Chapter 2 - Prologue

Nagpakasal kami hindi dahil mahal namin ang isa't-isa.

Nagpakasal kami dahil yun ang gusto ng aking ama.

Ni minsan, hindi ko pa sya nakikita sa mga formal events na pinupuntahan namin ni dad.

At wala akong idea kung saan at kung paano sya nakilala ni dad.

Ang pagkaka-alam ko lang, nakita ko na syang nagta-trabaho sa palengke ng syudad, and guess what, kargador sya ng mga gulay.

Ni hindi ko nga alam kung saan sya nakatira. O kung ano talaga ang buong pangalan nya.

Ni hindi ko kilala ang buong pagkatao nya.

Pero heto ako ngayon, nasa harap ng judge. Nakasuot ng itim na blouse at itim na pencil skirt. Tanda na aking pinaglalamayan ang pagtatapos ng aking buhay dalaga.

Dahil sa araw na ito, magpapakasal ako sa isang hamak na lalaki lamang.

Hindi sya bigatin.

Hindi sya mayaman.

At isa lamang syang hamak na mahirap.

At yun ay si Lucas Dimaculangan.