Chereads / 30 Doors / Chapter 18 - 14th Door

Chapter 18 - 14th Door

"There is no instinct like that of the heart."

-Lord Byron

***

"Satana killed Athena. Satana killed Athena." Kanina pa ako kinukulit ni Rielle sa theory niya kung sino ang pumatay sa nurse. Kahit na ilang minuto na kaming nakaahon sa aquarium at ngayo'y nililibot ang buong floor ng 14th, opisina ng isang recruitment agency na nangungupahan sa MOS tower.

"Okay, I acknowledge that idea that Satana may have killed Athena. For what? Dahil napikon siya sa pang-aalaska niyo about Maddie and Larryson?" I hissed nang mapagsolo kami sa isang meeting room na binubuo ng fiber glass. Walang makakarinig saamin. Depende na lang kung sobrang talino ng killer at nagawa pa niyang maglagay ng surveilance camera o recording device sa room na 'yon.

Hindi mapakali si Rielle. Halos naitukod nito ang kamay sa fiber glass. Ganito ito kapag may instinct siyang ayaw niyang pakawalan sa isip niya. She won't stop until she has proven her guts are real. "Basta. Hindi sa napakababaw na dahilan ang love triangle na 'yan ah kung meron man. But the way Satana reacted yesterday, ramdam kong higit pa sa paghanga lang ang nararamdaman niya para kay sir Larry."

I smirked. Minsan kasi exagerrated si Rielle kung magreact. Pero madalas, napapatunayan nitong tama ang kutob niya. I really do not believe on instinct most of the time. Instincts can be very dangerous. Just like in a gun. The idea can pull the trigger but it is instinct that loads the gun. "Rielle, we can't just blame someone for killing Athena just because they fell inlove with a jerk."

Tinitigan ako ni Rielle. She held both my shoulders. Liquids splattered on her eyes. "Mina, I can feel it. This time hindi ako mali. Nararamdaman kong si Satana ang pumatay kay Athena. There is a voice that doesn't use words. I saw it. I saw that zealous desire in her eyes noong pinag-uusapan namin si Larryson. Napikon siya kahapon sa nurse. Lastly, siya ang isa sa mga kasabay ni Athena sa tunnel."

I leaned back for my surrender. Rielle was compulsive enough to make me pretend I believe her. I sighed deep and said, "Okay, sabihin nating siya nga ang prime suspect for killing Athena. For, possibly mocking her about that shitty love triangle. But can we also put her on the list para sa iba pang deaths sa building na 'to?"

"Nicolla, Vlad, Kid and Satana were the last to exit the tunnel. Posibleng isa sa kanila ang pumatay sa nurse. Posibleng isa din sa kanila ang pumapatay o marahil dalawa sa kanila o silang apat." Rielle confirmed. Sa tono ng boses nito'y sigurado na ito sa suspetsa na binase sa kanyang walang kamatayang instinct.

"Vlad can't do it. I know he won't even if he can." I uttered. "Nicolla can be a killer and so as Kid. Mga bait-baitan pero nasa loob ang kulo. Matagal na dapat nahuli ang killer, kaso hanggang ngayon wala parin tayong ebidensya. Masyado silang malinis magtrabaho.

Parehas kaming natahimik ni Rielle. The room was left mute for several minutes. Marahil ay nag-iisip din ito ng susunod na gagawin. I could suggest that we should kill them before they get us but what if we're about to kill the wrong person?

Isang malakas na kalabog sa pintuan ng coaching room ang pumutol sa usapan namin ng kaibigan ko. Mula sa kabilang dako ng fiber glass door ay tumambad ang seryosong mukha ni Andreas. Nilingon ko ang likuran nito kung nakasunod na naman ang aso niyang si Simond.

No one's behind him. The view made me trust Andreas... a bit. Hindi ko kasi pinagkakatiwalaan si Simond. He's an IT specialist and with what's happened, those who were unfortunately techie cannot be trusted.

Muling kinalabog ni Andreas ang pintuan. The jerk is really impatient. "Open the door!" Pinanlakihan kami ng mata ng lalaki. Seryoso ito at mukhang himalang hindi ito sinapian ng kamanyakan.

Nilagpasan ako ni Rielle. Mabilis niyang tinungo ang pintuan saka hinila ang lock at pinagbuksan si Andreas. Nakahalukipkip itong humarap sa lalaki na tila gustong pumasok sa glass room.

"Anong kailangan mo?" Rielle uttered with sarcasm. Sa tono ng pananalita nito, alam kong nakataas na naman ang kilay niya bilang banta sa kung ano mang balak gawin ni Andreas.

