Hindi pa rin maalis-alis sa isip ni Savannah ang tungkol sa sinabi ng kanyang ama sa kanya kanina. Hindi pa rin nya maintindihan kung bakit naisipan ng kanyang ama na ipakasal sya? Naging mabait naman siguro syang anak, hindi ba para bigyan sya ng kondisyon ng ama?
"I really don't get it!" She groaned in frustration! Bakit nga ba kasi?!
"Seryoso ka ba dyan, Sav? Baka naman sinusubok ka lang ng daddy mo?" Wika ni Luna mula sa monitor ng kanyang Apple desktop. Naka-video conference kasi sila ng mga kaibigan nya ngayon.
"Hindi rin eh, kilala ko yang si Daddy. Kahit na nakangiti yan kapag sinabi nyang seriously and he's not kidding, hindi talaga sya nagbibiro. And I'm doomed!" Frustrated nyang sumbong sa kanila.
"Eh bakit ba kasi hindi mo na lang tinanggap yung offer ng dad mo na mag-aral dito sa Universidad, eh di sana hindi ka ipapakasal sa taong hindi mo kilala." Ani pang Elia na may hawak pang mga papers, "Eh di sana sabay tayong pino-problema ang mga thesis at projects natin, hahahaha." Natatawa pang saad nito sa monitor.
"Oh, shut up Elia, hindi nakakatuwa ang mga thesis at projects!" Frustrated na ring wika ni Luna and banged her head on her table.
Napabuntog-hininga na lamang si Savannah, siguro nga tama sina Elia at Luna, kung tinanggap lang nya ang offer ng dad nya na mag-aral sa Universidad de San Lazaro, eh di sana ka-batch pa nya ang dalawang ito.
"Okay, enough for this night. Tapusin nyo na ang mga homeworks nyo. I'll just call you on your vacant time." Pagpapaalam nya sa dalawa and cut the line. Agad syang humiga sa kama and thought about her dad's offer a hundred times.
~*~
"Kailangan ko pang mag-ipon." Napabuntong-hininga si Lucas habang nakatingin sa perang hawak nya. Isang buwan na lang at pasukan na pero siyam na libo pa lang ang naiipon nya. Kailangan pa nyang bumili ng bagong uniporme at mga kagamitan sa pasukan.
Ilang beses na syang nag-apply bilang scholar sa school na pinag-aaralan nya pero talagang nauubusan sya ng slots. Pahirapan talagang makakuha ng slots dahil na rin sa sampung estudyante lang ang tinatanggap nilang scholar every school year at kadalasan pa nilang kinukuha ay yung mga freshmen. Kaya naman lahat ng pwedeng pasukang trabaho ay pinapatos na ni Lucas para lang matustusan ang pag-aaral. Hindi naman kasi pwedeng i-asa nya sa kanyang mga magulang ang tuition fee nya dahil na rin sa nag-aaral rin ang mga bunso nyang kapatid na sina Martin, Monica at Peter.
Napabuntong-hininga ulit si Lucas at ibinalik ang perang inipon sa kahon na kanyang pinagtataguan. Agad syang napalingon sa pinto ng kanyang kwarto nang marinig nyang bumukas ito at iniluwa nun ang kanyang ina na si Elizabeth.
"Nay, kakauwi nyo lang po?" Agad syang nagmano sa kanyang ina at inalalayan para makaupo ito sa kanyang tabi.
"Oo nak," Napatingin ang kanyang ina sa kahon na nasa ibabaw ng kama, ngumiti ulit sya kay Lucas at hinawakan ang kamay ng anak, "Nak, kamusta ka naman?"
"Okay naman po ako, nay." Nakangiting tugon ni Lucas.
"Nak, tanggapin mo to oh," Agad na iniabot ng kanyang ina ang isang puting sobre sa kanya, "Idagdag mo sa tuition mo." Ngumiti si Elizabeth sa kanyang anak. Hindi naman agad naka-galaw si Lucas dahil sa iniabot ng kanyang inay.
"N-Nay? Naku, wag na po, kina Martin mo na lang po gamitin to." Akma pa nyang isasauli ang sobre sa ina pero agad naman yung ibinalik ni Elizabeth sa anak.
