Chereads / The Billionaire's Adopted / Chapter 5 - 5 Etiquette

Chapter 5 - 5 Etiquette

[Roman POV]

Inimbitahan siya ngayon gabi ng mga magulang niya sa munting salo-salo sa isang restaurant. Kakauwi lang ng mga ito galing Milan at gusto din makita silang magkakapatid. Siya at ang nakakabatang kapatid niya na si Dylan.

"It's a miracle na sumabay ka sa amin ng mama mo mag-dinner."

"Right, it is a miracle. Where's Dylan?"

"May importante siyang meeting kaya 'di siya makakapunta. That's okay dahil nandito ka naman para samahan kami ng papa mo." Masayang sabi ng mama niya.

"So sa tagal namin sa ibang bansa, how's your work?"

"Still busy as always, so many things to be fixed." Lalo na sa ginawa ng isa sa kanyang mga tauhan.

"Yeah, we heard that news while we're at Milan. May ginawa palang hindi kaaya-aya ang isa sa mga empleyado mo. Tinanggal mo na na siya?"

"No, not yet." Papaano niya tatanggaling sa trabaho na ang laki ng pagkakautang iyon sa kanya at kung gagawin naman niya iyon, paniguradong magtatago iyon sa kanya. He can't say to his parents the real reason baka mangialam pa.

"Why not? Kahihiyan na nga siya sa balita at sa kompanya ayaw mo pag alisin."

"I know that, pa. Don't worry, ako na ang bahala diyan."

"Be sure na gagawan mo agad ng paraan iyan. The more na patatagalin mo iyan, tatambak na naman ang traabaho mo."

"I can handle everything, ma, so stop worrying about it."

"Roman, your mother is just concern about you. You've done so many to exceed your goals. Gusto lang namin na makita ka na magpahinga rin at hindi inaalala ang trabaho."

Oh, boy. Here we go again.

"We want to see you having a good time. Magpabakasyon ka muna. Go somewhere na hindi iniisip ang trabaho. Much better na it's it time to settle down. Magasawa ka na para mat makasama ka habangbuhay para maging mapayapa na ang buhay mo."

"Ma, iyan na naman ba?" kaya nga ayaw niyang pumupunta sa ganitong gathering dahil pini-pressure siya na makahanap ng mapapangasawa. Hindi sa ayaw niya, wala siyang oras para diyan.

"Then, how about Dylan? Siya na lang kaya ang kulitin ninyo na magasawa?"

"Dylan just turned twenty-eight but you, Hijo? You're thirty-five!"

"So?"

"Nagsisimula pa lang ang kapatid mo sa mga businesses niya pero sa 'yo, nakuha mo na halos lahat. Kalian ba naming makikita ng papa mo na maikasal ka at makikita ang future apo namin?"

"Matanda na kami ng mama mo, hijo. Kaya hanggang buhay pa kami. Dapat makita na namin ang apo namin, 'di ba?"

"Sinabi ko na nga po na wala pa sa isip ko ang mga iyan. Our company is more important than finding a woman who I will marry and bear you grandchild." Insist niya sa magulang.

"Well, kung paghihintayin mo naman kami ng mama mo, why don't you find a woman and get her pregnant?"

Nagulat sila sa sinabi ng papa niya. "Pa! What are you---?!"

"Hon! Why did you say that?! Really? Is that your idea?!"

"Okay! I'm sorry I said that. Ano pa ba ang sasabihin ko? Gusto ko lang naman magasawa na si Roman at mabuhay ng matiwasay. Baka ang babae na iyon ang makakatuluyan pa niya at bibigyan na nila tayo ng apo." Rason nito.

"Ikaw talaga! Ayoko ng ganyan. Kailangan may maipakilala siya sa ating dalawa. Hindi ba, we want a woman na may pinagaralan, lumaki sa desenteng pamilya, mabait at marespeto. Tumigil ka sa pagsasabi mo diyan."

"Sorry na nga, hon."

Ganito ba ka desperado ang mgha magulan niya para magasawa na siya? Yes, he's thirty five years old and it is a good time to get married and start a family. Pero kung hindi naman niya ito gagawin, hinding-hindi siya titigilan ng mga magulan niya. But as what his father's suggested, why not? He thinks that's not a bad idea. Kung tatahimik lang ang mga magulang niya, He will take that as consideration.