Hindi sumagot ang suplado ngunit manyak na si Andreas. Humakbang ito paharap para dumikit sa nakaharang na si Rielle. Kusang umatras naman si Rielle na mukhang biglang nagkaroon ng allergy sa mga kagaya ni Andreas.

"Nicolla, Vlad, Kid and Satana..." pasakalye nito na labis naming ikinagulat ni Rielle. "These people are the key to finding who the killer is dahil isa sa kanila ang pumatay kay Anthena. You know why?"

"Why?" Rielle and I asked in chorus.

"That nosy nurse was awake almost the entire night. Mukhang may nalaman siya sa kakamanman niya. Athena was not on her normal self the next morning. I noticed pinipilit niyang umastang maayos ang lahat pero napansin kong hindi ito mapakali habang nakamasid saatin." Andreas expressed his point. He seemed to have untangled the ropes. The devil found work for idle hands to do. He had done it too well.

Ngayon, tatlo na kami ni Rielle na nagsususpetsa sa apat na nahuling dumating.

Tumingala ako sa medyo guwapong mukha ng manyak kong kaharap. Matangkad kasi ito. "Ngayon, anong balak mo sa apat na 'yan? Mambubugbog?"

Ngumisi si Andreas. His smirk made me worried. Hindi uubra ang init ng ulo niya para mahuli namin ang mastermind. I rolled my eyes in dismay.

"I'm not the usual warfreak, Mina." Seryosong tugon nito. "Hindi ako mambubugbog hangga't hindi ko napapatunayang kailangang magdusa ang may sala."

"Do you promise?" I asked.

"Yes." Matipid ngunit puno ng sinseridad nitong sambit.

Naputol ang usapan namin nang makarinig kami ng isang tili mula sa kabilang dulo ng 14th floor. Mula 'yon sa may elevator. Naulit pa ang pagtili na nasundan naman ng isang malakas na sigaw mula kay Kid.

Sinakop ng mga tili at mga tumatakbong yabag ang buong 14th floor. Then came the silence. Split second. The entire floor was terrified by three loud roars coming from the elevators.

Sabay-sabay na nagsitilian ang mga naroon.

Naunang lumabas sa room si Andreas. I should have suggested that we stay inside and save our own heads but Andreas led us out.

"T-tama ba ang dinig ko Mina? T-those are tigers? O-or lions?" nanginginig na sambit ni Rielle na halos kumapit sa malalaking braso ni Andreas.

Naglakad kami sa ilang closed office na nakahilera sa buong 14th floor. Nakakailang metro pa lang kami ay napansin na naming tumatakbo pasalubong sina Vlad, Larryson, Maddie, Ryanne at Bella.

"Run!" Malakas na sigaw ni Vlad.

My backbone immediately told me to grab Rielle's hand and run. Nalagpasan na kami nina Vlad bago pa kami makatakbo nina Rielle. Sa laki ng mga biyas ni Andreas ay nalagpasan pa kami nito.

"Bilisan niyo!" Nagawa nitong sambitin habang tumatakbo.

Kasunod no'n ay ang mga tili na mula sa iba pang empleyado.

Mahaba ang carpeted hallway na pinapagitnaan ng mga opisinang nangungupahan doon sa 24th floor. May mga lawfirms, publishing office at maliliit na retails stores ang naroon. I have never been to this floor kaya hindi ko alam kung ano ang nasa dulo ng mahabang hallway. Baka isa na naman ito sa pakulo ng baliw na mastermind.

We heard several roars from behind as we ran towards the other side of the hallway. Napansin kong sa dulo no'n ay isang open space na sa tingin ko ay isang mini park sa loob ng building.

Gamezone. 'Yan ang nakasulat na bungad ng isang arc na gawa sa metal plate. Isang amusement zone and nasa kabilang dulo ng hallway. Walang umaandar sa mga arcade game machine na naroon bukod sa isang carousel.

A carousel with eight meters in diameter in roundabout. It has a circular platform with ten wooden horses mounted on posts, many of which are moved up and down by gears to simulate. The circular movement of the carousel was accompanied, not by a looped circus music but a song for a funeral.

Mabilig kaming nakarating sa likuran ng carousel para doon magtago, pero hindi iyon sapat para mailigtas namin ang aming sarili. The three huge lions can easily find us. Lalo na't enclosed ang 13th floor. Our scent cannot escape.

Nagkumpulan kaming lahat sa likod ng carousel. Wala ni isa saamin ang nagtangkang gumawa ng ingay o gumalaw man lang habang dahan-dahang lumalapit ang mga mababangis na leon. Naglalaway ang mga bunganga nito at nanggagalaiti ang mga pangil.

"G-gagawin tayong tanghalian ng mga leon na 'yan." Nicolla's voice was shaking. Nakatago ito sa likuran nina Vlad at Natas.

"We c-can take the carousel. P-pero mas mabilis sa normal na ikot ang carousel na 'yan kaya medyo mahirap sumakay."

"Jusko, umiikot sa magkabilang sides 'yong dalawang leon. P-parang wala na tayong ligtas." Mahinang usal ni Satana na hindi alam kung saang dako ng carousel tatakbo kapag nagkataong sumugod ang isa sa mga leon.

"We have no choice. Mukhang pakana ito ng mastermind. The killer led us here. There is nowhere safe but that shitty circle of horses." Andreas exclaimed saka nililis ang suot nitong long sleeves fit shirt.

Bumwelo itong tatalon sa carousel. It took him almost a minute before he was able to grab the post. Nakalabas pa ang kanang binti nito sa umiikot na carousel na kamuntikan nang sunggaban ng leon na naghihintay sa kabilang dako.

Rielle and I can do the same trick. Athletic si Rielle at malakas naman ang loob ko. We will be okay. Nakahinga ako ng maluwag sa ideyang 'yon.

"Mina, ayokong mamatay na magkakahiwalay ang katawan. At mas lalong ayokong malibing sa ilalim ng tiyan ng mga leon na 'yan!" Untag ng kaibigan ko na nagsimula na ring bumwelo para sumakay sa mabilis ang pag-ikot na carousel.

Bago pa man makatalon si Rielle ay naunahan na siya nina Bella at Natas. Sumunod ang magkarelasyon na sina Larryson at Maddie.

Rielle was able to jump on the right direction. Kaagad itong nakakapit sa isang post. Habang umiikot nag carousel ay malakas nitong sinisigaw na tumalon na ako at tiisin ang bukol na maaari kong matamo kaysa sa lapain ako ng mga hayop.

Nagsimula na ring gumalaw ang mga leon palapit saamin. Sa sobrang kaba at takot ay napatalon si Ryanne. Kamuntikan na itong mahulog sa umiikot na carousel. Mabuti na lang at nagawa itong hilain ni Vlad.

Wala ding kahirap-hirap na tumalon si Satana sa Carousel na sinundan naman ni Simond.

"Minalyn! Ano?" Gigil na sigaw ni Andreas na hindi ko mawari ang dahilan kung bakit bigla na lang itong naging concern sa kaligtasan ko.

Kumunot ang noo ko pero hindi na 'yon nakita ng lalaki dahil lumagpas na ang kinaroroonan nito sa kinatatayuan ko. Sa muling pag-ikot ng carousel ay muli itong nagsalita. "Walang sasagot sa riddles kapag nilapa ka ng mga hayop na 'yan!" Tila nabasa ni Andreas ang nasa isip ko at kusa na itong nagpaliwanag.

Kasunod namang dumaan sa tapat ko si Rielle na mukhang nanggigigil din. "Oh ano Mina? Bida ka na naman? Laging nahuhuli? Kapag ikaw namatay, hindi kita mapapatawad!"

Natawa ako sa sinabi ng babae. Hindi nito alam na inoobserbahan ko ang galawa ng bawat isa habang nandoon. Obviously, Nicolla and Kid are the ones left with me. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Kid at bakit hindi pa siya sumasampa sa carousel.

Nicolla was not that athletic like most of us girls. Siguro ay 'yon ang dahilan niya kung bakit hindi pa siya nakakatalon. Or maybe something else.

Nakapagdesisyon akong tumalon na sa carousel. Bumwelo ako at tinantiya ang puntong bababaan. Naghanda na rin sina Nicolla at Kid. Naunang nakatalon si Kid sa carousel.

Mas lalong lumakas ang loob kong tumalon na rin. Lumukso ako ng mataas. Sinalubong ako ng wooden horse kaya nauntog ako sa mukha nito. Halos mangilo ako sa pagkakauntog. Mabuti na lang at isang mainit na palad ang humila saakin patayo.

Those arms were too strong that I didn't have to move any tendons to stand up.

"There. You're safe." Narinig kong bulong ni Andreas na siyang tumulong saakin upang makatayo.

Buong akala ko'y nakasakay na ang lahat. Nagulat na lang kami nang isang nakakabinging sigaw ang umusbong mula sa kinatatayuan namin kanina.

The lions growled in rejoice. Magkakasabay silang dumamba sa naiwang si Nicolla. Isang malakas na daing ng kirot pa ang kumawala mula sa bibig ng babae bago siya tuluyang naputulan ng hininga.

Nicolla was torn into shreds. Blood spilled from the massacre as the carousel continue spinning. Nonstop.

Some whimpered at Nicolla's death who was once our suspect. Gulat at puno ng kalituhang nakatingin saakin sina Andreas at Rielle. With the exchange gazes, our thoughts were headed to three people remaining -Vlad, Kid and Satana.

###