Mall
Nandito kami ngayon sa mall at pinagtitinginan kami sa dami ng dala naming shopping bags.
"Blade tawagin mo nga yung mga bodyguards natin at ng maibigay natin sa kanila ang mga dala nating to. Look!" Sabi ni Bless kay Blade pero inirapan lang siya ni Blade.
"Edi ikaw tumawag ikaw naman may gusto." Sabi niya at inirapan ang kapatid niya. Pft.
Nagpameywang si Bless at tinaasan ng isang kilay si Bless.
"Hoy mas matanda ako sayo at dapat ginagalang mo ako. Kaya sundin mo ang utos ko!" Sabi niya at sininghalan si Blade kaya napairap na lang si Blade at kinuha ang cellphone niya at nagumpisang magdial ng number.
"Opo Ate Bless.'' Sabi niya at ngumisi.
"What the!!! 2 minutes lang ang tanda ko sayo noh!!" Sabi niya pero hindi na siya pinansin ni Blade. Pft.
Hay bahala nga sila dyan. Nilabas ko na lang ang napakaganda kong Oppo na cellphone.
Pero hindi ko ito ipangseselfie dahil ipang-fe-facebook ko lang ito hihi.
Naglog-in na lang ako at nagscroll ng scroll sa cp ko. Habang nag-ii-scroll ako sa facebook ay napapansin ko na parang may nakamasid sa akin kaya tumingin tingin ako sa paligid at napabuntong hininga na lang.
-/-
Dumating na ang mga bodyguards nila Bless at Blade kaya binigay na nila ang shopping bags nila.
"Uy Elle ibigay mo na rin yang shopping bags mo para wala kang bitbit bitbit. Daanan na lang natin mamaya sa bahay." Sabi ni Blade kaya ngumiti ako at binigay yung mga bags.
Habang naglilibot libot kami ay narinig ko ang paguusap ng grupo ng mga babaeng parang 2nd year highschool.
"Besh may balita na namang namatay."
"Ang sabi sabi nga stalker daw yung pumapatay."
"Brrr...nakakatakot naman."
"Hay andami na namang namamatay ngayon." Sabi ni Bless at umiling.
"Uy Elle bat ang tahimik mo ngayon?" Tanong niya ng binalingan ako ng tingin.
Ngumiti ako ng nakakaloko.
"Ha? Ako tahimik hahahah. Nagiisip lang ako ng bagong prank para sayo Ate Bless." Sabi ko at inirapan niya ako.
"May isip ka pala." Sabi ni Blade kaya inirapan ko siya.
"Malaman." Sabi ko na lang.
"Ahh...kaya pala sabi mo si Magellan yung pumatay kay Lapu Lapu...pft." sabi ni Bless kaya ako naman ang napairap.
Hindi naman sila maka move on -,-.
May nadaanan kaming time zone kaya inaya ko sila maglaro sa loob.
"Tara laro muna tayo sa Time Zone." Sabi ko at tumakbo papasok.
"Tsk...childish." sabi nilang dalawa at umiling bago pumasok.
-/-
"Blade, Bless kain na tayo." Sabi ko at tinignan sila habang naglalaro ng air hockey.
"Wait lang matatalo ko na si Blade!!"
"Ano?! Mananalo ako sayo no wala lang ako sa mood."
Sino childish ngayon -,-.
Napabuntong hininga na lang ako at hinintay silang matapos maglaro.
Pagkatapos naming maglaro ay pinapalit namin ang nga ticket na nakuha namin at kumain kami sa Mcdo -,-.
Sila nagsuggest niyan hindi ako -,-.
Umorder lang ako ng chicken with rice at tsaka mcfloat. Ganon din sila.
Umupo na kami sa isang table at nagumpisa ng kumain. Nagiiscrool lang ako sa cp lo at naramdaman ko na namang may nakamasid sa akin kaya nilibot ko ang paningin ko at hindi nakaligtas sa akin ang isang lalaking nakahood na nakatingin sa gawi namin kaya napalunok ako at iniling ang ulo ko.
Tinignan ko ulit kung nasan siya at pagtingin ko wala na siya doon. Ilusyon ko lang siguro iyon ang hilig ko kasing tinatakot ang sarili ko.
Dahil sa takot ko ay tumayo ako.
"Oh saan ka pupunta?" Tanong ni Blade at tinuro ko lang ang cr kaya tumango siya.
Pagpasok ko sa cr ay napahilamos ako ng mukha ko at napatingin sa salamin.
Pinunasan ko ng bimpo ang mukha ko at nagretouch na lang. Habang naglalagay ako ng lipstick ay biglang namatay ang ilaw kaya napatili ako pero biglang may tumakip ng bibig ko.
"Mmmm. Mmmmm." Sabi ko na lang dahil ang lakas niya sinubukan ko siyang sipain pero naramdaman kong may malamig na bagay sa leeg ko kaya nanigas ako.
Naramdaman ko ang hapdi ng unti unti niya itong idiin sa leeg ko.
"Mmm." Mangiyak ngiyak na sabi ko.
"Shhh." Sabi niya sa nakakatakot na boses. Biglang bumukas ang ilaw kaya nagulat yung killer at tumakbo kaya napaupo na lang ako.
"Ayun!" Turo ng isang staff sa lalaki at pinuntahan ito ng mga police ngunit bigla siyang tumalon sa bintana.
Napaiyak na lang ako at lumapit sila Blade at Bless sa akin.
"Shh." Pagpapatahan sa akin ni Bless at niyakap nila ako kaya napayakap na lang ako sa kanila at napahagulgol. May lumapit sa amin na police na parang iintoregatin ako.
"Ahm pwede po kayong matanong?" Sabi niya pero napailing ako at ngumiti na lang.
"Sorry sir pero mukhang ayaw ng kaibigan ko."sabi ni Bless at tumango na lang ang police.
"Uwi na tayo." Sabi ko at umalis na kami.
-/-
"Ingat ka Elle ha." Sabi nila at tumango ako.
Kinuha ko na ang mga shoppong bags ko at naghintay sa kanto ng taxi.
Naramdaman kong may nakamasid na naman sa akin kaya hindi maiwas kabahan kaya nung may taxi ay pumara ako at sumakay doon.
"Saan po tayo ma'am?" Sabi ni manong at sinabi ko ang address ng bahay namin at tumango naman siya kaya nagcp ako.
Paguwi ko ay dumiretso ako sa room ko dahil wala naman sila mama at kumain naman na ako.
Naligo ako ng saglit at nagpalit ng pantulog.
Matutulog na sana ako ng nagvibrate ang cp ko.
Napataas ang kilay ko at tinignan ulit ang picture. Picture ko lang naman ng kumakain kami sa Mcdo iyon.
Binalewala ko na lang iyon at natulog.