Chereads / The Fairytale of Us / Chapter 7 - Kabanata 5

Chapter 7 - Kabanata 5

"Hindi mo na ata naaalala ang sinabi ko sa Iyo, Assunta!"

"Bakit? Ako naman ang nag-aalaga sa kaniya kaya didisiplinahin ko siya sa paraang alam ko!"

"Didisiplinahin? For what?"

"Kasi pasaway iyang anak m-"

"NO ROOM FOR YOUR EXCUSES, ASSUNTA! I KNOW EVERYTHING AND I KNOW THAT FROM THE BEGINNING, HINDI MO NA SIYA GUSTO! PERO HINDI IYON DAHILAN PARA GAWIN MONG MISERABLE ANG BUHAY NIYA!"

"HINDI KO NA KASALANAN KUNG MALANDI IYANG ANAK MO AT NAGMNA KAY JANELLE!"

"HUWAG MONG IDADAMAY DITO ANG ASAWA KO DAHIL WALA SIYANG KINALAMAN DITO! ANG ANAK KO ANG PINAG-UUSAPAN NATIN! SA SUSUNOD NA MAY GAWIN O SABIHIN KANG MASAMA SA KANIYA, LALAYAS KA SA BAHAY NA ITO SA AYAW AT SA GUSTO MO!"

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na iyon na for sure, galing sa sala. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinusot ko ang mga mata ko. Agad kong kinapa ang cellphone ko na nilagay ko sa gilid ng higaan para alamin ang oras at oh no! 6:00 na ng umaga! Napagod siguro talaga ako kahapon kaya napahaba ang tulog ko. Ano ba naman iyan? 6:30 ang pasok ko eh. Paano na ito? Mahuhuli ako sa klase kung hindi ako magmamadali. Kaya nga pagkarinig na pagkarinig ko ng oras mula sa phone ay agad akong bumaba at dumiretso sa kusina.

Pagpasok ko sa kusina, nalanghap ko agad ang nakakatakam na amoy ng pandesal. Rinig ko rin ang tunog ng priniprito na sa tingin ko ay itlog. Gusto ko ng kumain habang mainit pa iyon, idagdag mo pa iyong fact na nankauwi na ulit si Papa at magkasama kaming kakanin.

Kahit pa hindi ko nakikita ang kusina namin, alam kong may taong nagkakainan dito dahil sa ingay ng pagtama ng mga kutsara at tinidor sa plato. Ano ba naman iyan? Hindi man lang nila ako hinintay o niyaya man lang para kumain? Medyo nakakatampo, Papa.

"Papa?" pagtitiyak kong tanong. Gusto kong malaman kung nadoon siya ngayon sa kusina. Tapos kapag wala, aalis na ako sa lugar na ito at mag-aasikaso na ng mga dapat kong asikasuhin para makapasok na.

Matagal din kaming hindi nagkasama ni Papa. Minsan lang siyang umuwi sa Pilipinas kaya nasasabik ako palagi sa pagdating niya. Sa sandaling ito, gusto kong maramdaman ang mga bisig niyang mahigpit na yumayakap sa akin. Nasasabik din akong marinig ang boses niyang medyo paos na tinatawag ang pangalan ko. Sorry na, ma-drama ako sa part na iyon. Eh kung naging mabait lang naman kasi sa akin itong madrasta ni Cinderella eh di sana maayos ang lahat, hindi ba? Kaso hindi eh so wala akong magagawa.

"Jasmine, anak nand'yan ka na pala. Tara, mag-almusal ka na." Lumingon ako sa direksiyon kung saan ko narinig ang boses ni Papa. Hindi ko man alam kung ano ang eksaktong inuupuan ng Papa ko, ang mahalaga ay naipakita ko sa kaniya na narinig ko ang pang-aalok nito.

"Hindi na po. Late na rin naman po kasi ako eh.," pagkukunwari ko.

