Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Period, Exclamation Point, Question Mark

🇵🇭GeometAgape
--
chs / week
--
NOT RATINGS
8.3k
Views
Synopsis
There are people who aren't meant to stay with you. But, they left you with memories, and lessons that you'll carry throughout your lifetime.
VIEW MORE

Chapter 1 - Period

Rio's Point Of View

Hindi ko matandaan kung paano at bakit nga ba kita nagustuhan.

Ang tanda ko lang, ikaw iyong pinakamagandang babae sa klase na gusto ng lahat; at wala akong balak dumagdag pa sa mga lalaking nagkakandarapa sa'yo.

Pero dahil gago si Tadhana, at bobo ako sa Math.

Nagtagpo tayo.

Ginamit ni Tadhana si Ms. Pilapil para magbigay ng activity na by partner.

Tapos ikaw, hindi ka lang maganda. Ikaw iyong tinadhanang biniyayaan ng talino sa Math.

Destiny, pota.

S'yempre, ayaw lumapit ng iba sa'yo kasi natatakot na ma-turn-off ka kasi hindi lang naman ako yung bobo sa Math.

Marami kaming itinadhanang gano'n.

Noong kasing bumaha ng katalinuhan sa Math kasama ako sa barko.

Ikaw, nalunod ka.

Edi s'yempre, tayo yung naging mag-partner, malapit lang kasi pangalan ko sa pangalan mong: 'Rea Peñata'.

Tapos pangalan ko, Rio Peneda.

Umasa din ata ako sa FLAMES na 'yan. Hayop 'yan.

Tapos unang-una mong itinanong sa'kin, 'May ballpen ka?'

Kinabahan ako no'n.

Akala ko kasi tatanungin mo 'ko kung marunong ako mag-divide.

Sagot ko naman, 'Meron, gamit ko.'

Ang talino ko sa linyang 'yon. Nakakataas ng tingin sa sarili nang makita ko kung paano ka nag-iwas ng tingin at nahiya bigla.

Hindi ko na nga lang alam anong kasunod sa pangyayaring 'yon kasi lumutang ang utak ko dahil sa sobrang talinong linyang ibinato ko sa'yo.

Hindi na tayo nag-usap uli matapos no'n.

Perfect score activity natin kasi ikaw lang naman ang sumagot.

Salamat dun, ipinagmalaki ako ng Nanay ko sa mga amiga niya.

Akala ko, gagawa uli si Tadhana ng paraan para mag-tambal uli tayo.

Hindi na pala, ayaw na niya sa linyahan ko.

Inabot ng isang taon bago uli tayo magkita. Naging magkaklase na naman kasi tayo.

Normal pa din lahat no'n. Wala pa 'kong nararamdamang pwede kong ipa-konsulta sa doktor dahil sa sobrang kaba o kung bakit iisang tao lang nasa isip ko.

Parang wala lang.

Display lang tayo ng mundo ng isa't isa, extrang dumadaan sa pelikula ng buhay ng isa't isa; madalas hindi naman kailangan presensya natin.

Wala pa 'yong sinasabi nilang spark.

Elementary pa lang tayo e.

Ang alam ko ngang crush no'n, pag-crush lang ng airplane.

Pag nga nag-uusap kami nila Pal, hindi ako makaambag sa usapang babae. Wala kasi talaga akong alam.

High School na 'ko nung nakanood ng porn e, late bloomer daw ako. Ayaw ako isama nila Pal sa pag diskubre nila sa mundo kasi masaya daw akong asarin.

Second-year high school, naging seatmates tayo.

Kung kailan naman mukha akong taong grasa saka kita nakatabi.

Pero okay lang din, pumangit ka e. Nagka-pimples, naging oily, tumaba, tapos medyo umitim. May salamin ka na din no'n.

Hindi na ikaw 'yong crush ng bayan.

Naging 'nerd' ka na lang.

Pero wala pa din akong pakialam sa'yo.

Pero dahil seatmates tayo, nerdo ka, bobo ako, parehas tayong panget.

Tangina, nakaramdam ako ng spark.

Ramdam na ramdam ko na, 'we are meant to be'.

Naging mag kaibigan tayo.

Shet, eto na.

Tapos ako unti-unti na nagiging disenteng homo-sapien.

Tumangkad ako; ikaw hindi.

