Chereads / The Bloodthirst (Tagalog) / Chapter 8 - Chapter 8- the mad scientist

Chapter 8 - Chapter 8- the mad scientist

*Eryck's POV*

Weekend at walang pasok nagluluto ng agahan ang dalawa at ako naman na kagigising lang e in-on ko ang tv para manood ng paborito kung show..

Ayan nagsisimula!!!

Ng biglang nag flash at nagging news..

Lumapit ako sa tv at nagreklamo..

"WHAT THE!!! KUNG KAILAN MAGSISIMULA NA EH!!"

"ano bang sinisigaw sigaw mo jan kuya? Kay aga aga eh!" reklamo sa akin ni Sandy

"tignan nyo o pinalitan nila yung gag show ko!!" sigaw ko sa kanila

'may natagpuan na naming isang bangkay ang mga police sa isang bakanting lote kung saan pinaniniwalaang ang may gawan nito ay isang bampera isang babaeng istudyante ang natagpuan at ang pangalan nya ay –' sabi sa balita

"kuya sa tingin ko kailangan na nating kumilos" sabi ni Sandy

Tumango lang ako habang tutok pa rin sa balita

Pangalawang biktima kailangan na itong maresolbahan...

"another one?" tanong nung babae

Lumingon naman kami sa kanya

"yeah, kailangan mong magiingat simula ngayon wag mong kalimutan yung pabango pag magtatrabaho kana" tumayo na ako at pumunta sa kwarto para magbihis

Nakabihis na ako at tangkang aalis na..

"san ka pupunta?" tanong nung babae habang hawak ang isang plato na walng laman

"lalabas lang ako sandali" sabi ko sa kanya

Binuksan ko na ang pinto

"oo nga pala Sandy ikaw na muna bahala sa kanya habang wala ako samahan muna sya sa restaurant hanggang pauwi ok" utos ko kay Sandy

"ok ako na ang bahala sa kanya"

"magiingat ka" sabi nung babae na para bang alam nya ang gagawin ko

Napangisi naman ako sa sinabi nya at lumakad na

Kinuha ko cellphone ko at tinawagan ko ang lalaking may salamin..

Ilang Segundo e sinagot nya na..

'hello sino to?' tanong nya

"ah ako to, ako" sarcastic kung sabi

'IKAW? Panong nakuha mo no. ko!?' sigaw nya sa telepono kaya nilayo ko ng kaunti sa tainga ko

"ako to eh.." sarcastic ko paring sabi

'naha-highblood ako sayo e, ngayong tinawagan mo ako sa tingin ko nabalitaan mo na?' tanong nya

Biglang naging seryoso usapan naming dalawa

"yeah, so anong sitwasyon?" tanong ko sa kanya " wala ba kayong lead?"

' so far wala pa, walang bakas ang iniiwan eh kaya hindi naming matrak kung asan' sabi nya

"hoi,hoi diba mga aso naman kayo bakit hindi nyo amoy amoyin ng mahanap nyo?" sarcastic kung sabi

'KUNG MADALI YON! EDI SANA NAHANAP NA NAMIN!! AT ISA PA HINDI KAMI ASO OK!!' sigaw nya naman

"bakit hindi tayo magtulungan?" sabi ko sa kanya

'kahinahinala ka ha, at a-ano naman ang kapalit?' tanong nya

"wala lang basta ba alisin nyo nakami sa mga suspect nyo, at isa pa gusto kung kumpirmahin kung sino ang may gawa ng mga to syempre makakasira to sa contrata eh" sarcastic ko paring sabi sa kanya

'hindi kapapaniwala galing sayo, dahil sa pagkakaalam ko wala kang pakialam sa mga ganito, sige payag ako ano naman ang bitbit mo jan?' tanong nya

GOTCHA!

"simply lang sa isang pipitsuging bampera eh madali lang mahanap, kapag najan si haring araw ay hindi sila lumalabas at hulaan mo kung asan sila nagtatago?" tanong ko sa kanya

'simply lang sa isang madilim na lugar... wait! Wag mong sabihing....!' Sabi nya

I guess he already figured it out..

"simply lang diba common knowledge lang tungkol sa mga bampera hindi nyo pa mahulaan matatalino ba talaga kayo? Anyway nasabi ko na sayo kaya ikaw na ang bahala.. balitaan mo nalang ako pagnahuli nyo na..

sige bye" sabi ko sa kanya magsasalita pa sana sya pero tinapos ko na..

Ngayong natapos na yung isa kailangan ko na namang taposin ang ikalawa...

Sa isang abandonang ospital...

Naglalakad ako sa isang madilim na halway hanngang sa may nakita akong may ilaw na room at pumasok ako...

"hoi sira kung kuya" sabi ko salalaking nakasuot ng maputing kappa at may hawak na papel at panulat habang may tinitignan sa malaking malaking cylinder na puno ng tubig at may kung anong laman

"oh~ napadalaw ka ata rebelde kung kapatid? Wag mong sabihing namiss mo na ang kuya mo" sabi nya sabay harap sa akin

Biglang kinilabutan ako sa mga sinabi nya

"eww..can you please stop that nakakadiri ka" sabi ko sa kanya na diring diri

"why? Nakalimutan mo nab a nung bata ka pa palagi kang pumupunta sa lab ko dahil namimiss mo ako" sabi nya "ahh~ nong mga panahon na yon ang cute mong tignan bumabalik tuloy mga alaala na yon" sarcastic nyang sabi

Namumula naman ako sa hiya at pikon..

