Anger is like an acid that can do more harm to the vessel in which it is stored than to anything it is poured.
-Mark Twain
***
"Vlad, hindi ka ba nagtataka kung bakit sobrang dali ng 23rd floor?" nababahalang tanong saakin ni Angelyn. Nakakapit ito sa braso ng kaibigang si Maxine habang nakakapit naman sa kanya si Bella.
"Baka naman may planong gulatin tayo ng pycho na 'yan at patayin tayong lahat ng minsanan. Huwag naman sana, magpopropose pa 'yong boyfriend ko sakin!" Napatakip si Bella ng bibig nang maisip ang mass murder na maaaring pinaplano ng mastermind.
Nasa harap kami ng main door ng 22nd floor at walang umiimik maliban sa tatlong magkakaibigan. Marahil ay may aftershock pa ang ilan sa awayang Larryson at Sykyoe. Lahat ay tila maingat sa mga binibitiwang salita at para bang ang tatlo lang ang walang pakialam sa alitan ng dalawang lalaki kasama na si Maddie.
Kahit naman noon pa. Wala talagang pakialam ang tatlo sa mga nangyayari sa opisina at sa mga empleyado. Sila-sila lang ang nakakaalam sa kani-kanilang sikreto. Minsan nakakausap ko ang mga ito at nakakakwentuhan pero doon din natatapos ang pakikisalamuha nila saakin. The three girls were very civil pagdating sa opisina. They have kept their own dramas on their own.
Sa kanilang tatlo, si Maxine ang pinakasimple. Boyish ito kung umasta kaya madalas napagkakamalang bisexual. Hindi naman daw ito tomboy dahil may fiancé na siya na pinakilala niya saakin noon nang minsang aksidente ko silang nakasalubong sa isang supermarket. Si Bella naman ang pinakaexpressive sa kanila. Lagi nitong bukambibig ang boyfriend niyang lagi siyang hinahatid-sundo. Minsan nadatnan ko pa sila ng nobyong sweet na sweet na kumakain sa baba ng building. Seeing them made me miss Karen. Si Angelyn naman ang hopeless romantic sa kanilang tatlo. Lagi itong nakatutok sa cellphone habang nanonood ng K-Drama. Siya ang single sa kanilang tatlo. Niligawan na ito ni Simond noon pero parang wala pang isang lingo ay binasted na niya ang lalaki.
There is no way that these three can commit a heinous crime like what we're at. They are too normal to function as killers. Pero hindi rin ako sigurado kung inosente sila. Sa sitwasyon namin ngayon, even a fly can be a suspect to this crime.
Lumingon ako kina Satana at Kid na nasa likuran ni Natas. The three have gotten closer together. It seemed like they are boiling on something so mysterious. Muli kong naalala ang sinabi saakin ni Nicolla kanina.
Nang pansinin ko ang babae'y nakahawak ito sa sariling mga bisig habang nakatingin sa tatlo. Nang bumawi ito ng tingin kina Satana'y nalipat ang atensyon niya sa gawi ko. Kababakasan ng sobrang pag-aalala ang mga titig nito. Could she be telling the truth or could she possibly be an inveterate liar na hindi ko lang napapansin?
Umiling-iling ako. Hanggang ngayon wala pa akong suspect na sa tingin ko'y mastermind ng lahat ng ito.
Napansin ko ang natitirang orasan sa laptop: 142:46:02 hours. Six more days. Martes na ng pasado alas dos ng hapon at wala pang pinapadalang email ang spammer.
May mga nagsiupuan na sa lobby ng 22nd floor. Ang iba'y humilata na sa harapan ng apat na pintuan elevator. Naupo ako sa pader na malapit sa lobby at sa mga elevator. I got easier access to both parts. Mas mapapansin ko ang lahat habang naghihintay ng mga susunod na kaganapan.
Nakatitig lang ako sa harap ng Macbook habang ang iba'y tahimik pa rin. Marahil ay napagod na din sila sa mga pangyayari at mas minabuti nang ipunin ang natitirang enerhiya. We have not eaten for half a day. Ramdam ko nang kumakalam ang sikmura ko.
"Mister Molina, I think the killer is saving the grand massacre for us all. Mukhang naubusan na siya ng riddles at puzzles." Mina on her bored tone and bored face. Naupo ito sa pader na katapat ng sinasandalan ko. Maybe she thought of having the same access on both sides as well. Matalino talaga ito kaya naman sa lahat ng interns, sila ni Rielle ang may pinaka-outstanding na performance sa nagdaang buwan. Pabalik-balik ang tingin nito sa magkabilang panig. Tumititig ito sa bawat isang naroon which was a bit creepy and intimidating to some.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan Minalyn?" Malakas at mataray na tanong ni Satana na nasa tabi ng unahang pintuan ng elevator. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Mina.
"Why? Do I intimidate you that much?" Mataray namang sagot ng babae na mabilis nalapitan ni Rielle para awatin.
