Hindi naman kasi akalain ni Savannah na ipapasama sya ng kanyang ama sa kanilang yaya na si Manang Lotty para mamalengke. And guess what, this is her first time going to the market.
"Manang, bakit ba dito tayo nag-go-grocery eh pwede naman tayong sa mall talaga mamili, di ba?" Nasa tono ni Savannah ang pagka-irita at pagiging spoiled brat. Ni minsan ay hindi pa talaga sya napupunta sa ganoong klaseng lugar.
"Sav, mas mabuti kasing dito tayo mamili dahil mas sariwa ang mga gulay at prutas rito kesa sa mall. Pansin mo yung mga gulay at prutas sa mall, kahit malapit nang masira, binibenta pa rin. Kaya dito, mas sigurado kang sariwa." Sagot naman ni Manang Lotty sa alaga.
Manang Lotty is in her mid 40's already at matagal na rin itong naninilbihan sa kanilang pamilya. 10 years old pa lang si Savannah nang magsimulang magtrabaho si Manang Lotty sa kanila. And Savannah loves her so much simula ng mamatay ang mommy niya when she's still 12.
Hindi pa rin maiwasan ni Savannah na mapangiwi sa tuwing dumadaan sila sa kada-stall ng mga prutas at gulay, at sa sahig na medyo maputik.
"Manang, matagal pa ba tayo?" Naiinip nang tanong ni Savannah habang tinitingnan ang paligid na puno ng mga tao. Ang crowded ng palengke at ang langsa pa ng mga karneng binibenta. Ang mga taong namamalengke ay puro T-Shirt at pantalon lang ang suot samantalang sya ay naka-wedge sandals pang puti at kulay yellow na dress.
"Manang, di mo naman sinabina dito tayo mamalengke eh, ayan tuloy, ang off ng damit ko." Reklamo oa ni Savannah sa katulong. Natawa na lang si Manang Lotty sa inasal ng alaga nya habang namimili ng gulay sa isang stall.
Nasa likod lamang ni Manang Lotty si Savannah nang biglang may bumangga sa kanya dahilan para muntik na syang mapa-upo.
"Aray naman!" Alma ni Savannah at napatingin sa bumangga sa kanya.
It's a tall man na may kargang isang basket ng gulay, nakahubad ang pang-itaas nitong damit at may nakataling puting tuwalya sa may noo nito. Ang hindi inasahan ni Savannah ang pag-tighten ng biceps nito habang buhat-buhat ang kargang gulay na nasa may balikat nito. Pawisan na rin ang upper body at hindi mapigilan ni Savannah ang mapalunok.
"Sorry miss." Baritonong paghingi ng pasensya ng lalaki kay Savannah. Pero bumalik ang ulirat ni Savannah nang marinig nito ang boses. Napatingin sya sa kanyang yellow dress and it made her fuss, eh pano naman kasi nadumihan ang damit nya!
"Anong sorry?! Did you see? Nadumihan ang dress ko!" Halos pasigaw nyang wika sa lalaki.
"Sorry nga, hindi ba? Kung hindi ka lang humarang sa daan, eh di syempre hindi ka madudumihan."
Sagot pa ng lalaki sa kanya.
"Excuse me, bulag ka ba?!" Ani pang Savannah.
"May common sense ka ba, miss? Humaharang ka sa daan eh!" Naiirita pang sagot ng lalaki.
Napa-nganga pa si Savannah dahil sa sagot ng lalaki. Ang arogante!
"Lucas, tara na. Kailangan na ni Aling Bebang itong mga gulay." Tawag pa ng isang lalaki sa kaharap ni Savannah. The guy hissed at her bago umalis, ang tanging nagawa lang ni Savannah ay sundan ng tingin ang lalaki habang nakanganga dahil sa inasta nito towards her!
"Sav, tara na para makapag-luto na ako ng tanghalian." Tawag ni Manang Lotty sa kanya. Napasimangot na lang si Savannah habang nakasunod sa kanyang katulong.
Papasok na ng kotse si Savannah nang mapansin nya ang kotse ng kanyang ama sa di kalayuan. She twitched her brows dahil hindi naman nya akalaing magagawi sa ganoong lugar ang dad nya. At ang paalam ng kanyang dad sa kanya ay may imi-meet itong importanteng tao.
"Manang, may sinabi ba si Dad kung saan sya mismo pupunta para i-meet yung importanteng tao na sinasabi nya?" Tanong pa ni Savannah habang nakatingin sa sariling phone at i-dial ang number ng kanyang dad.
"Hah, wala naman syang sinabi. Wala ba syang sinabi sayo?" Balik na tanong ni Manang sa kanya. Umiling-iling naman sya.