"Nak, tanggapin mo na. Inipon ko talaga yan mula sa pagtitinda ng mga kakanin para maipang-dagdag mo sa pag-aaral." Naiiyak nang wika ng kanyang ina, "Buong buhay mo, tinutulungan mo kami ng tatay mo sa pagta-trabaho para matustusan ang pag-aaral ng mga kapatid mo. Huminto ka pa sa pag-aaral para lang maipagpatuloy nila ang pag-aaral nila. Nak, hayaan mo na akong tulungan ka rin kahit papaano."
"Pero nay…" Naiiyak na ring sambit ni Lucas sa ina, "Salamat po."
"Naku, wala yun nak. Alam ko naman na pinagbubutihan mo ang pag-aaral mo. At kung kailangan mo ng tulong, nandito lang naman kami ng tatay mo eh, hah?"
"Opo nay, salamat po talaga."
~*~
It was 10 in the morning nang bumaba mula sa kanyang kwarto si Savannah para mag-agahan. Napuyat sya sa pag-iisip dahil sa offer ng kanyang ama. And she just remembered na wala namang sinabi ang ama na ipapakasal sya nito sa hindi nya kilala, so maybe, baka sya pa ang maghanap ng mapapangasawa nya.
Naka-purple bathrobe pa si Savannah nang dumalo sya sa hapag-kainan na may nakahanda nang pagkain. She drank from her glass bago kumuha ng bacon at itlog.
"Good morning, Savannah." Bati ng kanyang ama. Napalingon si Savannah sa kanyanga ama na nakasuot ng suits.
"Good morning, Dad. Ngayon ka pa papasok sa work?" Tanong nya sa ama. Dinaluhan ng kanyang ama ang hapag-kainan para kumain.
"Yes, tinapos ko lang yung mga papeles na kailangang pirmahan." Her dad answered back at sinubo ang bacon. Ilang minuto ring nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa para ipagpatuloy ang pagkain.
"By the way, dad. About pala dun sa offer mo kahapon, seryoso ka ba talaga doon?" Tanong pa ni Savannah sa ama.
"Nakapag-isip-isip ka na ba?"
"Dad, hindi ko talaga ma-gets yang pinag-iisip mo. At first, you offered me to go to school, and then biglang you wanted me to get married. Ano ba talaga, dad?"
Napangiti ulit ang kanyang ama at nilingon sya.
"Okay, to make things clear, I want you to get married." Sagot ng kanyang ama. Napakunot-noo si Savannah dahil sa sinabi ng ama.
"To get married? To whom, dad?"
"Well, to someone I know, Hija. And I can see that he's suitable to be your husband."
Hindi na naman mapalagay si Savannah dahil nasi-sense talaga nya sa kanyang ama na seryoso ito at mukhang hindi nya babawiin ang offer sa kanya. She'll turn down the offer or she'll leave the house and live in the condo with an allowance of 5k per week. And she can't live with that lifestyle!
"So, do I have a deadline? Pwede bang pag-isipan kong mabuti yan, dad?" Nagmamakaawa nyang sambit sa ama. Ngumiti ulit ang kanyang ama pagkatapos nitong uminom ng orange juice.
"Yes, of course, sweetheart. Pero I want your answer until Saturday morning, okay?" At pagkasabi nun ay agad tumayo ang kanyang ama at hinalikan ang kanyang noo, "I'll go ahead. May meeting pa akong hahabulin. I'll see you later, okay?"
"Okay dad, take care po."
"Okay, take care rin."
~*~
"So, naisip mo na ba kung anong gagawin mo, Sav?" Tanong pa ni Elia sa kaibigan habang may binabasang papel. Nagvi-video conference na naman sila ng gabing yun. Wala lang talagang mapaglabasan ng frustration si Savannah sa ngayon since malayo naman sina Elia at Luna sa kanya.
"Wala na nga akong maisip eh. Ano na ba ang gagawin ko? Kesa naman kasi maglayas o mag rebelde ako, mawawalan ako ng pera, di ba? 5K in a week? Paano ko yun iba-budget kung in one day nakaka-ubos ako ng halos 50k or higit pa, di ba? I mean, it's a torture for me." Sagot pa ni Savannah.
