Chereads / The Black Wings of Icarus / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

WORLD OF REALITY

Merthin Icarus Vespaland

Isang tanong ang namamayagpag sa isip ko. Anong lugar ito? Kay daming tao sa paligid ng punong binagsakan ko. Palaisipan din sa akin kung anong klaseng kasuotan ang nakatakip sa kanilang katawan? Halos makita na ang maseselang bahagi ng katawan ng mga babae. Wala naman akong nakitang problema sa paraan ng pananamit ng mga lalaki ngunit ano 'yong nakalagay sa kanilang ulo?

Hindi lang 'yon ang pinagtataka ko, maski ang reaksyong nababakas sa kanilang mga mukha. Kung makatingin sila sa akin ay parang kinamumuhian nila ako.

Kinalabit ako ng isang binatilyo na kung 'di ako nagkakamali ay kasing edad ko. Matangkad ako ng kaunti sa kanya at kulay kape ang buhok nito na bahagyang magulo. Mabilis kong pinilig ang ulo ko sa binata.

"Anong ginagawa mo sa taas ng acasia tree? Maswerte ka't hindi ka napuruhan. Nasaktan ka ba?" nakangiting sabi nito.

Wala akong oras makipagpalitan ng ngiti sa lalaking ito. Kailangan kong malaman kung nasaan ako at kung paano ako makakabalik sa Leuvania upang tulungan ang mga residente na ibalik ang kapayapaang iniwan ni Ama.

"Ayos lang ako. Maaari mo bang ituro sa akin ang daan pabalik ng Leuvania?" seryoso kong tanong.

Kumunot ng bahagya ang kanyang noo at kalaunan ay bigla itong humagalpak ng tawa. Nasundan din 'yon ng halakhak mula sa mga taong naroon.

"Pare, kung anong droga man 'yang tinira mo, itigil mo na. Hahahaha!" anito na ayaw tumigil sa pagtawa.

Dinakma ko ang kwelyo ng kanyang damit at galit kong tinitigan ang berde nitong mga mata. "Anong karapatan mong insultuhin ako? Hindi mo ba ako kilala? Ako ang hari ng Leuvania! Ako si Merthin Icarus Vespaland! Wala kang modo!"

"Hahahahaha!" tawa pa ng isa. "May saltik ang isang 'to, folks!" Pinagkakaisahan nila ako! Hindi nila puwedeng gawin sa akin 'to!

"Parte ba 'to ng pagc-cosplay mo? Ang galing ng delivery of lines mo. Kuhang-kuha mo si King Icarus!" anang lalaki.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ako si Icarus!" Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa damit nito. "Dahil sa kawalan mo ng respeto sa akin, nararapat kang parusahan. Ito ang huling mukhang masisilayan mo bago ka lagutan ng hininga!"

Mariin kong tinitigan ang lalaki. Sandali, parang may mali. Ayaw tumalab ng kapangyarihan ko! Anong nangyayari?

"Ikaw!" malakas niya akong itinulak dahilan upang mapahiga ako sa lupa. Tinapakan niya ang mukha ko kaya lalo akong nadumihan. "Sinong tinakot mo, ako? Huh, masyado kang mayabang! Ang lakas ng loob mong pagbantaan ako! Bakit, sino ka ba? Ah, oo nga pala. Ikaw si Icarus, 'di ba? O, ngayon sige nga! Patayin mo ako gamit ang Winze! Sunugin mo ako ngayon na!"

"B-Bakit a-alam mo ang t-tungkol sa Winze?"

"Bobo ka ba? Malamang palabas 'yon sa TV kaya alam ko! Gago ka pala, eh! Ano!" Inalis ng lalaki ang paa nito, doon lang ako nakagalaw nang mabuti.

Pinilit kong tumayo kahit nananakit ang katawan ko. Papatayin ko ang nilalang na 'to! Dapat siyang mamatay!

Pumikit ako nang mariin at dinamdam ang paglabas ng Winze pero... Bakit... Bakit ganito? Hindi ko maramdaman ang matinding init sa aking katawan kapag ako'y nagagalit! Wala ring apoy na lumalabas sa aking kamay!

"Tsk tsk. Ang tapang ng hiyang sabihin na siya si Icarus, wala namang kapangyarihan. Kung ako sa 'yo, awat na sa panonood ng anime! Yamete! Hahahaha!" tawa pa uli nito.

Pagbabayaran niya ang pambabastos na ginawa niya sa 'kin! Sisingilin ko siya gamit ang buhay na meron siya ngayon!

Tatanggalan ko siya ng puwang sa mundo!

"You're the one who should stop meddling in other people's business," matapang sa sigaw ng babae.

Lahat ay napako ang tingin sa kanya. Tahimik itong naglakad palapit sa lalaki at base sa pananalita nito ay kilala nila ang isa't isa.

"Pasensya na," sabi ng lalaki, malayo sa ugaling pinakita niya kanina. Marahil malaki ang takot niya sa babaeng ito.

Tinapik ng babae ang balikat ng binata. "Just go back. Ako na ang bahala rito."

Sumangayon ang lalaki at walang kibong umalis. Unti-unti ring umumpis ang bilang ng tao sa lugar, subalit nanatili pa rin sa tabi ko ang babae.

Dahil sa sobrang panghihina, nawalan ako ng kontrol at napaupong muli sa lupa kung saan ako pinagkaisahan.

"Okay ka lang?" tanong ng babae na naupo rin sa tabi ko.

"T-Tubig... Tubig..." Nilalabanan ko ang antok na lumalamon sa aking sistema ngunit bigo na akong mapigilan ang pagdilim ng aking paningin.

