I just ignored him at nilapag na ang pagkain ng anak ko na si AJ. "Thanks Mom!"
I smiled and went to the buffet again and chose my own breakfast.
Sumabay sa akin yung husband ko, well, yeah, kasal kami, on paper.
"I want this waffles and cappuccino," hinayaan ko na lang siya at kumuha ng fluffy pancakes na may maple syrup. Kumuha ako ng strawberry milkshake(actually nasabihan ko na kagabi yung chef na gusto ko ng strawberry milkshake for breakfast) kaya akin talaga itong nag-iisang shake.
Gaya gaya naman siya pero yung kanya Mocha daw. Bahala siya ma-impatso mamaya. Cappuccino at Mocha milkshake? Tsk.
"Arturo, 'di ba lactose intolerant ka? Kaya akin na yang mga inumin mo, ito ang sayo, warm water." I inwardly snickered. Buti at kilala pa siya ni Lawrence(twin ni Arthur Blithe) sumimangot siya pero wala na rin nagawa.
"Uy, itetake ko na yang Cappuccino sa opisina ko," si Husky, ang private lawyer ng mga Von Dutch. Kinuha naman ni Toya yung milkshake kaya happy happy sila. "You know, pag mga drinks sa café ko sana kayo mag-order, baka malugi ako." Ito talagang si James!
Si James ang pinsan ni Toya at pinsan rin nila ang mga VD kids. Sa mother side sila related.
"So, I have this boring waffles and water." Medyo nahabag ako. Pero tiniis ko kasi inis dapat ako sa kanya. "Ate, punta na kami sa rooms namin at magshower," sabay na sabi ng kambal na VD.
Hindi ko na sila pinigilan at nagsimula na ako mag-almusal. Syempre katabi ko si AJ. He might not be my bio kid. But, I raised him until he was three. And ako rin ang dahilan kung bakit siya naghahanap ng tahanan or does he? "Igi boy, galit ka sa akin?"
Remember, Igi boy sana ang pangalan niya sa birth cert. Kasi yun ang gusto ni C.c. Eh ang pangit naman kaya ang pinangalan ko sa kanya ay Azrael Jackson.
Kaka-wattpad ko kasi noong araw.
Uminom siya ng tubig and looked at me. Medyo tumaas ang balahibo ko, hawig niya talaga ang tatay niya, those eyes that has the color of the deep sea.
Namana niya kay C.c. yung face shape niya and yung wavy hair niya. Ang cute cute na bata. "No, Mommy, I just told myself na nauna ka lang makauwi dito sa Pinas kaysa sa amin ni Dada."
Naluha ako at 'di naiwasang yakapin siya.