[Alana POV]

Ilang araw na ang lumipas sa bago niyang tahanan, nami-miss na niya ang isla. Doon, kahit anong oras pwede siyang lumabas para gumala, mamasyal kahit saan at maglaro sa dagat pero ditto, kahit pumunta lang siya sa garden kailangan pa niyang ipaalam sa katulong. Kaya ditto na lang siya sa kwarto buong araw. Wala siyang masabi na msasama sa pagaala sa kanya ditto. Bago pa sa kanya ang mga pagkaing inihahanda sa kanya pero masarap. Malamig din sa kwarto niya sahil sa walang tigil sa pagpapaandar ng air conditioner. Ang makakapagpasaya lang sa kanya ay ang mga laruan gaya ng mga teddy bear at kinakausap ang litrato ng yumao niyang ina. Ilang araw na din niyang hindi umuuwi ang ama. Nasaan na kaya ito? Masyado ba itong busy sa trabaho? Ang pangako nito noong nakaraan, may pupuntahan sila at bibili ng mga bago niyang gamit.

Narinig niya ang katok sa pinto. Agad siyang bumangon sa kama at pagbukas niya ng pinto, isang babae ang nasa harapan niya. "Bakit po?"

"Pwede ba pumasok, Alana?"

"O-opo. Pasok po kayo."

Pumasok ito at umupo sa kama. "Ako pala si Miss Hazel. Pinadala ako ng papa mo para samahan ka sa pagsho-shopping."

"Shopping?" ang ibig sabihin mamamasyal sila?

Tumango ito. "Yes. Bibili tayo ng mga damit, sapatos, bags at kahit anong gusto mo. Pupunta din tayo sa salon para ayusin ang buhok mo."

"Talaga po? Eh si papa po sasama ba sa atin?"

"Hindi Alana, eh. Pero don't worry, kahit hindi kasama ang papa mo, I'm sure mage-enjoy ka sa pagsho-shopping natin. Bukas naman, tuturuan naman kita ng mga bagay gaya ng basic manners, konting kaalaman papaano kumausap sa ibang tao at mga basic learning in case babalik ka na sa pagaaral. So, ready ka na ba?"

"Sige po. Magpapalit lang po ako ng damit."

Pagkatapos niyang magbihis, agag siyang sumakay sa kotse kasama si Miss Hazel.

Napamangha siya sa sobrang taas ng mga gusali, kadami-daming sasakyan at sa dami ng tao. Dinala siya sa isang pamilihan na sobrang ganda. Sabi ni Miss Hazel, ito daw ay tinatawag na shopping mall. Dito daw makikita ang lahat ng kakailanganin nila. Pagpasok niya, sobrang magara at maganda kahit saan man siya tumingin.

Dinala siya nito sa isang salon. Inayos ang kanyang buhok dahil hanggang tuhod ang taas, pinuto ito hanggang sa likuran. Sobrang lambot hawakan ang buhok niya. Tapos dinala naman siya sa isang shop na may maraming damit. Pinapili siya kung ano ang gusto niya pero dahil first time niya sa lugar na 'to, medyo hindi siya makapili kaya ito na mismo ang pumili para sa kanya. Nagugustuhan din naman niya ang pinipili sa kanya lalo na kung kulay pink.

Sumunod na araw, sinimulan na siyang turuan ng mga bagay gaya ng papaano ang umasta sa harap ng tao, papaano gumamit ng kobiyertos sa hapagkainan at iba pa. tinuruan din siya ng konting English. Alam naman niya ang ibang salita pero sa tinuturo ni Miss Hazel, nahihirapan siyang tandaan lahat. Grade six lang kasi ang natapos niya kaya nahihirapan siya. Pero, kailangan din niyang gawin ang makakaya niya. Wala na siya sa isla at desisyon niya na sumama sa papa niya. Kung gusto niya makapagtapos ng pagaaral gaya ng gusto ng kanyang mama para sa kanya, gagawin niya.

TO BE CONTINUED...