Tatlong araw na ang nakalipas simula nang may naglagay ng mga pictures ko sa locker. Pagkatapos non ay araw araw ng may naglalagay ng Death Treath sa akin at napapansin kong laging may matang nakamasid sa akin at anytime ay pwede akong patayin.
Nagiging paranoid na nga daw ako sabi nila eh.
Nandito pala kami ngayon nila Blade sa locker room ngayon. Pagkabukas ko ay isang mabaho at nakakasulasok na amoy ang bumungad sa amin.
Nanlumo ako sa nakita ko sa loob.
Isang patay na kuting ang nakalagay sa loob. Kinuha ko ang kuting at nilagay sa kamay ko. Napaiyak na lang ako dahil isa akong cat lover.
May nakalagay na alambreng tusok tusok sa leeg niya na sanhi ng pagkamatay nito. May nakatatak ring 'Die!!' At bungo sa katawan nito.
Kawawang pusa.
"Sa tingin ko kailangan na natin itong ireport sa police." Sabi ni Bless.
"Kapag sa police tayo nagreport ay magtataka ang school sa oras na pumunta sila dito. Sa Principal na muna tayo magreport." Sabi ni Blade at napatango kami.
Nilagay ko sa kahon ang pusa at pumunta kami ng Principal's Office. Kumatok kami ng tatlong beses saka pumasok.
"Good morning students. Please take a seat." Sabi ng principal namin at ngumiti. Umupo kami ng sofa at tumikhim ang Principal.
"Ano kailangan niyo?" Tanong niya..tumayo ako at nilagay sa table ni mam principal ang box na pinaglalagyan ng pusa. Binuksan niya ito at nanlumo rin siya sa nakita.
"Anong meron dito?'' Tanong niya.
"May naglagay po niyan sa locker ko. Ang totoo po niyan ay marami ng Death Treaths na nailagay sa locker ko." Sabi ko at tumango siya.
"So?" Tanong niya at huminga ako ng malalim bago kinwento ang lahat.
~•~
"So sa tingin mo ay may koneksyon ito sa mga nagpapadala ng pictures mong may dugo dugo?" Sabi nita at tumango ako.
"At sa tingin mo nasa loob lang ng school ang salarin?" Tanong ulit niya at tumango ulit ako.
"Ok I'll ask them to check the cctv cameras to know who is behind this." Sabi ng principal at tumango kami bago umalis ng office.
~•~
Principal
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang landline number ng control room.
[Magandang tanghali po sino po sila?]
Tumikhim ako bago sumagot.
"This is Ms. Perez."
[Ah madam principal ano po pala kailangaan niyo?]
"Can you please check the copy of the cctv last Monday by the time 8 in the morning?"tanong ko.
[Yes madam che-check ko na po.] Sabi niya at narinig ko ang paglapag niya ng telepono.
[Ahm madam parang may mali sa kopya ng cctv.]
Nagtaka naman ako
"Paano mo na sabi?"takang tanong ko.
[Parang pinutol po. Shit!]mura niya.
"Bakit?"
[Mam sorry po mukhang may nakapasok dito.]
Napahilot ako ng sintido bago binaba ang tawag at pumunta sa conttol room.
~•~
Pagkarating ko sa tapat ng pinto non ay binuksan ko ito. Tumambad sa akin ang nagmomonitor na si Kendel at ang mga monitors.
"Mam andyan na po pala kayo tignan niyo po to." Sabi niya at turo sa monitor 10.
Pinanood ko ito at napangisi ako.
"May nagnakaw ng kopya ng cctv at pinutol ito." Sabi ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ng Police.