Naiinis pa rin ako sa ginawang scheme ni Alfred Beet, hindi ko akalain na multi-worker ang gagawin ko dito sa The Kingdom hotel. Juice ko, yaya ng dalawang kambal na may mga mahahabang sungay, tapos inventor sa V.D. Corp and pinaka-stress ko sa lahat ay ang maging nanay nitong anak ng ex-lover kong si, "Hunny banana oh nana!"
Binatukan ko muna, panira ng pagmumuni-muni eh. Anyway, ako si Raine Quelly Bael, ang Mistress ng mga Von Dutch. Tara at puksain natin ang mga demonyo. Ako na ang pupuksa, nuod na lang kayo ah?
"Ang sakit nun ah? Bakit mo ako binatukan?" tanong ni Arthur Blithe Von Dutch. Nakakahiya talaga siya, panganay ng mga Von Dutch pero kung kumilos parang bunso.
"Taichi ka! Nananahimik ako dito tapos bigla kang susulpot?"
Napanganga siya saglit at sinarado niya rin ang kanyang bibig. "Sorry, nakita mo si AJ?"
Tinuro ko ang anak niya at ngayon nakatingin kami sa tatlong batang naglalaro sa kiddie pool.
Saya lang sila pagmasdan, kahit na mamaya, kukulitin nanaman nila ako. "Mommy! I am thirsty!"
Hehehe! Galing ko talaga manghula. Dapat talaga naging medium or fortune-teller na lang ako.
Lumapit sa akin si AJ at inabot ko sa kanya ang baso niya na may straw.
"You look pretty today!" napangiti naman ako. At dahil nabola ako ng aking anak, binigyan ko siya ng fart kiss, yun bang kiss na may kasamang tunog. In short, Lola kiss na may tunog.
"Mommy, where's your boyfriend?" Natigilan ako saglit.
"Who?" hindi na ako nakinig sa mga tanong niya kasi lumipad na muli ang isip ko.
"Mommy!!! Are you listening?!" Hala! nagtampo na ang mukha ng pogi kong baby.
"Oo naman, wala naman ako boyfriend, ikaw lang sapat na." Akala niya siya lang magaling mambola, sa akin yata siya nagmana. Hehehe!
"Talaga? Eh why ka sad?" Grabe, manghuhula rin itong baby?
I told him to return sa mga tiya at tiyo niya para maglaro. Muntik na ako maiyak dahil ang complicated ng life ko. Pero kakayanin kahit mahirap! Phew!