Kahit na natatakam sa pagkain, at gustuhin ko mang makasabay si Papa sa almusal, mas pipiliin ko pa ring hindi kumain. Ayaw ko kasing kasabay ang madrasta ni Cinderella dahil for sure, sasabihan na naman ako niyan ng mga salitang hindi ko na gusto pang marinig. Tapos, pag-uusapan na naman din naming iyong mga walang katapusan niyang expectations sa akin. At ano pa? Siyempre hindi mawawala ang pakikipaglandian ko raw diumano, lagi naman eh. Kaya lahat gagawin ko para lang makaiwas sa kaniya at nang sa ganoon din ay wala nang argumentong mabuo sa pagitan naming dalawa at sa pagitan nila ni Papa.

Magsisimula na sana akong lumakad patungo sa kuwarto ko para mag-asikaso na sa pagpasok nang biglang nagsalita si Papa, dahilan para matigilan ako.

"Ipagbabaon na lang kita. gusto mo? Tapos ako nang maghahatid sa-"

"Ay hindi na po pala ako papasok. Masama po pakiramdam ko," pagputol ko sa sinasabi niya.

"Sige, magpahinga ka na lang. Sasabihin ko sa teacher mo na hindi ka muna papasok." Talaga naman! Ano pang idadahilan ko? Ayaw ko sa bahay na ito!

Sa totoo lang, ayaw ko nang mag-stay pa sa lugar na ito dahil nandito ang madrasta ni Cinderella. Ayaw ko sa kaniya! Ayaw ko siyang makasama! At mas lalong ayaw kong marinig pa, ang kahit na anong sasabihin niya na malamang sa alamang ay hindi maganda! Isa pa, kapag nandito ako, wala akong kalayaan sa lahat ng ginagawa ko dahil lagging may kokontra, lagging may babasag ng trip. Lagi ring may expectations na kailangang i-meet dahil kung hindi, tiyak na samu't saring panlalait na naman ang matatanggap ko.

"Pasok na lang po ako. Okay na pala ako." Mukha man akong tanga, gagawin ko ang lahat, huwag lang manatili rito.

"Ihahatid kita kung papasok ka. Ano ba talaga? Saka bakit paiba-iba ka ng dahilan? Kanina, sabi mo, masama pakiramdam mo. Tapos ngayon na pinigilan kitang pumasok, ayaw mo naman. Anak, ngayon na nga lang umuwi ulit si Papa eh, magsisinungaling ka pa? Ano ba kasi talagang problema?"

Sa tono ng pananalita ni Papa, halata kong naiirita na siya sa inaasal ko. Malamang. Sino ba naming hindi? Pero kahit ganoon, alam kong hindi ako matitiis niyan, love niya ako eh.

Nakarinig muna ako ng mahinang pag-usog ng upuan bago ako nagsimulang magsalita.

"Do you think I'm lying? And if yes, what do you think is the reason?" Sorry Papa, I need to do this dahil ngayon ko lang ito magagawa. Ngayon lang ako nagka-choice at ngayon ko lang din matatakasan itong madrasta ni Cinderella nang hindi siya nakakaimik.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako dahil siguro sa takot ko sa reaksyon nila sa mga pinaggagagawa ko ngayon. Hindi naman kasi talaga ako ganito eh. Ngayon lang, ngayon lang, promise. Ngayon lang kasi ako magkakaboses sa bahay na ito. Pag-alis ulit ni Papa, mistula na naman akong clown na ngingiti ng pilit sa harap nitong madrasta ni Cinderella. Sa labas lang naman ako nakakangiti ng totoo eh, lalo pa kapag kasama ko si, wala pala.

"Jasmine, alam kong nagsisinungaling ka sa lahat ng sinasabi mo maliban sa ma-le-late ka na. I know what's the problem too."

