magawang gumanti sa kaniya ng masamang salita kahit na ang dami nang gustong sabihin ng bibig ko. Iyan ay dahil ramdam ko pa rin ang takot na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman at kung saan ba galing. Parang, ang laki ng nagawa ko para maging ganito na lang siya sa akin makitungo.

Wala na lang din akong nagawa kundi kuhain ang inaabot niyang lalagyan at tama nga ang hinala ko. KFC meal nga ito at iyong paborito ko pa. Kaya lang, nagdadalawang isip pa ako kung kakainin ko o hindi eh. Pag ito kasi, nakarating na sa bunganga ko at nahawakan ko na, wala nang bawian. Kaya sabihin niya na para makasiguro ako.

"Supposedly, ano bang ginagawa sa pagkain?" Ganoon pa rin. Hindi niya na nga ako sinisigawan pero ang sarcastic naman niyang manalita. Daig pa nito may regla eh!

"Kinakain?" Alangan kong sagot sa kaniya.

"Ah, so tinatanong mo. Meaning, hindi ka sure sa sagot mo. Siguro iniinom ang pagkain ano? Or puwede rin nilalaro? What do you think?" Hindi na ako nakapagpigil kaya nasagot ko siya.

"So what is your freaking problem, huh? Kanina mo pa ako binabara eh." Iyon sa wakas! Natalo ko rin itong pusang galang takot ko na ito!

"My problem? As simple as this. You know what I hate, right? So definitely, I do not need to state it one by one." Nawala na ang bahid ng pambabara sa boses niya sa pagkakataong iyon. Hinawakan niya ang pisngi ko gamit na naman ang dalawang kamay saka muling nagpatuloy sa sinasabi niya.

"Kahit kailan, hindi pinabayaan ni Aladdin si Jasmine. Sinamahan niya ngang makalabas sa market hindi ba? Tapos, tinulungan niya pang mabawi kay Jafar iyong kingdom niya? But in this case, you need to take care of yourself kasi hindi ako laging nandito."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Never mind. I'm sorry kanina, ha? Basta, promise me na hindi mo na gagawin ulit iyan." Tumango na lang ako bilang sagot. Siguro naman alam niya ang ibig sabihin noon, hindi ba?

Bahagya namang napaawang ang labi ko nang ilagay niya ang mukha ko sa may dibdib niya at niyakap ako. Hindi siya direktang yakap pero iyong isang kamay niya kasi ay parang nakayakap sa akin. So ano ito? Umiiyak lang gaya noong sa canteen?

At iyon na nga. Sabay na kaming kumain. Aaminin ko, medyo naiilang ako dahil kung makaalalay siya sa akin, akala mo hindi ako makakakain mag-isa. Siya ang naghain sa akin ng pagkain, pati gravy inilagay niya na sa kanin kahit kaya ko naman. Pero bakit ganoon? Hindi ako makatanggi sa ginagawa niya. Gustuhin ko man, pero may something na nagsasabi sa akin na mag-enjoy lang ako. Ano ba talaga ito? Ano na bang nangyayari sa akin? May problema na ba ako o sadyang may spell siya?

After noon,bumalik na kami sa practice. Hanggang 5:00 din ang itinagal noon at siyempre ano pa nga bang, gagawin ko? uuwi sa bahay. Hindi naman ako puwedeng maggala lalo pa at araw ng pasok eh saka magagalit na naman iyong madrasta ni Cinderella, alam mo naman iyon. Kapag ako late umuwi, sasabihin na naman noon nakipaglandian ako. O di kaya naghahabol ng project na kailangang ipasa kahit hindi naman. Ang dami kasing alam eh. akala mo naman hindi ako makakapasok sa top kapag umuwi ako ng late.

