San Franciso, USA
Four years ago
PINAHID ni Reeze ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. Pinagmamasdan niya ang litrato kung saan siya nakasakay sa isang kabayo habang inaalalayan ng papa niya. She was nine at that time, an only child. Bakasyon niya noon mula sa school at isinama siya ng ama sa trabaho nito. Her father was a professional wedding photographer, and the client wanted a ranch setting for their prenup photoshoot. Iyon ang unang beses na natuto siyang kumuha ng litrato na hindi Polaroid camera ang kanyang ginamit. Since then, Reeze promised herself that she would become like her father. She would work alongside him, and she would make him proud.
Pero mukhang hindi na iyon mangyayari kailanman. Her father left when she was fourteen. Inisip niya noon na marahil ay napagod na lang ang kanyang ama sa regular na pakikipag-away sa mama niya. Her mother said her father left them for another woman. She didn't believe her. Until this afternoon.
Pinuntahan niya ang ama sa address na nakuha ng pinsang si Martha mula sa binayaran nitong private detective. It was indeed, her father's house. But he wasn't alone. Kasama nito ang babaeng naging karelasyon nito sa Pilipinas. May dalawang anak ito sa kanyang ama.
And her mother was right all along.
"I'm sorry, anak. Masyado ka pang bata noon para maintindihan ang lahat. At ngayon… wala akong ibang masasabi kung hindi I'm sorry," ang tanging sinabi ng kanyang ama.
Nilunod niya ang hikbi sa pag-inom ng alak.
"Is that your father?" Napalingon siya sa katabing babae na umiinom din sa bar counter. Maganda ito pero malungkot ang anyo. Kahit nakangiti ay bakas ang lambong sa matatapang na mga mata nito. Tila may mabigat din itong pinagdaraanan. "Pinay ka rin, tama?"
Friendly siyang tumango. Humingi siya ng isa pang alak sa bartender.
"I'm Catherine."
She smiled back. "Reeze."
"Nice meeting you."
"Same."
"Ang papa mo ba ang iniiyakan mo?" tanong muli nito makalipas ang ilang sandali.
Bumuntung-hininga siya, "I just found out that he's living happily here… with his second family. Na totoo ang sinabi ng mama ko na iniwan kami ni Papa para sumama sa ibang babae." She smiled bitterly. "I used to idolize him."
"I'm sorry to hear that," may simpatiyang wika ng babae saka nilagok ang alak sa sariling baso.
"Thanks. 'Yan ang drama ng buhay ko. Ikaw, may daddy issues ka rin?"
Natawa ang babae. Sandali itong nanahimik bago muling nagsalita, "There's this man in my life whom I love so much. But our relationship is unhealthy."
"May physical o emotional abuse bang involved?" Hindi siya expert sa mga ganoong problema dahil kailanman ay hindi naman siya napasok sa isang seryosong relasyon. Pero sapat na ang nasaksihan sa kanyang pamilya at mga kamag-anak para magkaideya siya kung paano nagiging unhealthy ang isang pagsasama.
"I think it's emotional," Catherine replied. "I just feel… suffocated."
"Eh di sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo." Hindi talaga niya maintindihan kung bakit may mga babaeng pinahihirapan ang sarili sa pag-ibig. Women are such masochists sometimes.
"I can't." Umiling-iling ito. "Because he would just do everything to keep me more by his side."
"Simple lang naman ang solusyon sa problema mo eh." Nagkibit-balikat siya at inubos muli ang laman ng baso. "Leave him."