"PWEDI BA WAG MO NANG PAGUSAPAN ANG NAKARAAN!!" sigaw ko sa kanya

"this is the first time you came here why don't we have a toast?" sabi nya

"no thanks" sabi ko

"*sigh* so anong kailangan mo?" sabi nya sabay tingin ulit sa malaking cylinder

"alam mo naman kung anong kailangan ko diba? Yung mga bamperang yun ikaw may gawa nun diba?" mapambintang kung sabi sa kanya

"wala akong alam sa pinagsasabi mo.." sabi nya habang nagsusulat

"don't play dumb! Ito lang ang sasabihin ko sa'yo tigilan mo na ang mga kababalaghang pinagagawa mo.." may pagbabanta kung sabi "yun lang.." tumalikod na ako at aangkang hahkban pero nagsalita sya ulit

"hindi ba ito dahil sa babaeng yun?" sabi nya

Napahinto ako..

"I know about her, and what is she" sabi nya

"wala akong alam sa pinagsasabi mo" at lumakad na

Pero may pahabol sya..

"be careful from her and your surrounding" pahabol nya

"heh~ ilang taon nab a ng huli kung marinig yan tungkol sayo? Wag ka ngang mag asal kuya pagkatapos ng lahat ng ginawa mo..." sabi ko sa kanya at umalis na

Kinikilabotan talaga ako pagpumupunta ako sa lab ng baliw nayun...nakakapanindig balahibo..

Yung sinasabi nya kanina talaga bang alam nya lahat tungkol sa babaeng yun... o nagsisinungaling lang sya? Ugh! Hindi ako mapakali!!

Alam nya ba talaga?!

Naglalakad na ako ngayon..

Its not good to think it too much... malalaman ko din naman kahit walang tulong nya eh... wala syang pakinabang hindi ko sya kailangan...

Ngyong tapos na ang trabaho ko dito.. hindi kaya oras na para tumawag ang lalaking nakasalamin na yun..

Hindi nagtagal eh nagring ang cellphone ko..

Speak of the devil..

"hello" sabi ko sa cellphone

"nahuli na namin" sabi nya

"ang bilis ah~"sarcastic kung sabi "so asan na kayo ngayon?"

"nandito kami ngayon sa police station sa underground" sabi nya

"ah ok sabihin mo lang sa kanila papasukin nila ako" sabi ko sa kanya

"ano bang sinasabi mo jan, hindi ko pweding papasukin ang isang civilian na katulad mo ng ganon ganon lang" sabi nya

"oi.oi ano bang sinasabi mo jan tinulungan ko kayo diba? kaya hindi lang ako basta bastang scivilian lang. isa ako sa romesolva ng kasong ito mas malaki pa nga ang parte

ko rito ah"

"sabi ko na nga ba eh may iba kang motibo para makipagtulungan sa amin!!" sabi nya sa kabilang linya na parang naiinis

"well..well wag ka ngang magsabi ng ganyan wala naman akong balak na masama eh.. may itatanong lang ako sa isang yan. Kaya papasukin mo na ako jan" sabi ko sa kanya

Ilang segundong katahimigan....

"hindi kita mapagbibigyan sa hinihiling mo.. dahil kahit na gusto ko pa mang makapasok ka dito, eh wala sa akin ang desisyon kaya hindi pwedi..." sabi nya

Well siguro may punto sya...

"well wala akong magagawa sa tingin ko natanong nyo naman sa kanya lahat eh.. kaya hindi ko na kailangang pumunta jan sabihin mo na lang sa akin kung sino ang may utos

sa kanya" sabi ko sa kanya

"ok.. isa tong tagong info. Pero sasabihin ko sayo kapalit ng pagturo mo sa amin.. ito lang ang sinabi nya walang nagutos sa kanya sya lang ang may kagustuhang gawin

yun"sabi nya

"so sinasabi mo bang hindi sya galling sa amin?"

"masasabi kung ganon nga dahil inamin nya rin na ipinagmamalaki nyang taga CARACAS clan sya" sabi nya " kaya wala kanang aalahanin pa na baka masira ang contrata"

"I see" sabi ko

Wala naman akong pakialam don eh

"isa na lang bakit sya nandito sa city na to?" tanong ko sa kanya

"ito talaga ang hinihintay kung itanong mo, makinig ka ng mabuti dahil sa tingin ko may kinalaman dito si Cindy"

Naalerta naman ako

"sabi nya 'I just follow a sweet smell that's lingering around here but unfortunately nawala ang amoy nya, na para bang isang marihuana na hindi mo titigilan pag

nakainghip kana' para syang adik nung sinasabi nya yun, what do you think ganon din ba amoy ni Cindy?" pagpapatuloy nya

"hmm... bilang isang bampera na katulad nya masasabi kung ganon nga ang amoy nya" diretso kung sabi

"ANO?! KUNG GANON LUMAYO KANA SA KANYA HABANG MAAGA PA BAKA KUNG ANONG GAWIN MO SA KANYA A~" sigaw nya pero pinutol ko sya

"alam kung sasabihin mo yan, pero bilang isang Pantemore na hindi mahilig sa dugo eh hindi ko ikababaliw yun" sabi ko sa kanya

Ilang segundong katahimigan

"I can trust you right?, dahil kung hindi..." sabi nya

"oo na kaya sige salamat na lang sa impormasyon sige bye.." sabi ko

Alam kung magsasalita na naman yun kaya pinutol ko na ang linya at nilagay ko na cellphone ko sa bulsa ko..:mabas... anong oras na ba? 11:25.. hmm makakain nga sa resto~.

Sa police stationsa underground..

"huli na kayo dahil papadating na sila" mumbled by a guy who's in prison cell as he laugh really hard like he was a mad man..