"Life is all about losing friends, the people you know. So, just that you get better at finding the ones worth suffering for."
―Mohit Kaushik
***
HALIYA
Madilim na sa labas. Sa hinuha ko'y malalim na ang gabi. Nagsisisi akong sumama ako sa mga boss ko. Alam kong mali ang sagot pero gaya ng dati, nakuha ako sa tingin ni boss Michonne. 'Yong tinging parang pagmamay-ari niya ang buhay at kaluluwa ko kaya kailangan ko siyang sundin.
Araw-araw ko talagang sinusumpa itong boss ko. Araw-araw ko siyang kinakalbo at sinasampal sa isip ko. Ang sarap manampal ng boss!
Sinubukan kong humakbang para hanapin sina Miss Michonne at Miss Ryanne. Laking gulat ko nang mauntog ako sa isang matigas na bagay. A fiber glass. Umikot ako, para tanawin kung nasaan ako.
I extended my arms to touch a solid object and find where exactly I am standing. Nakapa ko ang isa pang tila pader na fiber glass sa likuran ko.
I'm in a cage? A box? A box made of glass. Nakakulong ako!
Naputol ang binabalak kong basagin ang glass box nang marinig ko ang sunod-sunod na kalabog sa magkabila kong panig. Pagkatapos no'n ay narinig ko ang malakas na boses ni Miss Michonne.
"Help! Get me out of here!" She cried then slammed the fiber glass with her wrist. Nang maaninag ko ito sa gawing kanan ko'y nakakulong din ito sa isang glass box.
What the hell is happening? Oh the hell! Anong na namang pakulo ito ng mastermind? Nagsimulang manlamig ang katawan ko. Ang mga buhok ko sa batok ay nagsitayuan na. Pinagpapawisan ako kahit sobrang lamig.
"Lord, please help us. Please help us." Dinig ko namang sumamo ng mabait na boss na si Miss Ryanne. She's always been good to me. Kalat din sa floor ang kabaitan nito sa mga empleyado niya. She didn't deserve this.
Biglang bumukas ang mga ilaw sa floor na iyon. Hindi ko alam kung saang floor kami naroon. Hindi ko rin alam kung papaano kami nagawang ikulong sa magkakahiwalay na box. Basta ang natatandaan ko pagkasarang-pagkasara ng elevator ay mabilis itong bumagsak pababa. Nang tumigil ito sa pagbagsak ay saka naman umulan ng usok sa loob ng elevator. Hula ko'y sleeping gas iyon.
Then we just woke up inside a cage-like lab rat ready to be skinned.
Nakapatong ang mga boxes kung saan kami nakakulong sa tatlong malalaking inclined plane metals. May nakakabit na malalaking kadena sa harap at likod ng box kung saan kami naroon. Mukhang hihilain kami paatras o paabante. Sa harap ay isang malaking LED monitor na may nakaflash na marka ng kamatayan. Napansin kong sa bandang likuran namin, sa dulo ng malaking plane metal ay may isang malaking rectangular pool.
I knew where we are.
"Boss, w-were on the 18th floor! Nasa excutive suites tayo!" Bulalas ko nang mapansin ko ang istruktura ng buong floor set-up. "Tignan niyo, nasa likod 'yong swimming pool! 18th floor lang ang may ganyang kalaking swimming pool sa buong MOS tower."
My voice echoed in the corners of the room. Mabuti na lang at mga may butas ang boxes kung saan kami naroroon. Nakakahinga pa kami at nagkakarinigan.
"What does this suppose to mean? Anong binabalak saatin ng killer?" Tulirong tanong ni Miss Michonne. Nilingon din nito ang pool na nasa likuran kung saan konektado ang tila runway metal na pinapatungan ng mga boxes.
Natigilan ako sa naisip. Nadoble ang kaba ko nang mapagtanto ang mga posibleng mangyari. "M-maybe the chains would pull us forward or backwards boss? If we're pulled forward, we're safe. P-pero kapag nahila tayo paatras, b-bagbagsak tayo sa swimming pool at posibleng lunurin diyan?"
"Oh God. Please..." nanginginig si Miss Ryanne. Humagulgol na ito sa kinaroroonan habang pinagmamasdan ang bahagi kung saan posible kaming hilain at lunurin.
Sa gitna ng pagtitig namin sa likuran ay nagliwanag naman ang mga ilaw doon. The lights revealed a clear picture of the swimming pool. Hindi iyon puno ng tubig. Infact walang tubig sa loob ng pool.