Oo, morethan 50k in a day pa talaga minsan ang nauubos nya kaya naman malaking torture na sa kanya ang 5k in one week. Ano naman kaya ang mabibili nya sa halagang yun?! Isang damit? Isang pair ng sandals? Isang necklace? Ewan, pero sinabi na naman nya sa kanyang ama na tatanggapin na lang nya ang offer nito na mag-aral na lang sa Universidad ngayong pasukan kahit na sya na ang mag-asikaso ng enrolment nya but her dad already changed his mind and wanted her to get married with someone she doesn't know.
Inaamin nya, she only got one ex. Nagka-boyfriend sya noong 17 years old pa lang and lasted for only one year. Nahuli nya ang ex nyang may kasamang ibang babae na magka-holding hands pa so she confronted him at inamin naman ng dalawa na 7 months na silang mag-on. And that experience got Savannah traumatized about relationships and never got in to it for 3 years. Kaya nga kahit ang dami namang nangliligaw sa kanya, hindi na nya pinansin.
Pero ngayon na her dad offered her to get married, bigla tuloy nyang nalala ang kanyang experience. Napayakap na lang sa kanyang braso si Savannah and sat on her swivel chair at hinarap ang dalawa nyang kaibigan sa monitor.
"Okay ka lang ba, Sav?" Napansin pa ni Luna ang biglang pagtamlay ni Savannah.
"Wala, I just remembered someone." She answered back and sighed deeply.
"Si ano ba yan, yung alam mo na?" Aning Elia. Savannah just nodded and sighed again. Bakit nga nya naaalala yun bigla?
"Alam mo, balita ko, naghiwalay na silang dalawa kasi nahuli ng girl si boy na may ibang kalandian sa club." Pagbabalita pa ni Elia kay Savannah. Hindi naman nakaimik si Savannah.
"Alam mo Elia, tigilan mo na yan. Hindi na interesado si Savannah sa lalaking yun. Ang mas pagtuunan natin ng pansin ay ang problema nitong ipakasal sya sa lalaking hindi nya kilala." Sita pa ni Luna sa isa.
"Hindi naman yan problema kung papayag sya sa kondisyon ng daddy nya. Bakit mo pa pahihirapan ang kalooban mo kung wala ka namang kalalabasan. Your dad left you without a choice kung hindi ay yes. Capital Y E S, yes!" Elia said in a cheerful way.
"Parang tuwang-tuwa ka naman dyan, Elia." Luna said and sighed.
"Pero you should get benefits from that marriage. Since in-offer naman ng dad mo ang marriage sayo, then you should get benefits from that para naman quits, hindi ba?" Elia said again in a cheerful way.
"In short, magpa-pre-nup agreement ka sa dad mo para naman kung sakaling ikasal kayo ng lalaking yun, secured ka na. Akalain mo, Elia, may matino ka rin palang naiisip." Luna said in a mockery tone.
Oo nga noh, bakit hindi yun naisip ni Savannah? Bakit hindi na lang nya gamitin ang marriage to be secured by pre-nup agreement? Papayag syang magpakasal kapag may pre-nup agreement.
"God! Guys, I love you talaga sa inyong dalawa! Bakit ba kasi hindi ko naisip yan? Salamat sa pag-brainstorming for me, hah?" She said happily, "You two are the best!"
"Well, thank you. Yan ang nagagawa ng mga thesis at projects, Sav. Dapat siguro after mong maikasal, you should get back to school." Suggestion ni Luna.
"Oo nga naman, Sav. We really miss hanging around with you kapag school days. Kahit na sophomores na kami sayo, we'll take time para maka-hang out sayo." Elia said na tila sabik na sabik na syang makasama. Napangiti naman si Savannah sa dalawa. She really love this two since Elementary days.
Sa dinami-rami nyang naging friends sa school noong highschool silang tatlo, hindi nawala ang dalawang ito sa tabi nya kahit na minsan ay nagkakaroon sila ng hindi pagkaka-intindihan minsan.
"Thank you talaga, ha?" Savannah said and smiled at the both of them.