"Mina stop t-"
"No. I just don't want being stared at. Lalo na ng isang creepy poker-faced lonely geek na kagaya mo. So bet-"
"Heys! Shushh! Stop that!" Awat ni Andreas na napatayo sa kinauupuang sofa sa lobby. Naglakad ito palapit saka tumayo sa gitna ng dalawang magkabanggang babae. "Stop arguing. Magsalita lang kayo kung aamin ang isa sa inyo na kayo ang may pakana nito. It would really help a lot!"
"Bakit hindi ka mauna?" Sarkastikong sagot ni Satana saka humalukipkip. Tumayo naman si Kid palapit kay Andreas para humingi ng dispensa sa inaasta ng babae.
Mabuti na lang at hindi mainit ang ulo ng lakaki. Mukhang tinanggap naman nito ang pakiusap ni Kid. He just sighed leaving the point where he was pacing. Ang akala ko'y babalik ito sa kinauupuang sofa pero nabigla ako nang tumabi ito sa kinauupuan ko at humilata sa sahig saka sumandal sa pader. Bumuntong hininga ito saka napasabunot sa sarili bago bumaling saakin. "Do we have anything yet?" Tanong nito, na ang ibig niyang sabihin ay kung may email na.
Umiling ako saka muling binalikan ang laptop para masigurong wala ngang dumating na email. "Nothing... and it's creeping me out."
Napayakap ito sa nakatiklop ba binti habang nakaupo. Sinandal nito ang mukha sa tuhod saka muling pumikit. "This is scary. It's as creepy as fuck kasi parang hinahabol tayo ng kamatayan pero hindi natin alam kung paano niya tayo papatayin." Natawa ito saka tumingin saakin seryoso and mga mata niyang may bahid ng pangamba at takot. "It would be easier for me if I die like Nyl or Emerald or Kyziel. Those deaths were as quick as life. Convenient and less scary."
"You mean, you want a quick death rather than fighting for your life and taking the risk?"
"No. Kung katapusan ko na, I'd like to die that quick. Yung ilang segundo lang 'yong pain. I'd still fight for my life. It is a form of surrender where you'd just give up and becoming comfortable with not knowing." He sighed again deeply. Saka tumingala sa kisame na parang nandoon lahat ng solusyon para sa problemang dinadala niya.
Mukhang may katuturan nga naman ang sinabi nito. What you don't know won't hurt you. "What's your plan if you survive this, dude?"
"I would probably bring my siblings to Disneyland. They've been wanting to spend their Christmas in Disneyland. Kahit sa Hong Kong lang. 'Yon na lang 'yong bagay na hindi ko nagagawa para sa kanila." He confessed with a smile on his face.
I never thought that a guy like Andreas would have a dream of bringing his kins to a happy place like that. Tama ngang never judge a book by its cover. Tumango ako sa sagot ng lalaki.
"Ikaw ba? What do you plan if you survive this?" He asked me back.
Hindi ko kaagad nasagot ang tanong nito. Napaisip ako. What's left of me? Ano bang plano ng isang kagaya ko?Ano pa ba ang gusto ko sa buhay? Ano ba ang pangarap ko? Anong pangarap ng isang katulad kong nawalan na ng pangarap? Namatayan ng babaeng bahagi ng kanyang pangarap? Wala akong mahagilap na sagot. Hanggang sa muli akong tinanong ni Andreas.
"Okay ka lang dude?"
Nagising ako sa tanong nito. Mukhang na-blanko ako. "Yeah, napaisip lang ako kung ano bang gusto ko sa buhay." Natawa ako ng pagak.
Tumawa rin ng tipid ang lalaki. Umiling-iling ito saka bumuntong hininga. Mukhang mabigat ang dinadala nito at nakailang ulit na ng malalim na buntong hininga. Lahat namab kaming naroon mabigat ang dinadalang suliranin but he seemed to have carried three times the burden. "Few months ago, iba ang gusto kong gawin. Akala ko nga, simula na 'yon ng new chapter sa buhay ko. I met this girl, she was so beautiful and so ideal. We dated for weeks."
"Naging kayo naman ba?" Usisa ko.
"No." Tumawa ito. Tawang may halong pait. "I fell inlove to her. Ang masaklap committed siya sa iba."
"She's married?"
"Engaged. Kaya hayun, hinayan ko na lang. Pero it took time bago ko siya ni-let go."
"What's her name?" Muli kong tanong.
"Her name is-"
Bago pa maituloy ni Andreas ang sasabihin ay bigla na lang bumukas ang elevator doors. Naputol ang usapan namin. Mabilis na nagsitayuan ang lahat at kaagad na nagtungo sa kakabukas na elevator.
"Let's go guys!" Dinig ko pang anyaya ni boss Ryanne na nauna nang pumasok kasunod sina Michonne at Haliya.
Two floors and nothing happened. No one died. No riddles. No puzzles. What is the catch? Are we being prepared for something that is more deadly?
####