Napahiyaw si boss Michonne sa nakita pati si boss Ryanne. Maski ako ma'y halos mapatalon sa kinatatayuan nang tumambad saamin ang pool na punong-puno ng naglalakihang ahas.
A pool full of snakes. I shivered. My whole flesh screamed in fear. I can die by just drowning alone. B-but with snake bites? Not just one snake would eat me but more than a hundred. Nanginginig akong napasandal sa may box. Halos maduwal ako sa sobrang takot.
Humahagulgol na sa sobrang takot sina boss Michonne at Ryanne. Hinahabol ko naman ang paghinga ko. A-are we all going to die?
Knowledge is the life of the mind, it is not defined by age but by the head. The screen displayed. Lahat kami'y inalerto ng monitor. Sa tuwing nabubuhay kasi ang monitor ay may namamatay na empleyado.
Siguro'y katapusan ko na. Katapusan na namin.
It's time to bang your head against a fiber wall. We will play a game. This game will be called "Ahead Or Thousand Heads." One step ahead will make you safe, one step backward will throw you to the thousand heads behind you.
You will be given a set of questions. Press the red button found on the right corner of the box if you know the answer. The person who presses the button first will have the chance to answer the question in five seconds.
Nanghina ang kalamnan ko sa nabasa. I was about to go head-to-head with the bosses. Those who's got more experience than I do.
I'm doomed!
Here is the catch! Every correct answer will give you the power to move forward and will give you the power to nominate one of your opponents to move backward. Every wrong answer is automatically a step closer to the snakes -a thousand heads.
Only one survives. Play for your life. The game will begin in two minutes.
Goodluck!
Wala ni isa ang nakaimik saamin. Pare-parehas kaming tulala sa mga kaganapan. Sinasabi ko na nga bang may katumbas na parusa ang maling sagot sa 20th floor kanina. I should have followed my guts. Bosses are not always correct. Sinasabi ko na.
"Whoever wins this," humihikbing sambit ng luhaang si Miss Ryanne. Basa na ng luha ang mukha nito. "Please tell my kids, I love them. Please find my kids and tell them how much I love them."
May kung anong kurot ang sumilay sa dibdib ko nang marinig ko ang hiling ni Miss Ryanne. Uminit ang gilid ng aking mga mata. Humahagulgol pa rin ito kahit na muli nang bumukas ang monitor.
Welcome to "Ahead Or Thousand Heads". Press the red key as fast as you can.
Think.
Answer.
And Live.
Natigilan ako. Pakiramdam ko'y namanhid ang katawan ko sa sobrang kaba. Nababasa ko ang nakasulat sa monitor pero hindi gumagana ang utak ko sa sobrang kaba. Nabingi ako sa malakas na kabog ng dibdib ko. I swallowed a lump on my throat.
Question number one: Per Forbes 2018 Ranking, who is considered as the richest man in the world?
Hindi ko pa man naiisipang pindutin ang red button ay narinig ko na ang tunog ng buzzer sa aking kanan. Mula iyon kay boss Michonne na mukhang desperadang manalo sa larong ito.
She answered, "Jeff Bezos."
Bill Gates ang sagot ko. Pero hindi ako sigurado kung siya pa rin ang pinakamayamang tao sa mundo. Jeff Bezos is the owner of Amazon. Marahil sigurado si boss Michonne sa sagot niya dahil nasa mundo kami ng retail world. She probably must have encountered this many times.
Jeff Bezos is correct. Before you move ahead, mention the name of the person who's moving backward. The monitor asked.
Napalunok ako. Sino bang ipapahamak ng isang kagaya niya kundi ang isang di hamak na tagatimpla ng kape na kagaya ko?
May lungkot na lumingon saakin si boss Michonne. As she opened her mouth, I fell the whole universe fall apart. "I'm sorry Haliya. I h-have to do this." She sniffed and seemed to cry a bit.
Napakapit ako sa fiber glass. Bigla kong narinig ang paggalaw ng malalaking kadena sa likod nito. I was moved backward. One layer behind Miss Ryanne and Miss Michonne. Two more layers and I'm dead. Limang layers kasi ang division ng malaking metal kung saan nakapatong ang boxes. Nasa gitnang layer kaming lahat bago pa man nagsimula ang laro.
Boss Michonne moved forward. Two more answers and she'll be safe.