Nawala na tigyawat ko; ikaw lalong dumami iyong iyo.

Ako pa-pogi ng pa-pogi, tapos ikaw ayun, lalong lumala.

Pero okay lang, cute ka pa din sa paningin ko.

Lalo tayong naging close. Ewan ko ba bakit ka nagtitiis sa kabobohan ko.

Close tayo. Ikaw lang naging kaibigan kong babae hanggang maka-graduate ng highschool. Ikaw lang din nakakatiis sa mga katangahan ko sa buhay.

Wrong timing nga lang talaga nung maisipan akong panain ni Kupido.

Tangina, mamatay ka na Kupido, lagi ka na lang ganyan.

Ayaw na kitang maging kaibigan dahil sa punyetang palasong ibinaon ni Kupido sa puso kong walang muwang sa mundo.

Hayop, masakit palang mag-tiis.

Lahat na lang may malisya sa paningin ko. Pakiramdam ko aagawin ka parati sa'kin.

Parang tangang ayaw kong gumanda ka sa paningin ng iba kasi baka may dumanggit sa'yo. Hindi pa naman ako macho.

Gusto ko, akin ka lang.

May minsang nagtanong ka sa'kin.

'Yo, gaganda ba ako kapag pumayat?'

Sasabihin ko sanang 'oo', kaso ayaw kong gawin mo. Baka kasi gumanda ka tapos lumingon sa iba.

'Hindi.' Sagot ko sabay tawa.

Sumimangot ka.

Akala ko hindi mo gagawin.

Ayaw kong magtanong kung bakit gusto mo biglang gumanda. Baka kasi masaktan ako, hindi pa ako handang manapak.

'Kung magpapapayat ka, sabay tayong mag-gym.'

Para kung sinomang gusto mong akitin, alam ko na kung sino sasapakin ko.

Ngiti lang sagot mo sa'kin no'n.

Kaya pala ngiti lang, kasi bubulabugin mo ako ng maaga sa bahay para mag-jogging.

Lintek.

Mahal kita, pero mahal ko din ang kama ko.

Pwede naman tabi-tabi na lang tayo para masaya, kaso mapilit ka. Kinurot mo na 'ko.

Ako naman si gago, kilig na kilig sa pisil mo sa'kin, badtrip. Iyon dapat 'aray' ko, nagiging, 'ah' na lang.

Tuwing naaalala ko 'yon, kinikilabutan na lang ako. Gusto kong bumalik sa panahon na 'yon at sapakin sarili ko at sigawan ng, "Huwag kang umungol! Masakit 'yan! Masakit! Hindi ka masokista!"

Araw-araw mo na akong binubulabog matapos no'n.

Nagkaroon na naman ako ng dahilang mag-selos sa ideyang may gusto kang ibang tumingin sa'yo.

Hindi naman pala ako nagkamali.

Mayroon ka ngang gustong iba.

Kung siguro hindi kita gusto no'n, baka kinulit na kita. Pero para akong tinamaan ng kidlat ng katotohanan.

Na, wala talagang spark. Kung meron man, abo na 'yon.

Meant to be tayo, pero bilang magkaibigan lang.

Hindi ko kaagad natanggap na may gusto kang iba, kaya umiwas ako ng konti; baka kasi magtanong ako ng address tapos sapakin ko na lang bigla 'yong crush mo.

College.

Unti-unti na tayong nilayo uli ni Tadhana.

Nagkaroon ka ng kaibigan, gano'n din ako.

Nagkaroon ka daw ng ka-MU sabi nung kaibigan mong naging kaibigan ko din.

Ang tagal na naman bago tayo uli nakapag-usap ng matino.

Pero wala na.

No'ng mag-usap tayo, awkward na. Hindi ka na komportable sa'kin. Hindi mo na ako matukso.

Unti-unti na ding bumabalik iyong ganda mo.

Gusto kong mag-ilusyon na para sa'kin 'yong pagpapaganda mo, kaso kitang-kita namang nakatingin ka sa iba.

Hayop, masakit.

Tangina talaga ni Kupido, sarap bayagan.

Kung gaano kabilis na naging magkaibigan tayo, gano'n din kabilis naging estranghero sa buhay ng isa't isa.

Checkmate na naman si Tadhana para saktan ang mamon kong puso.

Ang bilis nating nagtapos.

Nakakapanghinayang.

----

PeRIOd.