WINZE: THE BLACK WINGS OF ICARUS
Merthin Icarus Vespaland
Kinabukasan...
Isang kahindik-hindik na pangyayari ang gumimbal sa buong kaharian ng Leuvania, dahilan upang hindi matuloy ang selebrasyon na nakatakda ngayong araw. Natagpuan ang katawan ni Ama sa kuwarto nila ni Ina - tadtad ng bala ang katawan nito at nakahandusay sa sahig. Si Ina, naabutan kong nakayakap kay Natalie at naliligo sa sariling dugo.
May tama rin ng bala ang kapatid ko sa paa. Ayon sa doktor na sumuri sa kanya, kinalulungkot niyang ibalita na hindi na makakalakad si Natalie, bagay na nakakapagtaka sapagkat walang kinalaman ang pagkalumpo nito sa balang tumagos sa kanyang paa. Ligtas na ang lagay ni Natalie at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.
Sa aming apat, ako ang pinakamaswerte. Nakatulog ako sa silid ni Calista kaya hindi ko alam ang mga nangyari. Napasugod ako sa palasyo nang makarinig ako ng malalakas na putok ng baril.
Galit, pangkalumo at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Walang kahit ano na maaaring magpagaan ng loob ko. Hindi matutumbasan ng pakikiramay ang pagkawasak ng puso ko dulot ng pagkawala ng aking mga magulang.
"H-Hindi! Hindi totoo 'yan! Please, tell me you're lying, brother! They're not dead, are they?!" Umiiyak na sabi ni Natalie nang ihatid ko sa kanya ang masamang balita tungkol kay Ama at Ina.
"It's too late to save them, Nat. I'm so sorry if I wasn't there at the time of the crime. Kung ando'n ako, marahil napigilan ko ang kriminal na iyon," sabi ko habang hawak ang magkabilang balikat ni Natalie.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Kuya. Mabuti na ring wala ka no'n kasi ayokong mawala ka." Ibinaon niya ang mukha nito sa akin at humagulgol. "They were gone! Hindi ko kakayanin kapag nawala ka pa!"
Marahan kong hinaplos ang likod niya. "Hindi mangyayari 'yon, Natalie. Pangako. I will never leave you and I won't let that criminal kill one of us. Not again!"
Sino ang hayop na gumawa nito sa pamilya ko? Magbabayad siya nang higit pa sa buhay niya! Pagsisisihan niya na pinatay niya ang hari at reyna ng Leuvania! Hinding-hindi ko siya mapapatawad, maging sino man siya!
***
"Mahal na Prinsepe, nakahanda na po ang inyong kasuotan," ani Calix, ang tagasunod ko.
"Iwan mo na lang diyan, makakaalis ka na," malamig kong sagot. Nakita ko itong tumango at saka umalis.
Kinuha siya ni Ama bilang taga-alaga namin ni Natalie matapos ang labanan sampung taon ang nakakaraan. Ngayong wala na si Ama, hindi nangangahulugang tapos na ang pagsisilbi niya sa amin. Siya pa rin ang magsisilbing mga paa ng kapatid ko at ang aking gabay sa pagpapatakbo ng kaharian mula ngayon.
Agad kong isinuot ang bagong damit na pinasadya ko sa pinakamagaling na mananahi. Ang kulay nito ay kasing itim ng dugong nananalaytay sa akin. Magmula noong mamatayan ako, pinatay ko na rin ang dating Merthin Icarus na kilala ng Leuvanians bilang mabait at masunuring anak - ang prinsepeng walang pakialam sa kahit sino.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko ginustong magkaganito ako. Ang dapat sisihin dito ay 'yong salarin na pumatay sa mga mahal ko sa buhay. Siya ang nagdala ng kadiliman sa noo'y mapayapang Leuvania Kingdom.
"Pasok ka," sabi ko sa babaeng nakasikip sa pinto. Si Calista.
Sumunod siya gaya ng inutos ko. Naupo siya higaan habang pinagmamasdan ako sa harap ng salamin.
"Ayaw ko sanang ipaalam sa 'yo ito agad pero kailangan mo 'tong malaman dahil may kinalaman ito sa pagkamatay ng iyong mga magulang."
"Ano iyon?" tanong ko nang hindi lumilingon sa kanya.
Ilang segundo ang lumipas bago ito nagsalita. "Nahuli na ang taong responsable sa pagkamatay ng Hari at Reyna."
Bigla akong napatingin kay Calista - bakas ang magkahalong gulat at gigil sa aking mukha. Tama ba ang narinig ko?
"Totoo ba 'yan?"
"Kilala mo ako. 'Di ako marunong magsinungaling."
Doon palang ay naniwala na ako. Sa wakas, magkakaharap na kami ng demonyong pumatay sa mga magulang ko.
"Hindi na ako makapaghintay, Calista. Sabik na 'kong maparusahan ang taong iyon!"
"M-Merthin..." bulong niya.