Halos mangatog ang tuhod ko nang makita ko ang mga nakadungaw na ulo ng malalaking ahas sa may pool. Natuyot ang lalamunan ko sa sobrang nerbyos.
Question number 2: The human body is composed of different skeletal parts. Which is the smallest bone in the human body?
Marahil ay ang sobrang kaba ang nag-udyok saakin para pindutin ang red button. O baka mabagal lang pumindot sina boss Michonne. Napalunok ako. Pagkakataon ko na para sumagot. Kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko ang pagproseso ng utak ko sa kasagutan.
"Stapes!" Natataranta at napalakas na sagot ko.
Isang malaking checkmark ang nagpakita sa monitor bago ako nito tinanong kung sino sa dalawa kong boss ang paatrasin ko. Umiling-iling si boss Michonne. She was giving me a warning stare. Samantalang nakatakip ang mga palad ni boss Ryanne sa kanyang mukha. Nawawalan na ito ng pag-asa.
"Haliya, d-don't you dare!" Banta ni Miss Michonne. Pinanlakihan ako nito ng mata saka inginuso ang nakayukong si Miss Ryanne.
This bitch. Kahit ba naman sa sitwasyong ganito bossy pa rin? Nakuyom ko ang aking mga palad. My chest went up and down. Marahil ay sa naipong sama ng loob sa taong pinagsilbihan ko ng ilang taon.
Those years are over. It's time na ako naman ang sumunod sa gusto ko. Bumuntong hininga ako saka ko sinambit, "Michonne." Walang 'miss', walang 'boss', walang ma'am.
Michonne screamed as the chains pulled her backwards. Ramdam ko naman ang paghila saakin ng kadena paharap. I felt a slight relief. Pantay-pantay na kami. We're on the same layer. Yaman din lang at nasa bingit na kaming lahat ni kamatayan, susubukan kong makaligtas at mabuhay. Para sa sarili ko.
Question number 3: In the world where beautiful stars dwell, there is one scary object that could kill both living and the nonliving. This is a region of space having a gravitational field so intense that no matter or radiation can escape. What is it?
Nagulantang ako nang mabilis na tumunog ang buzzer bago pa man ako makapindot. Naunahan ako ni Michonne.
"Meteorite!" sagot nito habang hinahabol ang paghinga.
Magkaiba kami ng sagot. Hindi rin ako sigurado sa sagot ko pero parang mas tama ang sagot ko.
Isang malaking 'X' mark ang nagpakita sa monitor. Nangangahulugang mali ang sagot ni Michonne. Umatras ang box nito ng isang layer. Nasapo ng mga palad nito ang mukha sa sobrang pagkadismaya.
Steal! The monitor showed.
Tumunog ang buzzer. Kaagad namang nakapindot si Miss Ryanne. She deserved to be saved. She's all but kindness to lowly employees like me.
"Black hole." Mahina nitong sagot.
The monitor displayed a check mark then asked for a name to nominate. Pigil hininga kong hinintay ang babanggitin nito. Umiling-iling ito saka nagsalita. "I'd like to save myself without any guilt. I nominate no one."
"What?" Nagulat ako sa sinambit nito. Ang akala ko'y himdi iyon tatanggapin ng mastermind pero bigla na lang gumalaw paharap ang box ni Ryanne. Two more correct answers and she's safe.
Question number 4: What is as light as the cotton or even a feather but even most men couldn't hold it for more than a minute that easy. What is it?
Unahan kami sa pagpindot. Pero sadyang mabilis ang mga kamay ni Michonne. Nanlaki ang mga mata ng huli. Mukhang nasa dulo ng dila nito ang sagot pero hindi niya mabigkas.
Another buzzer beeped. Nangangahulugang tapos na ang chance ni Michonne para sumagot. Mabilis na umatras ang glass cage nito. She even screamed as she moved backward and saw those venomous creatures crawling almost a meter behind her. Isang maling sagot na lang at pagpipiyestahan na siya ng mga ahas o isang atras na lang.
Hindi natinag ang hiyaw ni Michonne. Kahit na lumabas na sa monitor na pwede nang mag-steal.
I hate riddles. Wala akong idea kung anong sagot sa riddle na 'yan. Mahirap mag-isip sa ganitong sitwasyon. Lalo na kung ang katumbas ay ang buhay mo.