"Nakita ko kasi ang sasakyan nya sa likod banda, and I am sure that it is his car." Wika pa nya. Pero hindi nya ma-contact ang kanyang dad and she don't know why.
"Alam mo, itanong mo na lang yan sa dad mo mamaya kapag nakauwi na tayo. Ano ba ang gusto mong kainin?"
"Kahit na ano lang, manang, basta luto mo." She smiled at her.
"Okay."
~*~
"Anong plano mo pre?" Tanong pa ni Aaron kay Lucas habang nagbababa ng mga basket ng gulay mula sa truck na kararating lang mula Baguio.
"Anong 'Anong plano?' ang sinasabi mo?" Ani pang Lucas na ibinabagsak naman ang mga basket sa maputik na daan ng palengke.
"Plano, kung tatanggapin mo ba yung alok na sinasabi mo mula doon sa mayamang lalaki." Sagot pa nito sa kanya.
Napa-buntong hininga si Lucas habang inuunat ang katawan mula sa pagbubuhat ng mga mabibigat na basket ng gulay. Napahawak naman sya sa kanyang baywang at pinunasan ang pawisan nyang noon.
"Ayoko, kung tatanggapin ko yun, eh di parang binenta ko na rin yung dignidad ko." Sagot pa nya sa kabarkada at ipinagpatuloy ang pagbubuhat ng mga basket.
"Eh pre, kung tatanggapin mo yun, makakapag-patuloy ka sa pag-aaral mo, may posibilidad pang makapag-aral ka ng pag-a-abogado. Eh di mai-aahon mo na rin sa kahirapan ang pamilya mo." Wika pa ni Aaron na ngayon ay nakababa na ng truck. Naibaba na kasi lahat ng basket mula sa truck.
"Kahit na sabihin mo pang may posibilidad ngang mai-aahon ko sa kahirapan sila nanay, kung dignidad ko naman ang kapalit, wag na lang. Ga-graduate na lang ako na mula sa pinag-hirapan ko." Matigas na sagot ni Lucas sa kaibigan. Napailing-iling na lang si Aaron dahil sa kanyang sinabi.
Nang matapos silang dalawa sa paghahakot ng mga basket papunta sa pwesto ni Aleng Bebang, binigyan sila nito ng 600 pesos para sa pagbubuhat.
"Salamat po Aleng Bebang." Ani Aaron at tinanggap ang 600 pesos mula kay Aleng Bebang.
"Naku, salamat rin sa inyo, sa susunod na naman, ha?" Nakangiting-saad ni Aling Bebang sa kanilang dalawa. Ibinigay naman ni Aaron kay Lucas ang tatlong daang piso para sa serbisyo nya.
Naglalakad na silang dalawa papunta sa isang tindahan ng mga kakanin para mag-meryenda nang makasalubong nila si Elaine na may mga dalang paninda. Nakangiti itong lumapit sa kanilang dalawa.
"Uyy, kamusta ang pagka-kargador nyo?" Maaliwalas ang mukha nitong bumabati sa kanilang dalawa.
"Ayos lang, binayaran na rin kami ni Aleng Bebang. Mamaya pupuntahan na naman namin si Aleng Gina para maghakot ng mga gulay nya." Sagot pa ni Lucas na nakangiti rin.
Naramdaman naman niya ang pagsiko ng kabarkada nya sa kanyang tagiliran na sa tingin naman ni Lucas ay nanunukso na naman sa kanya.
"Ay, nako Elaine, nag-meryenda ka na ba? Sabay ka na sa amin ni Lucas, magmi-meryenda kami dyan kay Nanay Soleng." Anyaya pa ni Aaron sa dalaga, "Libre ka na ni Lucas." Nakangising saad nito sa dalaga.
Natawa na lang si Lucas dahil sa panunukso ng kabarkada nya. Alam kasi nito na napupusuan nya ang naturang dalaga, si Elaine Santos. At siguro naman ay nararamdaman yun ng dalaga.
"Naku! Hindi na, ako na ang magbabayad sa kakainin ko. Alam kong mas kailangan mo ng pera ngayon Lucas kasi malapit na ang enrolment kaya kailangang magtipid." Ani pang Elaine.
Alam ni Lucas na naiintindihan sya ni Elaine pagdating sa libre. Sabihin man ng iba na sya ay kuripot ay wala na sya roong pakialam. Malapit na ang pasukan para sa 3rd year kaya naman todo kayod sya sa pagta-trabaho bilang kargador sa palengke at barista naman sa isang coffee shop sa gabi.
Third year na sa Accountancy si Lucas at kahit na 25 years old na sya, pinipilit pa rin nyang mag-trabaho habang nag-aaral. Gustung-gusto nyang makapag-tapos ng pag-aaral para makatulong sa pamilya at kung papalarin naman syang makatapos ay mag-a-abogasya kung pahihintulutan ng Maykapal.
