Nag simula na ang pag lalakbay namin ni Licht sa mundo ng mga diyos at diyosa. Nag anyong libro sya at palutanglutang habang sya ay kumikinang sa sobrang liwanag. Habang ako naman ay nakasuot ng uniform na pam pasok.
Ang unang misyon namin ay ang mag ligtas ng isang ligaw na ispirito. Hindi ko alam yun kaya minabuti ko ng mag tanong sa kanya kung ano ba yun.
"Anong ligaw na ispirito? Ano bang itsura nun?" tanong ko kay Licht.
"Eto ay isang ispirito na nanganganib mapasala ng landas o maaaring maging isang masamang ispirito. Kailangan natin itong mailigtas at mapasa atin." saad ni Licht
"Pano ba natin maliligtas ang bagay nayun?" Tanong ko.
"Maililigtas natin ang ligaw na ispirito sa pamamagitan ng ating pag kakaisa. Huwag kang mangamba sapagkat ako na lamang ang bahala sa iyo." saad ni Licht.
Nagulat na lamang ako ng biglaan akong lumutang sa ere at dahan dahang pumataas. May nakabalot na puting liawanag sa buong katawan ko.
"A-ano ang nangyayare? a-ano ang ginawa mo?" gulat na pag tanong ko
"Huwag kang mangamba. Ako na lamang ang bahala." tugon ni Licht.
Habang nakalutang kami sa ere ay dahan dahan kaming umaabante. Nung una ay medyo natatakot ako dahil sa kataasan ng aming pag lipad. Pero nung tumagal-tagal na ay nasanay nadin ako.
Hanggang sa may dinaanan kaming itim na bilog at para itong lagusan papunta sa ibang lugar.
Halos ilang oras kami nag palipad lipad. Nang ilang saglit pa ay nakita na namin ang bagay na hinahanap namin.
"Ya-ya-yan na ba yung bagay na sinasabi mo?" Takot kung pag tanong.
"Iyan na nga. Huwag ka mag mangamba hindi iyan mapanganib." tugon ni Licht.
Ang itsura ng bagay na iyon ay anyong hayop. Isang mabangis na aso. Hindi ito normal sapagkat doble ang laki nito kumpara sa ordinaryong aso lang. At napaka talim ng kuko nito at sobrang lake ng mga pangil.
"Sigurado kabang hindi mapanganib yan?!! Seryoso ka?!!" Pasigaw kung pag tatanong dahil sa takot sa nilalang nayun.
"Sigurado ako sa aking mga sinasabi." tugon ni Licht na parang wala lang sa kanya ang nangyayare.
Napansin at nakita kami ng nilalang na iyon at nag iba ang timpla ng mukha nito.
"Hoyy! Anong gagawin natin?! Nakatingin na satin oh?! Tara na alis na tayo dito!" Pag mamakaawa kung sambit kay Licht ngunit hindi ito nakikinig sakin at hindi ito umiimik.
Tumakbo ng mabilis ang nilalang na iyon papunta sa kinaruruonan namin.
"Hoy alis na tayo dito?!! Hoyy dimo ba ako naririnig?! Papunta na dito oh?! Ho-" napatigil ako sa pag sasalita ng bigla na lamang sumulpot ang malaking nilalang na iyon sa harapan ko. Napa takip ako ng mga braso ko sa aking mukha dahil sa sobrang takot.
Pag tanggal ko ng braso sa aking mukha ay nakita ko ang nilalang. Sinusubukan nitong kagatin at kalmutin ako ng matatalim na kuko at pangil nito. Ngunit may pumipigil dito na parang isang shield dahil hindi makalagpas ang atake ng nilalang na iyon.
"Diba't sinabi ko sa iyo na ako na lamang ang bahala kaya't wala kang dapat na ikabahala? Ibuka mo ang kanan mong kamay at itutok mo ito sa sa ligaw ba ispirito."
At ginawa ko nga ang sinabi nya.
"Ga-ganito ba?!" sambit ko habang nangangatog sa takot.
"Ganya'an nga. At banggitin mo ang salitang nakasaad sa libro."
At sinunod ko ang sinabi niya. Bumuklat ng kusa ang libro at bigla na lamang nag kasulat at binanggit ko ang salitang "Vuelve!" habang nakatapat ang kanang kamay ko sa nilalang na iyon.