Miss Ryanne pressed the button. Kampante kong hinintay ang sagot nito. I wanted this woman to survive. If only I can save both of us. I need to live. She needs to survive as well for her kids. Pakiramdam ko'y tatlong buhay ang katumbas ng kaligtasan ko -Miss Ryanne and her two kids.
Napalunok si Miss Ryanne bago sumagot. Then she answered, "His breath."
Nang marinig ko ang sagot nito'y doon ko napagtantong tama siya. Man cannot hold his breath easily. The huge check mark confirmed Miss Ryanne's answer. Lumingon ang huli ng may lungkot sa mukha. I saw her desire to survive. Then she uttered, "I nominate no one."
The glass cage moved forward. Isang tamang sagot na lang nito at ligtas na siya. I couldn't object to how the game was running. The person who's the most deserving was winning.
"Hangal ka Ryanne! Hangal ka!" Sigaw ni Michonne sa likuran. May gana pala talaga itong manisi kahit na dehado na siya.
The monitor showed us another question:
Between the numbers 1 and 1,000 inclusively, what digit is the most frequent?
Napaisip ako sa tanong. Ang hirap manghula dahil sa bawal maling sagot ay isang hakbang patungo sa kamatayan. Wala ni isa saamin ang pumindot sa loob ng ilang segundo. Nilingon ko si Miss Ryanne na nakatitig lang din sa monitor.
Isang tunog ng buzzer ang gumitla saaming lahat. Mula iyon kay Michonne. Nakatitig ito sa display habang sumasagot, "One! The answer is one!"
Tumingin ako sa monitor. Wala akong ideya kung ano ang tamang sagot. Riddles and maths are my weakness. Marahil ay mamamatay na ako sa building na 'to.
Nagulat ako nang isang malaking check mark ang nagpakita sa monitor. Then the screen asked for a nominee. Alam ko na kung sino ang hihilain ni Michonne saaming dalawa ni Miss Ryanne.
"Ryanne." Michonne answered firmly.
Napatiim ang bagang ko sa narinig. Wala talagang palalagpasin ang kagaya ni Michonne. Her superiority complex is still intact within her head. I wish I could break them myself.
The earth's population is rampantly growing every day. Which city is currently the most populated city on earth?
Mabilis kong pinalipad ang aking mga palad patungo sa red button. Pero gaya ng dati, naunahan na naman ako.
"China!" Sigaw ni Michonne mula sa likuran. She was catching her uneven breathing.
Isang malaking ekis ang sumulpot sa monitor. Umatras ang box ni Michonne. Muli itong humiyaw sa sobrang pagkadismaya. Isa na lang uli at babagsak na ito sa mga kalahi niyang ahas.
Then it asked for a moment to steal. Pagkakataon ko na para sumagot. Pigil hinga kong pinindot ang button. Naunahan ko si Miss Ryanne.
Alam kong hindi China ang sagot sa katanungan. Ang tanging pinangpipilian ko na lang ay India at Japan. Pero parang may nabasa akong article dati na Japan ang nangungunang most populated city hanggang 2030.
Without a doubt, I answered. "Japan."
Lumundag ang puso ko nang lumabas ang malaking check mark sa monitor. Hindi pa man nagpapakita ang pangungusap na nagtatanong ng i-nonominate ay malakas ko nang binigkas, "Michonne."
Nagulat si Miss Ryanne sa sinabi ko. Inaasahan nitong hihilain ko siya paatras dahil siya ang nangunguna. Pero hindi. Punong-puno na ako kay Michonne. Ito na ang una't huling pagkakataong mamaliitin niya ako.
Hindi makapaniwalang tumitig saakin si Michonne. Sumilay ang takot sa mukha nito nang mapagtantong babagsak na ang glass cage sa pool na puno ng ahas.
My cage moved forward kasabay ng pag-atras ni Michonne.
Isang malakas na hiyaw. Isang malakas na tunog ng nabasag na salamin. Isang nakakabinging sigaw ng kamatayan ang narinig sa buong 18th floor.
Nanginginig ako nang sumilay sa isip ko ang sinapit ni Michonne. Nanghihina ang bawat kalamnan ko.
I killed my boss. I killed her. I killed Michonne.
Humahagulgol na naman sa sobrang takot si Miss Ryanne. Kagaya ko'y hindi na kami halos makahinga sa sobrang kaba. Lalo na't narinig pa namin ang kamatayan ni Michonne.