Ano ba iyan? Sayang pag-da-drama ko. Hindi ko na sana balak magsumbong. Ang gagawin ko lang, ipapahiya ko iyong madrasta ni Cinderella kahit sa simpleng paraan lang. Alam ko kasing magbabait-baitan na naman siya dahil nandiyan si Papa eh. Aba! Hindi na ako bata para sumakay sa trip niya ano! Saka, wala naman din akong gagawing masama, nga lang, mapapahiya siya dahil for sure may kunsensiya pa siya. Kaso, hindi pa rin talaga maiaalis iyong katotohanan na tatay ko siya at alam na alam niya kung kailan ako nagsisinungaling at kung kailan hindi.

"Anong ginawa sa iyo ng Mamma Assunta mo?" Biglaang tanong niya na siyang ikinaawang ng labi ko.

"Wala po." Siyempre diretso ang pagkakasabi ko noon dahil pag nautal ako, halatang nagsisinungaling ako.

"Jasmine!" Saad niya gamit ang maotoridad na tono ng boses. So, this is it. Kahit ayaw ko, magsasabi na ako kay Papa dahil kung hindi, mapapahamak na naman ako sa sandaling umalis ulit siya o kaya kapag nalingat siya. May nangyari na kasi noon at ayaw ko nang maulit iyon.

"What?" I asked him para medyo may pa-suspense effect lang ng kaunti.

"Sabi ko, ano ang ginawa ng Mamma Assunta mo habang wala ako?"

"Who told you?" Inilapit naman niya ako sa kung nasaan siya at pagkatapos ay niyakap. Ihinarap niya ako sa kaniya saka sumagot sa tanong ko.

"Hindi na importante kung sino ang nagsabi sa akin. Ang mas mahalaga, malaman ko ang dapat kong malaman. So what? Sasagutin mo pa rin ng tanong ang tanong ko?"

Hinawakan niya ang kamay ko at sa tingin ko ay pinagpantay niya ang mukha naming dalawa, iyon bang parang titigan ng mata sa mata. Even though I can't see his facial expressions at this moment, I know and I can feel that he's worried.

"As usual. Binubuhay niya pa rin ako sa mga expectations niya tapos dinadakdakan. Sasabihang malandi, babalingan ng galit, at siyempre ang pinakaayaw ko sa lahat, pinipigilan pa ang pagiging movie fan ko. What do you expect, Papa?" May diin ang bawat salitang binitawan ko. Baka kasi sakaling tamaan ng kunsensiya itong madrasta ni Cinderella saka para makabawi-bawi rin ako.

Alam kong nagiging bastos akong manalita sa harap nila pero anong magagawa ko? Iyon ang totoo. Iyon ang totoong ginagawa ni Mama Assunta.

"Paano? Puro kalandian ang inaatupad mo hindi ba? Kaya kita pinapagalitan. Saka napapabayaan mo na ang pag-aaral mo dahil diyan sa panonood ng pelikula eh. Iniisip ko lang naman ang ikakabuti-"

"Manahimik ka! Hindi kita kinakausap!" Pasigaw na saad ni Papa kay Mamma Assunta. Somehow, nakaganti rin ako.

Mukhang intense ang pangyayaring ito ah. Anong oras na kaya? Pag ako late na talaga, hindi na ako papasok. Ayaw ko man, pero nandito na ako eh saka minsan lang naman umuwi si Papa.

"Don't mind her, anak. Magbihis ka dahil hindi ka na muna papasok ngayon. Lalabas tayo at pupunta tayo sa mga lugar na gusto mong puntahan."

Direktang pagkasabi niya noon, tumakbo na ako papanhik sa taas at dali-dali akong nagpunta sa kuwarto ko. Hindi na baleng hindi pumasok, minsan lang naman ito eh saka isa lang naman ang absent ko kung sakali. Perfect kaya ang attendance ko. Paano at bakit? araw-araw akong pumapasok para hindi ko marinig ang boses ng madrasta ni Cinderella kahit buong araw lang. Saka, ma-mi-miss ko si, wala pala! Scratch that! Wala akong ma-mi-miss!