At nasakihan ko ito kung paano bumagsak sa lupa at pilit itong tumatayo. Habang ito ay hirapan na makatayo ay pinanatili ko lang ang kamay ko na nakatutok sa kanya. Nag iinit ang kamay ko habang ito ay naka tutok. At di kalunay bigla na lamang napa tabi ang aking kamay sa lakas ng pwersa ng nilalang na iyun.
Napatagilid ang aking katawan at mukha. Pag balik ko ng tingin ay tumakbo ang nilalang na iyon ng mabilis kaya't hinabol namin. Agad kaming lumipad ng mabilis sa himpapawid at patuloy na tinutugis ito.
"Banggitin mong muli ang lalabas na salita sa libro." sambit ni Licht.
Habang sinusundan namin ang nilalang na iyon ay muli kung itinutok ang kamay ko sa nilalang na iyon at binanggit ang salitang "Corbata y corbata!" at bigla itong nanigas at hindi nakagalaw.
Agad namin itong nilapitan at binanggit ko ang salitang lumabas sa libro na "Et rursus vestra tabula nobis!" habang nakatutok ang kanan kung kamay sa nilalang.
Sumigaw ng malakas ang nilalang, Sa sobrang lakas nito ay napatakip ako ng aking tainga. Napatigil ito ng biglang lumabas sa kanyang bibig ang tatlong liwanag na bilog. Nag liliwanag ang mga ito ngunit hindi tulad ng kay Licht. At agad namang nag laho ang katawang aso at bumalik ito sa pagiging lupa.
At nag salita ang mga ito. "Maraming salamat sa pag papalaya sa amin mula sa kawalan. Ngayon ay handa kaming mag balik loob sa Amang Bathala. Nawa'y mapatawad kami ng Ama."
At nag salita si Licht. "Ang inyung pagkakasala ay napatawad na. Ngayon ay tinatanggap na Nya kayo sa kanyang kaharian at makabalik sa pag sisilbi sa Kanya." tugon ni Licht.
"Gerofeloh? Maaari mo bang itapat sa kanila ang kanan mong kamay at banggitin ang nakatala sa libro?" Tanong ni Licht.
"A-ah oo sige wait lang."
Itinutok ko ang mga kamay ko sa tatlong bagay na nag liliwanag at binanggit ang salitang "Tu gratum. Sit vobis beatus erit." na nakasaad sa libro.
At ang tatlong bagay na nag liliwanag ay biglang nag silapit sa akin at bumalot sa aking buong katawan hanggang sa tuloyan itong nag laho.
"A-ano nangyare sa kanila? Ano bang nagawa ko?" Pagtataka kung tanong.
"Sila ngayo'y hindi na nalalayo sa kaharian ni Amang Bathala. Sila ay naging kaloob sa iyo upang maging lakas at mag patuloy sa iyong gampanin. Sila ay makakasama na natin sa ating pag lalakbay."
at biglang may nag wika "Kami ay handa ng pag silbihan ang Bathala." at ang isa naman "Maraming salamat dahil kami ay muling natanggap upang mag silbi." at ang isa pa ay "Ngayong kami ay tanggap na ay maaari mo kaming bigyan ng aming mga pangalan at bagong kaanyuan."
At nag wika si Licht."Gaya ng ginawa mo saakin, Kung paano mo ako pinangalanan ay gawin mo rin ito ng gaya sa kanila. At maging ang kanilang magiging imahe."
Isa isa ko silang pinangalan. Si Ignotes ay binigyan ko ng imahe bilang isang punyal, Si Ara naman ay binigyan ko ng isang imahe bilang isang magandang dalaga na may pulang buhok at pink na labi na nakasuot ng puting blouse, at si Yggdrei naman ay isang potion na may kakayahang mag pagaling.
"At ngayong nadagdagan na ang ating pwersa ay mas madali nating maisasagawa ang kaloob ng Amang Bathala."
Hindi ko na talaga alam kung ano na ang nangyayare sa buhay ko. Basta nalang sumusunod sa mga sinasabi ni Licht sakin. Well nakakamangha oo pero andun parin yung kaba ko sa tuwing may gagawin kaming kakaiba at himala.
Ako si Gerofeloh Henceforth, 19 years old. 1st Year college. Napunta sa mundo ng mga diyos at diyosa. At kasalukuyang kasama ng tatlong banal na ispirito na sina Licht,Ignotes,Yggdrei at Ara.
Akala ko ay magiging madali lamang ang lahat pero hindi pala. Marami pa palang pag subok ang aming kakaharapin.