"M-Miss Ryanne, tell me something about your kids," I asked.
Sumilay ang mga ngiti sa labi ni Ryanne. Nakangiti ito pero bahid sa mga mata niya ang kalungkutan. "Rissel and Monique," she released a laughter, "they're twenty and seventeen. Magdedebut na si Monique ko next month." Then, naiyak ito habang kinukwento ang mga dalagang anak.
"Y-you miss them?"
"Y-yes. I hope I could see them. I hope I could make sure they're in a good place before I die. Pero parang hindi na mangyayari 'yon, k-kasi kasi..." Hindi nito natapos ang sasabihin dahil napahagulgol na ito. May kung anong kirot sa puso ko. I remembered my mom. I missed my mom.
Kasabay ng pag-iyak niya ay lumabas ang katanungan sa monitor:
This is the branch of knowledge concerned with the production, consumption, and transfer of wealth. It also means the condition of a region or group as regards material prosperity.
Wala sa isip kong pinidot ang red button. I know the answer to the question. Pero may isang pitik sa puso kong kailangan kong gawin ang nararapat. Ulila na ako. No one's waiting for me at home maliban sa pusa kong si Snuggly, a stray cat na inampon ko nang mapansin kong pagala-gala ito sa labas ng office. My life was worth three lives.
Someone's more deserving to live.
"Politics." I answered intentionally. Alam kong mali ang sagot ko. Alam kong masasagot ito ni Miss Ryanne. Makakaligtas siya. Uminit ang baga ko. Nangilid ang mga luha sa mata ko nang tumambad ang malaking ekis sa monitor at hinila ako ng mga kadena paatras.
Miss Ryanne answered the question correctly. Isang tamang sagot pa at makakaligtas na siya. Isa na lang.
Hindi ko na mapigil ang pagbulwak ng luha sa mga mata ko. I wish I could save us. I wish. Pero parang ito na ang kapalaran ko. Kailangan kong tanggapin.
Muling nabuhay ang lED monitor. Nagpakita ang sa tingin ko'y pinakahuling tanong.
This is simply defined as the ending. The permanent ending of vital processes in a cell or tissue. What is it?
Mabilis kong hinagilap ang button. This was suicidal, but the greatest form of suicide. At least I'd die saving three lives. I'd die for someone worth the salvation.
I gave a wrong answer, "Love." Napahagulgol ako. Alam kong katapusan ko na. My heart only wished for one thing, "Miss Ryanne, I wish I had the chance to meet your kids. Please give me the right answer to me. All my life, I have been asking myself what's really my purpose? Wala na akong magulang. My fiance ran away with his childhood sweetheart. Niloko na ako ng napakaraming lalaki until I came to a point that I no longer trust no one. Minsan tinatanong ko, why am I living alone? Para saan ang buhay ko?"
"Haliya..." she whispered.
"Please survive. You deserve it. If you make it through, please look for my cat Snuggly and tell her I love her. You know my address. You know where to find her. Please?" I shed tears but sulked in the sound of loneliness in my chest.
Tumango ito. Humagulgol habang tinitignan akong hilain paatras ng mga kadena. Sa oras na masagutan niya ang tanong, katapusan ko na. Only one survives this game.
Steal! The monitor displayed.
Umiiyak na humarap si Miss Ryanne. Halos hindi nito mabigkas ang sagot sa tanong dahil nilalamon ng hikbi ang boses nito. "D-D...death."
There. She answered it. Her glass box moved to the safe zone. Nilingon ako nito saka bumubulong. I read her lips. They were saying "Thank you' while she cried.
Napangiti ako. Nalasahan ko ang pait sa aking lalamunan habang walang tigil sa pagdaloy ang mga luha ko. I got to save someone like Ryanne. I won't regret it.
I closed my eyes as I feel the chains pull me to death. Naramdaman kong nahulog ang glass box. Nabasag ang mga salamin. Natusok ng basag na bubog ang likuran ko. Pinigil ko ang aking sigaw lalo na nang maramdaman ko ang malamig na balat ng mga ahas sa katawan ko.
I felt their fangs against my skin. Sa hita. Sa braso. Sa mukha. Sa leeg. Sunod-sunod. Walang humpay hanggang sa mamanhid na ang katawan ko.
Pinuluputan ako ng malalaking ahas. I choked. My body was numb. The last picture I remembered was the huge mouth of a snake infront of my eyes. I was completely numb before I got swallowed.
###