Chereads / The Billionaire's Adopted / Chapter 4 - 4 Acceptance

Chapter 4 - 4 Acceptance

[Alana POV]

"Kukunin ninyo si Alana?!"

Nagpakilala ang lalaking 'to na ama niya. Sa mahabang panahin, nakilala na rin niya ito. Pag tinatanong niya ang kanyang mama tungkol sa ama niya, binabalewala nito ang tanong niya hanggang tumigil na siya sa pagtatanong. Boong buhay pa ang mama niya, hindi ito nagpakita sa kanilang dalawa pero ngayon lang na wala na ang mama niya. Hindi niya alam anong mararamdaman niya sa unang pagkikita nilang dalawa. Parang estranghero lang itong lalaking nasa harapan niya.

"Oo. Wala na ang ina niya at mag-isa na lang siya ditto, napagdesisyunan ko na kunin siya at titira na siya sa akin."

"Sandali lang. Eh, wala naman pong ganyanan na agad-agad kukunin mo sa amin si Alana." Agad na tumutol si Aling Martha. "Buong buhay ni Alana, ditto na siya lumaki at nagkaisip tapos, nalaman mo lang na kakamatay lang ng mama niya, may karapatan ka na na kunin siya?!"

"Ang ina niya mismo ang kumausap sa akin." Sagot nito.

"A-ano?" nakausap nito ang mama niya? Kailan?

"Sinabi niya sa akin bago siya mawala na ipagkakaktiwala na niya sa akin si Alana. Ang anak namin. Pakiusap niya na ibibigay kay Alana ang nararapat sa kanya lalo na ang pagaaral ni Alana."

"Papaano ka naming pagkakatiwalaan? At kung ikaw nga ba talaga ang ama ni Alana, may ebidensya ka ba?" hamon ni Aling Martha sa matanda.

"Ma! Huminahon po kayo." Awat ni Julia sa ina.

"Hindi! Kailangan ko ng katibayan! Papaano kung nagpapakilala lang ito pero sinungaling lang pala."

May inilabas itong malaking envelope at ibinigay kay Aling Martha. Pagbukas nito nagulat sila. May birth certificate at baptismal na nagpapatotoo na ama nga ito!

"Kung hindi pa kayo naniniwala, marami pa akong ipapakita."

"Hi-hindi. Okay na 'to. Sinasabi ninyo na kaya niyong pagaralin si Alana ay mabigay ang pangangailangan niya? Ano po ba ang trabaho ninyo at bakit nagkahiwalay ng mama niya?"

"Isa ako sa mga shareholder ng isang company. Nang ipinanganak ni Theresa si Alana, dahil sa sobrang tutok ko sa trabaho para sa pangangailangan nilang dalawa, umalis si Theresa kasama ang anak naming. Pinakiusapan ko siya na bumalik pero buo na ang pasya ni Theresa na magpagkalayo-layo. Ang tanging maitutulong ko sa mag-ina ko ay sustento."

"Pero, bakit ka pumunta ditto para makita ang mag-ina mo?"

"Dahil kapag ginawa ko iyan, siya mismo ang nagsabi na lalayo ulit siya at mawawala na ako ng komyunikasyon sa kanya. Hindi ninyo kailangan magalala pa kay Alana dahil nasa mabuti siyang kalagayan kasama ko. Gagawin ko ang lahat bilang ama niya at punuin ang pagkukulang ko sa kanya. Mga gusto niyang damit, sapatos, pagaaral at maginhawang buhay ibibigay ko."

"Pero, si Alana..."

"Alam ko na masyado kayong nagalala sa kanya pero dise-otso na si Alana. Hindi ko sinasabi na pinipilit ko siya na sumama sa akin kaya lang, ang ina niya mismo ang kumausap sa akin. Nasa kanya na ang huling desisyon kung mananatili siya ditto o sasama siya sa akin."

"Alana, anong desisyon mo?"

"Huh?" siya? Siya ang magdesisyon? Anong isasagot niya? Maligaya naman siya ditto kasama sila Aling Martha at Ate Jula pero nandito ang ama niya dahil sa kanyang ina. Ito mismo ang kumausap na ang ama niya anaman ang magaalaga sa kanya. Kaya, anong pipiliin niya?

Hindi siya makapagsalita. Nalilito siya sa anong gusto niya. Gusto niya ditto pero mas matimbang ang mama niya. Pag sumama siya sa papa niya, tutulungan siya nito lalo na sa pagaaral.