Isinuot ko ang paborito kong blue green na dress tapos tinernohan ko ng bag na ganoon din ang kulay at ng sapatos na puti. Well, si Pappa ang bumili nito at bawat bibilhin niya, sinasabi niya sa akin ang kulay kaya nakakabisado ko na. So iyon na nga. Bumaba na ako at nagtungo sa sala. Nandoon na kaya si Papa?

"Halika na!" Napalingon naman akong bigla nang may narinig akong nagsalita sa likuran ko. Naghanda na rin pala si Papa.

Katahimikan ang umiiral sa aming dalawa ni Papa habang nasa sasakyan at tugtog mula sa radio lang ang maririnig. Sa tingin ko, sa daan lamang nakatuo ang atensyon niya pero ako? Sa kaniya ako nakaharap. Naisip ko kasi bigla kung gaano kahalaga ang pamilya sa bawat isa. Kung may unang makakaunawa sa iyo, sila iyon at kahit talikuran ka pa ng lahat, hinding-hindi sila mawawala sa tabi mo. Kahit ano pa ang maging kamalian mo sa buhay, hindi ka matitiis ng mga magulang mo at may babalikan ka pa rin kung sakaling hindi mo na alam kung saan ka pupunta.

Kung tutuusin, napakasuwerte ng mga taong lumaki na may nanay at tatay, walang madrasta. Lahat halos ng gustuhin nila, makukuha nila dahil may magbibigay sa kanila. Kumpleto pati sila sa alaga lalo pa't totoong ina nila ang nandiyan. Eh ako? Ni minsan, hindi ko nakasama ang tunay kong ina. Hindi ko alam kung anong boses niya, anong hitsura niya, paano ba siya mag-alaga, at kung paano niya kaya ako palalakihin. Si Mamma Assunta na ang kinamulatan ko kasama ng mga expectations niya at ng pangongontra niya. Pero kung siya nga na hindi ko naman nanay, mahal ko, ano pa kaya iyong tunay?

Oo. Madalas buwisit iyong si Mamma Assunta. Pero kahit ganoon, mahal ko pa rin siya kasi inaalagaan niya naman ako kahit papaano kapag wala si Papa. Siya ang naghahanda ng baon ko, tinutulungan niya ako minsan sa mga assignments ko, saka tinatabihan niya rin akong matulog pag good mood siya. Pero madalas, lalo kapag mainit ang ulo niya at galit siya, sa akin niya iyon ibabaling. Okay lang. At least may masasabihan siya kahit indirect nga lang. Kaya lang naman ako nagsabi kay Papa kanina dahil may mga pagkakataong sumusobra na siya eh.

Hindi naman sa sobrang buti kong anak pero naiinis ako sa mga kabataan ngayon dahil kung sagutin na lang nila iyong mga magulang nila akala mo magulang pa ang mali. Napaka-blessed nila dahil buo ang pamilya nila tapos magrerebelde lang sila? Magpapakamatay? O kung ano pa na ikasasakit ng damdamin ng magulang nila? Sana naiisip nila lahat ng paghihirap ng magulang, lalo pa ng isang ina simula pa lang noong magsilang sila ng sanggol. Sana rin, alam nila kung paano suklian kasi ako, alam ko kung paano eh. Iparamdam mo lang sa kanila na mahal mo sila kahit sa simpleng paraan. Sabihan mo ng I love you, yakapin mo, lambingin mo, pasayahin mo, at gawin mo ang lahat para maipagmalaki ka nila.

"Anak? Parang ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Napanlakihan ko ng mata, si Papa dahil sa sobrang gulat. Kanina pa ba ako tulala?

"I love you, Papa." Bigla ko na lang nasabi. Nagtataka na siguro siya sa ikinikilos ko.

"I love you more, anak. O sige na tama na iyan at mamamasyal na tayo."