Sa ngayon ay walang nobya si Lucas, pinagpapaliban muna nya ang pag-ibig dahil na rin sa kanilang sitwasyon. Pero hindi naman lingid kay Elaine na napupusuan sya nito.
"Ay, oo nga pala, pupuntahan ko muna si Joanna, nakalimutan ko palang magpapasama yun sa akin." Pag-papaalam pa ni Aaron sa kanilang dalawa, "Oh, pano ba yan, mag-date muna kayo ha, aalis muna ako." Agad namang umalis si Aaron at naiwan silang dalawa.
"Pano, tara?" Anyaya ni Elaine.
"Sige, tara." Sang-ayon pa ni Lucas at agad silang naglakad papunta sa isang kainan.
~*~
"Hi dad!" Agad na bati ni Savannah sa kanyang daddy na ngayon ay nakaupo sa long table habang may mga papeles sa harapan nito. She walked closely to her dad kissed him on the cheek, "By the way dad, where have you've been? I just saw your car sa palengke kanina ah."
"Oh, I just met someone there." Sagot ng kanyang daddy and flipped the page of the newspaper that he is reading, "You know, someone important."
Napakunot naman ng noo si Savannah because of this 'Someone important' na sinasabi ng kanyang daddy. And who's this important person na kahit sa palengke ay talagang kikitain nya? She's really curios!
"And who's this 'Someone important' ba dad na kahit sa ganoong place ay pupuntahan mo?" She adjusted herself on the chair beside her dad. Nagsisimula nang mag-hain ng tanghalian ng mga oras na yun ang mga katulong, "And I'm curious, dad."
Nakita pa ni Savannah sa kanyang peripheral view ang pag ngisi ng kanyang ama at dahil doon ay napatingin sya rito.
"That's weird, Dad. What is it?"
"You're 20 already Savannah, are you sure you don't want to go to college?" Tanong pa ng kanyang ama.
Napakunot-noo naman si Savannah dahil sa sinabi ng kanyang ama.
"Seryoso, dad? Di ba napag-usapan na natin ito?"
"Yes, napag-usapan na natin but I don't remember na I agreed." Her dad smirked at her. Mukhang ayaw ni Savannah sa usaping ito.
"But dad…"
"Iba pa rin yung college degree holder ka, anak. Ang gusto ko ay ang mag-aral ka."
"Pero dad, you really knew what I wanted, right?"
Napakamot pa ang kanyang ama sa batok nito and sighed. Her dad can't force her to go to school. Savannah wanted to go to school naman talaga pero ayaw syang payagan ng dad nya na mag-college abroad. May iba ngang parents na gustung-gusto na mag-aral ang mga anak nila sa ibang bansa but her dad is exceptional. Kaya naman 2 years na syang tengga dahil ayaw nyang mag-college dito.
"At isa pa dad, you really knew I wanted to go to college pero ayaw mo kong payagan. Pumasa na ako sa Princeton, pumasa na ako sa mga schools sa US but you don't want me to go kaya nga hindi na ko nag-aral, right." Dagdag pa ni Savannah, "And to think na kaya mo namang bayaran ang tuition at pag-i-stay ko roon sa ibang bansa pero ayaw mo eh."
"Savannah…" Napabuntong-hininga ulit ang kanyang ama, "Okay, fine. Why don't you get married?"
Nagulantang naman si Savannah dahil sa sinabi ng kanyang ama! Get married?!
"What?! Dad, seriously?!" Gulat ang gumuhit sa mukha ni Savannah nang tingnan nya ang kanyang ama. Nakangiti lang ito sa kanya na tila ba hindi yun isang napakalaking bagay for her!
"No, you're just kidding, right?!"
"Seriously and I am not kidding." He said at uminom ng orange juice.
"B-But, to whom, dad?! Wala naman akong boyfriend, and wala naman akong napupusuan! And if you really wanted me to go to school, fine! Payag na ako na dito na lang ako mag-aaral, but please! To get married?!"
"You know what, Hija, nagbago na nga ang isip ko. I want you to get married or else I'll cut your credit cards and freeze your bank accounts. And you'll live in a condo with an allowance of 5 thousand a week."
Mas lumaki pa lalo ang mga mata ni Savannah dahil sa sinabi ng kanyang ama! Seryoso ba talaga sya?!
"Okay, think again. Aalis muna ako, may meeting ako together with the Eight Towers Company." Tumayo na ito and kissed her cheek, "Pag-isipan mong mabuti."
"But dad! Are you throwing me out of this house?!"
"If that's what you are thinking then yes I am!" Tumatawa pa itong lumabas ng bahay.
Naiwan na lang tulala si Savannah sa mesa, thinking why her dad did that.