"Alana, hija? Anong gusto mo?"

Nakapagdesisyon na siya. "Opo. Sasama po ako."

[Alana POV]

Pagkatapos ilibing ang mama niya, oras na para mamaalam.

"Alana, sigurado ka nab a talaga na sasama ka sa papa mo? Pwede ka naman tumira sa amin, eh." Mangiyak-iyak sabi sa kanya ni Aling Martha.

"Mama, huwag niyo nap o lilituhin si Alana. Pero Alana, tama naman din si Mama. Pwedeng-pwede ka sa amin." Sabi naman ni Julia.

Ngumiti siya. "Nakapagdesisyon na po ako. Tiyaka, gusto po ni mama na magkasama kami ulit ni papa. May tiwala po ako sa kanya na papagaralin niya ho ako."

"Ipagdarasal ka namin, Alana. Bumisita ka rin ditto minsan, ah?"

"Opo, Ate Julia. Maraming salamat pos a lahat-lahat."

"Mag-iingat ka, hija."

Niyakap niya ng mahigpit. "Maraming salamat pos a mga tulong ninyo lalo na kay mama. Hinding hindi ko po kayo makakalimutan."

Dumating na ang papa niya na may dalang sasakyan. "Handa ka na? Aalis na tayo."

"Opo. Sandali, kukunin ko po ang mga gamit ko."

"Hindi mo na kailangan magsala ng ano mang gamit. Bibili tayo ng mga bagong gamit mo doon." Sabi nito.

"Ah, si-sige po pero pwede po ba magdala ako kahit isang gamit?"

Pumayag ito. Agad siyang pumasok sa bahay papunta sa kwarto at kinuha sa bag niya ang kaisa-isang litrato ng kanyang ina. Sa tingin niya, ito lang ang pinakaimportanteng bagay na ayaw niyang mawala sa tabi niya.

Pagkatapos lumabas na siya ay niyakap muli sina Aling Martha at Ate Julia niya at namaalam. Pumasok na siya ng sasakyan.

Simula ngayon, magbabago na ang kanyang buhay.

[Alana POV]

Ilang oras ng pagkahaba-habang biyahe, nakarating na rin sila. Hindi niya inakala na ang mga makikita niya sa telebisyon at mga magazines, mararanasan niya mismo! Ang makasakay sa magarang kotse, sumakay sa mamahaling yate at helicopter! Nabigla siya sa mga nangyayari. Ganito ba kayaman ang ama niya?

Dumating sila sa isang malaking bahay. Sobrang magawa at lawak ng lugar. Di gaya sa tirahan ng mama niya na isa lamang bahay kubo. Pagpasok niya, may sumalubong agad ng mga babae na nakasuot ng uniporme.

"Maligayang pagbabalik, Sir Francisco."

"Nakahanda na ba ang kwarto?"

"Opo, Sir. Ihahatis na lang po naming ang pagkain maya-maya."

"Sige." Hinarap siya ng papa niya. "Halika, Alana. Ihahatid na kita sa magiging kwarto mo."

Sumunod siya rito. Pagpasok niya sa kanyang kwarto, nagulat siya sa ganda at laki nito.

"Mamaya, ihahatis ng mga katulong ang pagkain at isusuot mo ngayong gabi. Bukas, sasamahan ka ng sekretarya ko para bumili ng mga gamit mo."

Aalis na ito ng magsalita siya. "Pwede ho ba akong magtanong?"

Tumigil ito. "Ano iyon?"

"Bakit po kayo nagkahiwalay ni mama?"

Ilang segundong tumahimik. "Gusto ko man sabihin pero alam ko na hindi mo maiintindihan. Sa ngayon na wala na ang mama mo, ako naman ang magaalaga sa 'yo. Gaya ng pangako ko sa mama mo, papagaralin kita at ibibigay ano man ang gusto mo. Magpahinga ka na." tiyaka umalis ito.

Binilin man siya ng kanyang ina rito, bakit wala siyang nararamdaman na ama niya 'to? May konting saya ng sa wakas, nakilala na niya kung sino ang ama niya pero parang wala lang. nakakapanikip sa dibdib na may taong gusto man siyang alagaan, hindi pa rin mahihigitan ang pagmamahal ng kanyang ina pero gayunpaman, susubukan niyang ipaglapot ang loob niya sa kanyang ama.

TO BE CONTINUED...