Narinig ko namang bumukas ang pinto ng sasakyan at naramdaman ko na ring bumaba si papa. Bubuksan ko na rin sana ang pinto nang biglang may magbukas nito para sa akin. Naramdaman ko na lang ang kamay ni Papa na hinahawakan ang kamay ko at tinutulungan akong makababa. Inalalayan niya ako sa paglalakad hanggang sa nakaramdam ako ng malamig na hangin, dahilan para mapayakap ako sa aking sarili kahit pa hawak niya ang isa kong kamay.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakaamoy ako ng pagkain na sa tingin ko ay galling sa Macdo. Nilampasan lang naming iyon at tumungo kami sa bilihan ng kung anu-ano. Iyong sa pagkakaalam ko ay department store tapos maraming mabibili. Landmark ba ang tawag doon? Oo ata?

Napatigil kami sa hindi ko alam kaya sinubukan kong kumapa ng patago sa kanan ko, nasa kaliwa ko kasi si Papa. Sa pangangapa, nahagip ng kamay ko ang isang dress na base sa nakakapa ng kamay ko ay walang masyadong disenyo. Malambot ito, at sa tingin ko ay gawa sa cotton.

"Gusto mo ba iyan?" Pagtatanong ni Papa. Teka, bibilhin agad? Hindi ba puwedeng kinapa ko lang?

"Hindi po ah," sagot ko na sinamahan ko pa ng pag-iling.

Mukha namang hindi siya nakumbinse sa sagot ko dahil humanap pa siya ng color blue noon at pagkatapos ay nakisuyo sa isang tindera roon na sukatan ako. So ending, dahil kasya sa akin, binili namin.

Hindi lang iyon ang binili namin dahil nagtingin pa kami ng mga iba pang damit pati na mga panali sa buhok. Ipinapakapa sa akin ni Papa ang lahat ng design at kung ano ang magustuhan ko, natural, iyon ang bibilhin namin. Bumili rin kami ng mga sapatos, bag, pero ang pinakaespesyal sa lahat ay iyong binili ni Papa na bracelet. Nakasulat kasi roon ang pangalan ko.

Mabilis lang na lumipas ang buong araw at dahil na rin siguro ito sa hindi na namin namamalayan ang oras. Ganoon siguro talaga kapag masaya ka. Hindi mo na alam kung gaano kabagal o kabilis magtatagal ang panahon. Hindi mo na rin alam kung magtatagal sa iyo ang mga ikinasasaya mo at kung tumagal man, hanggang kailan? Siyempre, hindi natin iyan masasagot kasi nga masaya tayo eh. At sa sobrang saya natin, hindi na rin natin namamalayan na unti-unti na pala itong binabawi sa atin. Once na nabawi, malulungkot tayo, masasaktan, at sasabihin pa ng ilan na ayaw na nilang maging masaya dahil babawiin lang din naman agad. Iyan ang pagkakamali sa mga tao ngayon kaya marami ang dumadaan sa depression at nagpapakamatay na lang bigla. Kapag binawi mo ang kasiyahan, malulungkot ng sobra, ilulugmok ang sarili, at iyon na.

Pero kung ako ang tatanungin, Hinding-hindi mababawi ang kasiyahan sa akin dahil kahit na mayroon akong Mamma Assunta na wala nang ibang ginawa kundi sirain ang mood ko, at kahit na hindi ko kasama ang tunay kong ina, narito naman ang nag-iisa kong papa. Ang papa ko na mahal na mahal ako at hindi ako hinahayaang malungkot. Kahit paano, masasabi ko na rin na suwerte ako dahil may kamay na lagging aalalay sa akin at mga bisig na lagging yayakap sa akin, nandiyan man siya o wala. Kahit nasa malayo kasi si Papa, alam kong iniisip niya ako. Malamang. Anak niya ako eh.

Ako rin naman. Hindi siya nawawala sa isip ko kahit pa malayo siya. Isipin ko nga lang ang mga yakap niya o kaya isipin na naririnig ko ang boses niya, nagagawa ko nang maging masaya eh. Paano pa kaya ngayong magkasama kami? Siyempre sobra pa ako sa masaya at alam kong ganoon din siya dahil ramdam ko iyon sa hawak niya sa mga kamay ko at sa kung paano niya ako kausapin.