Kinabukasan, inihatid ako, or should I say kami, sa Resources for the Blind dahil may gaganapin daw na something training doon na hindi ko alam dahil wala naman akong paki. Well, I forgot to mention. Nagbigay ng letter sa school namin na pinapapunta nga nila ako sa kung ano man ito at kailangan kong magsama ng isang kakilala ko or isang estudyante na sighted and si Aladdin na ang isinama ko since nagprisinta naman siya. Pagkarating namin doon, sumalubong sa akin ang mga RBI staff at siyempre, ipinakilala ko na rin sa kanilang lahat itong taong kasama ko. Pero teka? Sure ako na ako pa lang ang blind na na-encounter niya so paano ito? May mga bulag kasi na medyo iba eh. Ay, hindi pala medyo kasi sobrang iba sa akin sa maraming paraan. Baka kasi mamaya, layuan na ako ni Aladdin dahil sa kanila eh. Siyempre, perseption ng tao laging ganiyan. Kapag may nakita nang kung ano sa aming mga bulag, nilalahat na kahit hindi naman dapat.

"Grabe. Ang dami ninyo pala? I mean, ikaw pa lang kasi iyong blind na na-encounter ko." Gaya ng inaasahan ko, halata ang pagkabigla sa boses ni Aladdin.

"Oo. Sadyang ako lang talaga iyong nasa school natin." Tipid kong sagot dahil papunta na kami sa table kung nasaan ang kampon ng kabulagan.

"Jasmine, ikaw yan?" Okay. Ito na po tayo. ang isa sa mga ayaw kong kaugalian ng mga katulad ko. Narinig na nga kasi iyong boses ko tapos magtatanong pa?

"Oo, Lianne." At halos matumba ako nang magsisalubungan na sa akin ang buong lupon. Sinalubong lang naman kasi nila ako ng yakap, which is dating gawi na naman kapag nagkikita-kita kami. Pero teka? Hindi sila ang gusto kong makita eh. May isa akong hinahanap na sobrang special sa puso ko, and excited na rin akong ipakilala siya kay Aladdin.

"So ano pangalan ng kasama mo?" Tanong sa akin ni Angel sabay kapa sa kamay ko. Ano ba naman? Puwede bang umuwi na lang? Ayaw ko talaga sa lahat iyong kapa nang kapa eh! Nakakairita kaya! Binawi ko ang kamay ko sa kaniya saka bumaling sa ibang direksyon. Iwinagayway ko ang kamay ko sa kung saan ako walang tatamaan at nagsalita na rin ako.

"Hmmm. Disney lovers! Magsilabas kayo!"

"I'm here!" Saad ni Ate Sheila, isa sa mga kasundo ko lalo na sa mga ganitong bagay.

Imbes na magsalita pa ng kung anu-ano, minuwestra ko na lang iyong clue sa pamamagitan ng dagling pagkuha ng cellphone ni Ate Sheila na nasa kamay niya lang noong mga sandaling iyon. Dahil low vission siya, o iyong mga bulag na may nakikita pa rin pero hindi na kasing linaw ng sa sighted, hinabol niya ako. And after niyang mabawi iyong cellphone niya, umupo na ulit kami saka siya nagsalita.

"So, aladdin. Isn't it?"

"Yes." Halata pa ring hindi pa rumerehistro sa utak niya ang lahat. Matagal kasi bago siya nakasagot.

"Halika dito, para ma-visualize ka." Anak naman ng tinapa! Si Teacher amy iyon, isa sa pinakamataas na staff.

"They needd to touch your face para malalaman nila iyong hitsura mo. Ganoon kasi kapag magpapa-visualize ka sa blind. You have to let them touch, explore their surroundings." Pag-e-explain pa niya.

Halos umawang ang labi ko dahil sa explanation na iyon. Kung ako ang nasa posisyon ng taong ito, siguro hahanap ako ng kung anu-anong dahilan para makaalis sa lugar na ito. Natural. First time niya ito tapos sasabakin niya agad iyong mga bagay na hindi pa siya aware? Well, somehow, kasalanan ko rin. Hindi ko naman kasi siya nasabihan tungkol sa mga iba't ibang practice ng mga bulag eh. Ang tanging alam niya lang is iyong sa case ko pero sa iba, wala talaga.

Goodluck Aladdin.