Chereads / The Realm Of Spiritual Gods / Chapter 2 - Ang Ibayong Mundo

Chapter 2 - Ang Ibayong Mundo

Pag mulat ng aking mga mata ay nakahiga ako sa damuhan at maraming mga puno sa bawat paligid. Marami ding mga paro paro ang mga nag sisiliparan sa itaas.

At dahil sa pag kamangha ko sa mga nakikita ko ay napatayo agad ako at pinag masdan ang buong paligid.

"Grabeh, Ang ganda ng lugar na ito. Para akong nasa isang paraiso. At ang mga kalangitan ay sobrang asul at ang mga ulap ay sobrang puti at napaka linaw ng mga ito." at di kalaunan ay may nag wika."Maligayang pag dating sa mundo ng mga diyos at diyosa Gerofeloh." at dahil sa pag kabigla ko ay napawika ako. "Sino ka? Ikaw ba yung kanina kung kausap? Sino kaba? Ang natatandaan ko hindi mo sinabi ang pangalan mo?"at nag wika ito.

"Ako ay isang banal na ispirito na mag gagabay sa iyo sa pag lalakbay. Naparito ka sa mundong ito upang muling buhayin ang iyong planeta. Ikaw ang napili na maging kinatawan ng iyong mundo." saad nito.

At ako ay sumagot."Pwede mo bang ipaliwanag ang lahat? nagugulohan ako e'. Hindi kita maintindihan." at siya ay nag wika."Ang iyong mundo ay nawala. Sa pamamagitan mo ay maibabalik muli ang iyong planeta at muling iikot sa araw nito." at ako ay sumagot. "Panong nawala? At t'saka diyos at diyosa? Ano naba nangyayare? Pinag sasabi mo?"

At sya ay sumagot."Nang dahil sa kagagawan ng mga masasamang ispirito ay tuloyan ng nag laho ang iyong mundo. Tuloyan ng nanaig ang masasamang ispirito sa iyong mundo. Kaya't ang lahat ng mga diyos at diyosa at maging ang Amang Bathala ay napag kasunduan na wasakin ang iyong planeta."

At ako ay nag wika."Bakit sa dami ng tao ako pa ang napili? Ano naman ang magagawa ko? Ano bang dapat kung gawin?" at sumagot sya. "Ikaw Gerofeloh Henceforth ay magiging kinatawan ng iyong mundo. Upang muli itong mabuhay at umikot sa sarili nitong araw ay kailangan mong dumaan sa matitinding pagsubok. Huwag ka mag alala, Ako ay isang banal na ispirito. Ang aking misyon ay gabayan ka sa lahat ng bagay dito sa mundong ito at ako ang iyong makakasama."

At ako ay nag wika."Wala kabang pangalan? At nasan ka? Ni hindi ka nga nag papakita sakin e'? Pano kita paniniwalaan nyan?".

At di kalaunay may lumabas na bilog na liwanag. Sa sobrang liwanag nito ay nahirapan akong tignan ito ng diretsa.

At ito ay nag wika."Ako ay ang banal na ispirito. Narito ako upang maging gabay mo sa pag lalakbay sa mundong ito. Upang makamit ang kapayapaan ay kailangan mong lumaban. At para makamit ang kagalakan ay kailangan mong mapag daanan ang lahat ng pagsubok at hirap. At sa pamamagitan ng lahat ng iyon ay magiging kinatawan ka ng iyong mundo sa muli nitong pag kabuhay." at nag wika ako."Ang dami mong sinasabi. Ano bang pangalan mo?" Irita kung tanong sa kanya. at sya ay sumagot."Ako ay maaari mong tawagin sa iyong kaloob na nais itawag sa akin."

At napakamot nalamang ako ng ulo at at nag tanong."Kung ganon, ako nalang mag bibigay sayo ng pangalan?" at sya ay nag wika."Gayun na nga."

At ako ay nag isip ng maaaring itawag sa kanya.

Grabe, Hindi ko na alam ang mga nangyayare. Nasira ang mundo? Masasamang ispirito at mga banal na ispirito?, Mundo ng diyos at diyosa?. Patay na kaya ako?

At ang bilog na liwanag ay biglang nag salita."Gayun na nga ang nangyare. Ngunit ang ispirito mo ay hindi namatay sapagkat ikaw ang itinakda bilang kumatawan at maganap ang mga plano ni Bathala."

At bigla akong nakaisip ng ipapangalan sa kanya."Alam ko na ang itatawag ko sayo. Licht! Isang german word na ang ibig sabihin ay liwanag o ilaw." At ang bilog na liwanag ay mas lalo pang nag liwanag.

At si Licht ay nag salita."Kung gayon, Ako si Licht! Ang banal na ispirito na mag gagabay sa iyo sa lahat ng oras. Handa akong maging sandata mo kung kinakailangan." at ako ay nag tanong."Talaga? Pwede ka maging sandata? Sige nga patunayan mo sakin!" at si Licht ay nag salita."Isipin mo lamang ang bagay na sa tingin mo sa iyo ay malaki ang kahalagahan at bagay na alam mong punong puno ng pag asa habang ang mga mata mo'y nakapikit."

Sinunod ko ang sinabi nya at nag isip ako ng bagay na sa tingin ko ay napaka importante sa akin at magiging malaking tulong.

Di kala'unay biglang nag liwanag si Licht at ang buong kapaligiran. Napapikit ako sa sobrang kaliwanagan nito. Unti unti kung iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang isang libro. Naka lutang ito sa ere at nag liliwanag sa kinang.

"Ang kaanyuang ito ang iyong hiniling upang maging sandata. Ngayon ay mananatili ako sa ganitong kaanyuan hanggang sa masunod ang kaloob ni Amang Bathala." saad ni Licht, Habang ako naman ay."Teka baket libro? Hindi naman yan yung hiniling ko nun ah?"

"Ngunit ito ang nilalaman ng iyong puso at damdamin. Ito ang iyong hiniling."saad ni Licht.

Hmm ano kaya ang nangyare bakit libro ang lumabas? Ahh naalala ko na. Bigla kung naisip yung libro ko sa Personal Development. hahaha nawala ko kase yun tsaka mahal pa naman kapag binayaran. Siguro nasa 500 pesos yun. Hays sayang. Piborito ko kaseng libro yun.

Ako si Gerofeloh Henceforth. 19 years old. 1st year college. Ay napunta sa mundo ng mga diyos at diyosa.

Mukhang magiging masaya ang magiging pag lalakbay namin ni Licht.

Abangan ang mga susunod pang mangyayare.