Pinakawalan ko ang mala-demonyong ngiti sa labi ko. Mabibigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay nila sapagkat hawak ko na ang hayop na 'yon at nakatakda siyang mamatay sa araw na ito - ang araw na pinakaaabangan ko.
Makikita ng lahat kung paano nila ginawang halimaw ang isang maamong tigre.
***
Sinalubong ako ng libo-libong tao sa labas ng palasyo. Nakabantay rin ang mga kawal sa bawat sulok upang matiyak ang kaligtasan namin ng kapatid ko. Nasa tabi ko si Natalie kasama si Calix na siyang nagbabantay rito. Hinayaan niya akong magbigay ng mensahe para sa mga Leuvanians.
"Ang umagang kailan lang ay binalot ng kadiliman - ngayon, muling masisilayan natin ang araw na pinalubog ng isang taong walang habas na kumitil sa Hari't Reyna ng Leuvania. Masaya ako sa balitang natanggap ko patungkol sa insidenteng naganap noong nakaraang linggo. Inyong masasaksihan sa harap ninyong lahat ang paghatol sa kriminal! Ilabas niyo siya!"
Makaraan ang ilang sandali, lumabas mula sa kulungan ang grupo ng mga guwardya patungo sa gitnang bahagi ng palasyo. Hawak nila ang isang lalaking sa palagay ko'y matanda nang kaunti sa akin. Nagpupumiglas ito lalo na nang itali nila ang buong katawan nito sa kahoy na nasa gitna. Isang Rhuilathan. Tama, kabilang siya sa kaharian na sumira sa Leuvania noon.
Pilit itong nanlalaban kahit nakagapos. "Wala akong kasalanan! Hindi ko sila pinatay! Maniwala kayo!"
"Huli na ang pagmamakaawa mo, at wala akong oras para pakinggan ang paliwanag mo!" Nagtatagis ang ngipin kong sabi sa lalaki. Ayoko nang tignan ang kanyang pagmumuka sapagkat bumabalik lang sa alaala ko ang hitsura nila Ama at Ina nang makita ko ang kanilang mga bangkay. Nanggigigil ako! Gusto ko na siyang tapusin!
"Patayin siya!" sigaw ng isang Leuvanian na tila pinakinggan ng mga kawal. Akma nilang sasaksakin ang lalaki gamit ang hawak na esapada.
"Tigilan niyo 'yan!" Pigil ko. "Anong karapatan niyong pangunahan ako?"
Pumikit ako at sa pagsara ng aking mga mata, nagbalik-tanaw ang masasamang nangyari nitong nakaraang araw. Ang init, nag-aapoy ang katawan ko sa sobrang init! Hinayaan ko lamang ito at hindi pinansin. Patuloy ang pagdaloy ng init hanggang sa mata ko. Doon, awtomatiko akong dumilat at kanilang ikinagulat ang biglang pagbago ng aking anyo.
"Imposible!"
"Naging pula ang mga mata ng Mahal na Prinsepe!"
Ramdam ko ang unti-unting pagbuka ng maitim kong mga pakpak. Dala ng matinding galit, pansamantala akong nawala sa katinuan at nagawa ang bagay na labis kong kinatatakutan noon - ang paglabas ng aking kapangyarihan. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi na pusa ang punterya ko kundi isang tao na halang ang kaluluwa.
Gamit ang aking mga pakpak ay lumipad ako at bumaba sa mismong kinatatayuan ng lalaki. Hinablot ko ang kanyang damit saka ko dinilatan ng mata. Hindi ako tumigil hanggang sa siya'y nangisay at bumulagta sa lupa.
Inapakan ko ang wala nang buhay na katawan ng lalaki. Mayamaya ay bigla akong sumabog sa galit at basta kong tinapat ang kamay ko sa kanya. Sumigaw ako nang pagkalakas-lakas kasabay ng paglabas ng enerhiya na nanggagaling sa kamay ko. Makikita ang nasusunog na bangkay ng lalaki.
Umahon ako mula sa apoy at lumipad pabalik sa veranda ng palasyo. Halatang nagulat ang mga tao sa kakaibang paraan ko ng pagpatay sa Rhuilathan. Pero sa huli, pinili nilang magbunyi at kilalanin ang bagong hari ng Leuvania.
"Ako si Icarus - Haring Icarus - Iyan lang ang dapat niyong itawag sa akin. Bilang ika-sandaang hari ng Leuvania, titiyakin ko ang kapayapaan at pinapangako kong hindi na makakapaminsala ang mga Rhuilathans sa ating kaharian! Mabuhay ang Leuvania!"
"Mabuhay!" sigaw ng lahat.
"Mabuhay ang Mahal na Hari!" sabi ng isang Leuvanian.
"Mabuhay!"
Ngayong ako na ang hari, ang sinumang humadang sa mga plano ko ay makakatikim ng parusang dadalhin niya sa kanyang paglilibingan. At kung mayroon pang nagbabalak na sakupin kami, simulan na nilang dasalan lahat ng santo bago pumatak sa kanila ang katas ng kapangyarihan ko na tatawagin kong 'Winze' simula sa araw na ito.