Chereads / “Carrying the CEO’s Son “ / Chapter 1 - Chapter 1

“Carrying the CEO’s Son “

🇵🇭Yajnna
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 12.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

"Count your joys instead of your woes. Count your friends instead of your foes."

-----------

Kanina pa namomroblema si  yoona sa kakaisip kung saan siya hahanap nang malaking halaga para sa operasyon nang kanyang ina.

Nang magulantang siya sa tunog nang telepono niya.

Simangot ang mukha niya nang  sinagot niya ito nang makitang ang kaibigan palang si che che ang tumatawag.

"Hello..." sagot niya dito sa namamalat na boses

"Oh bat ganyan boses mo? Kumusta si tita?" Pangungumusta nito sa nanay niya.

"Stable naman iyong lagay niya pero  nangangailangan ako nang malaki laking halaga para sa operasyon niya, at kanina pa sumasakit ang ulo ko kung saang kamay nang tao ko kukunin ang tatlong daang libong peso."

Naiiyak na sabi niya sa kaibigan niya at ang loka loka niyang kaibigan ay nakuha pa talagang magbiro.

"Sa bangko bruha ano sama ka mayang gabi mang hoholdap tayo."

Natatawang pahayag nito.

"Ikaw bruha wag mo akong pinagloloko bruha ka talaga baka sunggaban ko iyang offer mo makita mo, alam mo na nga namomroblema na ako nakuha mo pang magbiro dyan."

Inis na pahayag niya dito, na tinawanan lang siya. Alam niyang pinapagaan lang nito ang pakiramdam niya.

"Chill ka lang bruha makakahanap din tayo nang paraan at tutulungan kita kaya huwag ka ng mag alala dyan, hwag masyadong stress bruha ang wrinkles natin bruha mas mahal ang pang patanggal niyan kay doktora belo ang isipin mo ay gagaling ang mudrakels mo at makakahanap tayo nang paraan atsaka ano pat naging kaibigan mo ako kung pababayaan kitang solohin iyang problema mo"

Na touch naman siya sa kaibigan kahit may pagka lukaret ito alam niya sa panahong tulad ngayon ay di siya nito iiwan at pababayaan kahit hindi kaaya aya pakinggan ang tawagan nila pero nasanay na silang dalawa na bruha ang tawagan.

"Tse...anong wringkles pinagsasabi mo dyan ano tingin mo sa akin matanda na? umayos ka nga at Sana nga bruha makahanap ako nang paraan, kahit ano gagawin ko para mailigtas ko lang si mama siya na lang ang meron ako bruha"

Naluluhang saad niya, biglang natahimik ang kaibigan niya sa kabilang linya at sumeryoso ang boses.

"Gagawin mo talaga ang lahat bruha? Sigurado ka dyan?"  Seryosong tanong sa kanya ni che che.

"Bruha ka kinakabahan ako sa boses mo"

"Di nga bruha seryoso? Gagawin mo lahat?"

"Oo nga di ba kahit ano para kay mama, umayos ka nga bruha hindi ako sanay sa pagiging seryoso mo"

Tumawa lang si che che sa kabilang linya.

"Oo nga bruha noh ang creepy nang boses ko di din ako sanay hahaha... pwera biro  bruha di nga seryoso

kasi may kakilala ako bruha willing siyang magbayad kahit magkano kung kaya mo ang ipagagawa niya?"

Seryosong sabi ni che che.

"Ano iyon bruha kahit ano iyan bruha susunggaban ko iyan para sa kaligtasan ni mama."

"Si ano kasi bruha kilala mo naman si ate Macky diba iyong nakakatandang kapatid ni Mark minsan kasi niyang nakwento sa akin na ang boss niya ay nangangailangan nang surrogate

mother iyon bang insemination na ilalagay sayo ang semilya nang lalaki para maka buo nang bata at ikaw ang magdadala noon kung papayag ka"?

"Ano? Sino ba iyang amo ni ate macky bruha? Parang iba ang trip sa buhay bat di na lang siya Mag asawa at anakan ito bat kinukumplikado pa niya ang buhay niya baka may asawa na iyan at di magka anak naku bruha baka gulo pa iyan.."

" hindi bruha binata ang boss ni ate macky at ewan ko kung anong trip niya bahala siya oh ano game ka ba?"

"Pag isipan ko muna kaya iyan bruha mahirap na bata ang pinag uusapan dito kahit hindi kami nag ano niyan dugot laman ko parin iyon kung sakali." Saad niya na may kasamang buntong hininga.

"Oh siya pag isipan mo munang mabuti tawagan mo lang ako kung ano ang desisyon mo at kakausapin ko si ate Macky, sige ingat ka dyan, baka maaga ako mamaya dadaan ako para may maka usap ka naman baka mabaliw ka dyan at mangamoy imburnal iyang bibig mo dahil wala kang ka chika" natatawang saad nang baliw niyang kaibigan.

"Tse...ewan ko sa iyo puro kalokohan lang ang alam mo sa buhay."

Naiiling na saad ni yoona sa kaibigan pero thankful pa rin siya dito dahil napagaan at napangiti siya nito sa simpleng kalokahan nito.

Muli niyang naisip ang offer nang kaibigan at may mga tao talaga na weird ang pananaw sa buhay bat hindi na lang kaya mag asawa ang boss ni ate macky para magkaroon siya nang anak ang nagagawa talaga pag marami kang pera.

Thank You!...

@YajNna20

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag