Chereads / 30 Doors / Chapter 16 - 16th Door

Chapter 16 - 16th Door

One must always be aware, to notice—even though the cost of noticing is to become responsible."

―Thylias Moss

***

MINALYN

So, we were directed from the 20th floor to the 16th. This is one of the perks of knowing a lot of things -especially riddles. Being strategic in situations like this is vital. The essence of it is choosing what not to do.

May mga naligaw lang talagang tanga sa building gaya ng mga boss.

I should have been the boss.

The answer to the riddle was obviously 'wife'. There is no mail on a Sunday. That riddle was very basic. Parang joke na nga lang 'yan ng dad ko sakin.

I grew up learning the beauty of language. How language can create and destroy the world, how words can destroy a person or even dreams. Language is a powerful weapon for the witty.

My dad was a writer. Mom was a columnist in a local newspaper so I was forced, in the first place I did not want to, to be like them. I was an only child. Walang sasalo sa mga pangarap ng magulang para sa anak kundi ako lang.

I grew up with words. Parang mga sandamukal na libro ang naging kasama ko paglaki. I ended up becoming the weird girl who lived in a perfectly secluded area. I was always alone. Laging nasa trabaho ang mga magulang ko while growing up. I was not pampered very well.

I learned to be independent. Marahil iyon ang naging preparation ko before they got assassinated sa loob mismo ng kotseng sinasakyan namin pauwing subdivision sa Alabang. Both my dad were killed by our driver, who was like a father to me kasi siya ang lagi kong kasama sa bahay tuwing wala ang mga magulang ko.

Kaya siguro ako napagkakamalang cold and may sariling mundo at may trust issues. Someone close to me killed my parents. Kaya it took a while bago ko naging kaibigan sina Rielle at Nyl. Nyl died just almost two days ago. The fear of losing either one of them just triggered me from being so protective of Rielle.

I have had suspicion who really killed Nyl. I knew it was Mildred. But that bitch went missing. She poisoned the wine. Ramdam kong may alam si Nyl kung sino ang mastermind. Kilala ko si Nyl, kapag may alam itong hindi kayang itago saamin ni Rielle. Tuliro. Hindi mapakali at parang nababaliw.

That moment bago namatay si Nyl, alam kong sasabihin na niya saamin ni Rielle ang nalalaman niya. Kapag nakita ko 'yang si Mildred, dahil pakiramdam ko'y nagtatago lang at gustong takasan ang sisi, babalatan ko 'yan gamit ang cutter hanggang sa umamin siya.

She might have taken Zyril with her. Either Zyril was an accomplice or a victim. Zyril was a juvie and an ex-convict's daughter. Ayokong maging mapanghusga pero bakit hindi? The fruit doesn't fall far from the tree.

Kailangang malaman ni Vlad at Andreas ang lahat ng kutob ko. The four of us should really form an alliance. Why Vlad? Because Vlad is one of those guys na pinagkakatiwalaan ko. There is no question about that. If he's the killer, I'll kill him myself.

Why Andreas? I know, somehow, how to read someone's personality. A killer can't be like Andreas na masyadong maingay at exaggerated mag-react. Killer's are silent. Pretentious to be the victim by going with the flow of the flock. Hindi niya sisirain ang laptop ni Vlad kung alam niyang doon magmumula ang pang-uuto niya saamin.

The killer or mastermind could be Nathan, Simond, Larry, Satana, Maddie, Mildred, Zyril and Nicolla. Kung tama ang listahan ko na isa o dalawa sa kanila ay killer slash killers, uunahan ko na sila bago nila kami maubos. Tutal patayan na lang din ang nangyayari dito sa loob, papatay na ako para mabuhay kami ni Rielle.

The reason why I excluded Athena, ang chismosang nurse was she's obviously with us all throughout. Chismosa lang siya pero hindi mamamatay tao. Bella, Maxine and Angelyn can't be the killers because they are too stupid to be one. Kid is just an accessory to this crime. I don't trust him either since lagi siyang nakadikit kay Satana.

The killer is with us. Nagmamanman. Pinapakiramdaman ang bawat isa saamin habang sina Mildred at Zyril ay isa-isang kinakatay ang mga naligaw sa ibang floors. Or posible na isa sa bawat grupong naging tanga sa pagsagot o nagkunwaring tanga ay kasabwat.

In conclusion, hindi lang iisa ang pumapatay sa building na 'to. Maaaring higit sa dalawa o kalahati ng bilang ng mga buhay pa. I for sure, need a trusted ally to kill them first before they kill us.

This is the time where killing is no longer a crime, but a form of survival.

"Minalyn, hindi ka maliligo?" Sigaw ng tila walang problemang si Andreas na nakahubad sa di kalayuan at tanging ang kulay dilaw na boxers lang ang suot. Kinagat pa nito ang pang-ibabang labi habang nakatitig saakin.

Yuck.

Kadiring manyak. Gwapo na sana ito kaso may pagkaporno ang ugali. Makinis ang balat nito. Matikas dahil laging nasa gym, matangkad at maganda ang features ng mukha. Kaso ang asta parang modelo ng isang pornographic video. Parang lahat ng babae bubuntisin. Tang-ina niya!

"Halika na Mina! Mainit dito! Saka masarap!" Kumakaway na sulsol ni Simond na nasa malaking Jacuzzi kasama sina Athena, Nicolla, Kid at Satana. Makareact ang gago akala mo kagwapuhan at may six-pack abs.

Naramdaman ko ang pagdating ni Rielle. Inilapag nito ang isang plato ng pizza at dalawang baso ng pomelo juice saka naupo ito sa katabi kong upuan at nagpangalumbaba habang nakatingin sa mga nag-eenjoy sa malaking pool at tatlong Jacuzzi. "Ang gwapo ni Vlad noh? Parang ang sarap titigan habang lumalangoy ng half-naked. 'Yong shoulders niya parang ang powerful at kaya akong buhatin." Kinikilig na bulong ni Rielle.

"Gaga ka? Eh di isigaw mong buntisin ka niya nang masagad mo 'yang kalandian mo!" Nairita kong sagot habang iniikot-ikot ang mga mata ko.

"Totoo naman ah. Tapos itong si sir Larryson, ang lean and fit ng katawan niya pero yung chest at arms niya fully structured. Sexy tignan nung tattoo niya sa dibdib na andaming detalye."

"Rielle, stop it." Angil ko.

"Why? Mamamatay na tayo Minalyn! Sulitin na natin. Atleast mamamatay tayong masaya!" Napalakas nitong sambit habang nakadipa ang mga kamay sa hangin na parang nababaliw na. Lumagok ito ng juice na tila nauhaw sa kakatitig sa mga nasa pool.

"Sayang si Nate noh? Ang gwapo pa naman ng mukha niya at medyo konting tabas na lang ng baby fats niya magiging kalevel na niya si Vladimir. Pero, teka Nate seems so quiet. Pero parang hindi siya nag-eenjoy." Nasambit ko base sa obserbasyon ko sa mga nasa paliguan.

"Those monkeys are not enjoying Mina. They just pretend they are. Sino bang mag-eenjoy sa gitna ng patayan? Tignan mo nga si sir Larryson, kanina pa tahimik. Nag-aalala 'yan kay Maddie. Kasi nga diba? May relasyon 'yang dalawa?"

"Rielle, bakit parang naririnig ko sa'yo sina Satana at Athena?" Prangka kong sambit nang mapaghalataan ko ang pagiging chismosa ng babae.

Natawa ito ng ilang saglit. Kumagat ito sa hinablot na Hawaiian pizza sa plato. Nang matapos itong ngumuya ay saka muling nagsalita. "We need to be nosy on situations like this Mina. Akala ko ba matalino ka? This is one of those vital skills which we need to survive."

"I know. Pero ang relasyon ni sir Larryson at Maddie ay hindi na natin dapat pinapakiaalaman pa." Angil ko saka kumuha ng pizza sa lamesa dahil bigla akong nagutom habang pinagmamasdan ang kaibigan ko sa pagkain.

"Maiba ako, kanina ko pa 'to naiisip eh, halimbawa tayong dalawa lang talaga ang hindi killers dito, paano tayo magsusurvive?" Inilapit ni Rielle ang mukha nito sa kinauupuan ko. She knew the very importance of secrecy.

"We kill them before they get us, Rielle. Let's just stick together." Mahina ngunit mariin kong sagot. 'Yon na lang kasi ang naisip kong paraan para makaligtas. After all what happened on the previous floors, it was safe to say that the killer dwells among us.

"So before we kill them, enjoyin muna natin ang mga huling oras na hindi tayo kriminal! Halika na, maligo na tayo kasi amoy isda na tayo!" Tumayo ito at nagawa akong hilain sa braso.

Naghilaan kami sa gilid ng pool.

"Go Mina! Take it off! Take it off!" Dinig kong sigaw ng dalawang manyak sa Jacuzzi na sina Andreas at Simond.

"Rielle, huwag na muna. Nag-oobserve pa ako!" Reklamo ko sa makulit kong kaibigan.

"Puro ka observe! Mamamatay ka kakaobserve!" Untag ng babae na hindi ako tinigilan sa paghila palapit sa gilid ng pool.

Halos matangay na ako nito sa bukana ng pool nang lahat kami ay natigilan sa biglang pagbukas ng isa sa apat na elevator na nasa dakong kaliwa kung saan malapit ng Jacuzzi na kinaroroonan nina Andreas. Natahimik ang lahat at mabilis na naghanda sa mga yabag na parating.

"B-Bel-Bella!" Sambit ni Rielle nang mapagtanto ang babaeng tila naligo ng pulang arnibal. Puno ng dugo ang katawan nito at tila wala sa sarili.

"Oh my gosh! Killer!" Hiyaw ni Nicolla na tumakbo palayo sa Jacuzzi. Sumunod dito ang nurse na si Athena.

Nanginginig ang mga kamay ni Bella. Tila nanghihina ito at halos hindi na makahakbang. Pero sinubukan nitong makalapit sa Jacuzzi. Nangilag ang mga naliligo doon maliban kina Andreas at Satana na tila nakahandang sunggaban siya pag nagtangka ito ng masama.

"H-he-help m-me." Mahinang sambit ni Bella habang humahakbang patungo kina Satana.

"Huwag kang lalapit! Huwag mo akong lalapitan kundi babaliin ko leeg mo!" Maghalong takot at pangamba ang nasa boses ni Satana. Nakataas na ang mga kamao nito habang unti-unting umaatras palabas ng Jacuzzi.

May kung anong konting sipa sa isip ko sa sitwasyon ni Bella. Pero hindi ako sigurado kung tama ang teorya ko. How can i be so sure if I have no proof?

"Mina... mukhang nanghihina siya. T-tulungan natin siya." Nanginginig na sambit ni Rielle na nagsimula nang kabahan. Niyugyog nito ang braso kong hawak niya kanina pa para kumbinsihin akong tulungan siya.

Umangat sa pool sina Natas at Vladimir. Agaw pansin ang bakat sa mga kasuotan nito pero hindi iyon ang tamang panahon para pagnasahan ang mga gwapong nilalang. Bella seemed hurt and she needed help!

Pero what if?

"Bella!" Malakas na sigaw ni Vlad. Mabilis itong tumakbo sa gilid ng pool.

Ilang metro na lang ang layo nito sa babaeng nasa bungad na ng Jacuzzi nang bumagsak ang katawan ng babae at sumubsob ang mukha nito sa tubig. Napuno ng dugo ang Jacuzzi na mabilis nang nalisan nina Satana at Andreas bago pa man bumagsak si Bella.

"Everyone, she needs help!" Walang alinlangang iniangat ni Vlad ang babaeng nawalan na yata ng malay.

Tumakbo kami ni Rielle palapit sa kanila upang saklolohan si Bella.

"Athena!" Malakas kong sigaw sa babaeng nasa kabilang dako ng pool kasama si Nicolla. "Athena we need your help!"

Nahimasmasan si Satana. Tila nakonsensya sa hindi pagsaklolo kay Bella. "Athena! Magpakanurse ka nga dito! Dali!"

Nanginginig na lumapit si Athena. Gulat na gulat pa rin ito sa mga natunghayan. "N-nariyan na! nariyan na!"

"Mina..." humarap saakin si Rielle, puno ng takot sa mga mata nito... "K-kung si Bella lang ang nakarating dito ng buhay, i-ibig sabihin patay na sina Angelyn at Maxine?"

Hindi ako nagsalita. Tumango ako bilang pagtugon.

"Grab some towel please! Prepare her bed! Kailangan niyang maihiga!" Malakas ang boses ni Athena. Sa itsura nito'y parang bumalik sa katawan niya ang pagiging nurse. Parang nanonood ako ng rescue operation habang nakamasid lang.

Mabilis nilang naihiga si Bella sa ibabang pantry ng nasa kanan ng pool. Mabilis na sinuri ni Athena ang babae. "No injuries! Raise her legs above heart level!" utos nito.

Vlad and Nate helped Athena.

"Loosen her dress. Unbotton two. tanggalin niyo yung suot niyang sandals. I'm checking the pulse now!" Natahimik ang lahat sa ginawa ni Athena. All of us were waiting for her to resume speaking. "I can feel a pulse."

Bulungan ang mga nakatunghay. Nanginginig naman si Rielle habang nakamasid.

"Begin CPR!" sigaw ni Athena. Nagtinginan ang mga naroon. Maski sina Vlad at Nate. "I-I will do the CPR." Athena volunteered.

Akmang sinusubukang i-revive ni Athena si Bella gamit ang CPR nang muling bumukas ang elevator at nasundan pa iyon ng isa pa. Napaatras na naman ang lahat. Pigil hinga kong hinintay kung sino ang lalabas.

Malakas ang kutob kong isa sa bawat tatlong grupong naligaw ang nakaligtas kagaya ni Bella. Isa na maaaring mga kasabwat ng killer.

Sa tuluyang pagbukas ng elevator, isang malakas na hagulgol ang kumawala mula sa pamilyar na babae -si Ryanne. Hindi na mapigil ang pag-iyak nito na kaagad kaming nakita. Nangilag ang ilan. Marahil ay parehas din sila ng iniisip.

Posibleng siya ang mastermind.

Hindi pa man nakakalapit si Ryanne ay lumabas naman si Maddie sa kabilang elevator. Hinihingal ito at tila mauubusan na ng hangin. Napasandal ang babae sa pader malapit sa elevator. Hindi na nito tinangkang lumapit. Larryson immediately rushed to her.

Nakahanap ng karamay si Ryanne kay Nicolla. Humagulgol ang babae at halos hindi mabuo-buo ang mga sasabihin. Kaagad namang inabutan ni Kid ng isang baso ng tubig si Ryanne para kumalma.

Nang makalagok ng tubig ang ginang at nagawang kumalma ay saka siya binusisi ng nakapalibot sa kanya.

"A-ano pong nangyari?" Dinig kong tanong ni Nicolla.

"Snakes... snakes... The snakes killed Michonne and Haliya." Nanginginig na sambit ni Ryanne. Umiiyak ito at namumutla pa rin. Mukhang sa itsura nito'y kumbinsido ang lahat na totoo ang mga sinasabi niya. Labis ang takot na nakapinta sa mukha nito na halos ako'y makumbinsi na hindi siya nagsisinungaling.

Ayokong magtiwala muna. I have been betrayed many times and this time, whence so many lives are at stake, I don't want to trust anyone that easy.

Things are getting worse.

Six lives in just a couple of hours?

Now that Bella, Ryanne, and Maddie survived the upper floors and we weren't there to witness their stories, are we even going to believe them?

###