Chereads / The Realm Of Spiritual Gods / Chapter 1 - Ang Mensahe

The Realm Of Spiritual Gods

Kenjiro_Fuji2
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 10.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Ang Mensahe

Kasalukuyan akong papauwi ng bahay dahil labasan na namin sa school. Pagod na pagod ako dahil dami ng activity na ginawa namin. Halos buong hapon kaming nag pa practice ng sayaw para sa Christmas event namin sa school.

Madalas ay ako lagi ang inaasahan sa pag lilinis ng aming silid aralan. Ako lang kase lagi ang kumikilos. Halos lahat ng subject teacher namin ay saakin narin nag uutos.

Sana nag hire nalang sila ng personal maid nila, Nakakainis talaga tssk.

At pag kauwi ko ay hindi na ako nag bihis. Tinanggal ko agad ang aking sapatos at pumasok sa loob ng bahay. Binalibag ang aking bag sa gilid at nag madaling umakyat papunta sa aking kwarto.

Agad akong tumalon sa aking kama at dumapa dahil sa kapaguran. Nang papa idlip na ako ay bigla kung naalala na may thesis pa pala kami at ilan pang mga assignments at reporting.

Agad akong napabangon na kahit wala na akong gana ay pinilit ko parin.

Ano bayan. Gusto ko na talaga mag pahinga, Sobrang sakit na ng katawan ko. Hays kakainis kase. Bakit pa kase naimbento pa ang pag aaral e' mamatay din naman.

Ginawa ko muna ang ilan kung mga assignments at projects. Sinabay ko narin yung research para sa thesis. Mga apat ba oras akong gumawa bago natapus. Inabot ako ng Alas Onse ng gabi.

Grabe, Ang sakit na ng mata ko. Gustong gusto ko na matulog.

Dali dali akong pumunta sa kama at dumapa. Ipinikit ko na ang aking mata at di kalaunay nakatulog ako.

Mga ilang saglit pa ay bigla nalamang may tumunog na napakalakas at sobrang sakit nito sa tainga.

"Grabe' Ang sakit ng tainga ko" saad ko habang nakapikit ang aking mata at nakatakip ang dalawa kung kamay sa aking tainga.

Dahan dahang humina ang tunog at dahan dahan ko din idinilat ang aking mga mata. Nagulat ako sa aking nakita.

"Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?" saad ko habang kinakabahan at hindi alam ang nangyayare.

Ang buong paligid ay nag liliwanag at sobrang puti. Halos lahat ng nasa paligid ay sobrang kinang at nag liliwanag sa sobrang kaputian nito.

Bigla nalamang may nag salita at nag sabi. "Ikaw tao, Ang napili upang mag lakbay sa mundo ng spiritwal upang hanapin ang kapayapaan at kagalakan ng bawat nilalang sa mundong ito o sa iba pang mga mundo. Ikaw ang nahirang bilang isang kinatawan."

At ako ay nag wika."Kinatawan na pinag sasabi mo? Sino kaba? San moko dinala? Kung trip man ito please wag ngayon. Pagod na pagod ako. Gusto ko ng mag pahinga." at may nag wika. "Ako ang ispirito na mag gagabay at mag dadala sa iyo sa ibayong mundo. Ikaw ang nahirang upang hanapin ang kapayapaan at kagalakan at maging kinatawan nito." at ako ay nag wika."Kanina kapa e'. Paulit ulit nalang. Ano ba talaga ang gusto mo ha? Pwede ba i' uwi mo na ako sa amin?" at nag wika."Hindi mo maaaring tanggihan ang nakatakda na sa iyo ay mangyayare. Kailangan ka ng iyong mundo at ibayong mundo. Ikaw ang nahirang. Sa ayaw at sa gusto mo ay ikaw ang magiging kinatawan."

Dahil sa mga himalang nasisilayan ko sa mga oras na iyon ay sumang ayon nalamang ako sa mga sinabi ng ispirito na walang imahe at puro lamang kaliwanagan ang nakikita ko.

Ako si Gerofeloh Henceforth, 1st year college, 19 years old. Ang napili upang mag lakbay sa ibayong mundo.

Hindi ko alam ang susunod na mangyayare at kung ano ang nakaabang sa akin sa ibang mundong iyon.

Ano kaya ang nakaantay sa akin doon?

Mukhang hindi iyon magiging madali.