***

Ivy Kallen

Nakaka-haggard ang maghapong pagbababad sa school. Last subject ko ang math at marami sa amin ang umuwing lulugo-lugo. Si Shirley, lantang gulay. Ang mga friends kong sina Daphne at Rivalz, sukong-suko matapos mag-solve ng katakot-takot na equations sa board.

Ako, pangiti-ngiti lang pero dumudugo na ang utak ko habang pinupukpok ang scientific calculator dahil palaging 'syntax error' ang lumalabas kaya ang sagot ko, ayun, syntax error din.

"Two items lang ang nasagot ko sa papel! 'Pag nalaman 'to ng parents ko, I'm sure one week kaming hindi magbo-bonding ng phone ko!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Shirley hawak ang cellphone na wala pa yatang one week mula no'ng binili.

"Problema ba 'yon? E 'di, bumili ka ulit ng bago! You're rich as twice as me! You can have a brand new phone in no time," singit naman ni Daphne.

Daphne Einstein. Fil-Am. Anak ng veteran actress. May sariling condo at future media personality. Siya ang bukod-tanging walang bilib sa fantasy. Kapag nagkukuwento ako ng kahit ano na may kinalaman sa magic, lagi siyang may baong scientific explanation.

"Naks! Mayayaman! Palibhasa may Apple TV, iPhone 11 at Macbook! Kamusta naman kami ni Ivy, 'no? Nananatili kaming buhay sa campus dahil sa scholarship!" said Rivalz.

Rivalz Shinozaki. Filipino-Japanese. He's living with his mother who is a factory worker. Bata pa lang, iniwan na siya ng kanyang papa na isang hapon. Pareho kaming nag-e-enjoy ni Rivalz sa scholarship na inalok sa 'min ng daddy ni Shirley. As long as we maintain high grades, wala kaming babayaran sa school kahit piso.

Me, Shirley, Daphne and Rivalz are friends since freshmen. We're taking up BA in Mass Communication at nasa third year na kami. We're one year closer to graduation. So far, maayos ang pagkakaibigan naming apat though minsan nagkakapikunan kami for several reasons. Normal na 'yon sa magkakaibigan.

"At least you were offered to avail scholarship from Dad, you should be glad!" ani Shirley. She's right. Utang namin ni Rivalz sa pamilya niya ang pag-aaral namin sa Franklin sa loob ng apat na taon.

Pagbungad namin sa exit ng school ay sinalubong kami ng service car nina Shirley at Daphne. Andito na ang sundo nila.

"Let's go," aya ni Shirley. "Sa akin si Ivy, sa 'yo si Rivalz," utos niya kay Daphne bago ito tuluyang pumasok sa sasakyan.

"Naku, huwag na. Maglalakad na lang ako," sabi ko.

"Are you sure?" paniniguro ni Shirley.

"Yes, I'm fine."

"Okay." I waved to them as their cars drove away. "Bye! Take care!"

Yeah, kj na kung kj but I have somewhere to go and every time I refused to ride in their car, they already know the reason.

Madalas akong tumatambay sa park after class. Favorite spot ko doon sa puno ng acacia at hindi ako aalis do'n hangga't 'di nawawala ang pagod ko. It's my own way to relieve stress due to exposure in school activities.

Walking distance lang naman ang park kaya madali ko 'yong narating. It's quite surprising this time because there are lots of people who gathered around the acacia tree. Nagtatawanan sila at mayroon ding nagsisigawan. Anong meron?

I walked closer to see what's happening. I spotted two men arguing. 'Yong isa, halos bumaon ang mukha sa lupa at 'yong isa... Wait a minute---is that...

"Tsk tsk. Ang tapang ng hiyang sabihin na siya si Icarus, wala namang kapangyarihan. Kung ako sa 'yo, awat na sa panonood ng anime! Yamete! Hahahaha!"

Oh, no. Another trouble.

"You're the one who should stop meddling in other people's business, Suzaku."

All eyes on me as if I'm the most popular girl in town. Yeah, nalipat ang atensyon nila sa katulad ko na walang intensyong makigulo kung hindi ko lang kilala ang isa sa kanila. And... How dare he step on a man's face?

"Pasensya na," sabi ni Suzaku. Why can't he be a good man? He always bring trouble to anyone else.

Inabisuhan ko siyang umalis at bumalik sa store dahil walang magbabantay. See? Tanggal ang tapang niya kapag ako ang kaharap niya.

Tanging kami na lang ng lalaki ang naiwan. That's weird. Everything in this person is entirely strange. His look, his face, his... His outfit. I know where I saw him! I can't be wrong!

He's Merthin Icarus Vespaland! But what is he doing in the place like this? He should be in cosplay parties.

Anyway, whatever the reason of his existence, he needs help. Pagkatapos nito, tutulungan ko siyang makauwi sa kanila.

"Okay ka lang?" tanong ko sa lalaki. Loko-loko talaga si Suzaku! Bakit niya ba pinagtripan 'tong cosplayer ni Merthin?! He was an avid fan of Winze. There's no reason for him to hit this guy on the face.

"T-Tubig... Tubig..." Hala lagot! Pano 'yan? Wala akong tubig sa bag! Nagsisimula nang manuyo ang labi ng lalaki. Baka ma-dehydrate pa 'to at ako pa ang sisihin ng magulang o girlfriend niya kapag may nangyaring masama sa kanya! What should I do now?

Nataranta ako sa mga sunod na pangyayari. "H-Hey, wake up! Gising! Hoy!" mahina kong tinatampal ang pisngi niya pero walang response. Kailangan ko nang madala siya sa ospital!

"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw ko. Luckily, may lumapit na mag-asawa at tinulungan akong dalhin ang walang malay na lalaki sa pinakamalapit na ospital.

I hope he's safe.