Darelle
"Class dismissed." Sabi ng prof namin at magsialisan na kami ng room maglalakad na sana ako papuntang principal's office ng may humawak ng braso ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Ash at nagshrug lang ako.
"Sa Principal's Office lang. Pinapatawag ako." Sabi ko at tumango naman siya bago binitawan ang kamay ko kaya pumunta na ako ng office ni madam princioal.
Kinatok ko ang pinto ng tatlong beses.
"Come in." Sabi ni mam principal kaya pumasok ako sa loob.
Pagkapasok ko sa loob ng opisina niya ay bumungad sa akin ang isang lalaking mga nasa 20+ na lalaki na nakaupo sa isang solo na sofa.
Nagtataka pa rin ako kung bakit ako pinatawag ni madam principal eh.
~•~
Kumakain kaming tatlo ng lunch. Si Abo kasi pinatawag ni tita, si Hades ayun umalis na naman, si Gerold naman ayun nagpapractice para sa game nila,basketball player kasi tapos si Jhon ayun umalis siguro nanlandi ng lalaki haha joke.
Kumakain kami ng maramdaman kong may nakamasid sa akin. Sanay na akong may nakamasid dahil may stalker nga ako na mamamatay tao pero yung paraan kasi ng pagtitig niya parang any time pwede nya akong patayin. Napalunok na lang ako ng laway at sinubo ang hotdog sandwich ko.
Wala daw kasing burger kaya hotdog sandwich na lang -_-.
Habang ninanamnam ko ang hotdog sandwich ay may kumalabit sa akin kaya sinakmal ko ng buo ang sandwich tsaka nilunok ito.
Pagkatingin ko ay ang S. S. G. President namin.
"Ms. Santos pinapatawag ka ni madam principal. Punta ka daw don pagywian niyo na." Sabi niya at tumango na lang ako at umalis na siya.
~•~
Hindi kaya may nagawa akong kasalanan? Pero wala naman akong ginagawa eh.
"Ok Ms. Santos we-"sabi ni mam pero pinutol ko agad siya.
"Huhuhu madam wala po akong ginawang kasalanan. Kung meron man po sorry. Wag niyo lang po ako isumbong kila mom and dad. Huhu.-'' naputol ang pageemote ko ng marinig kong tumawa yung matandang nakaupo sa kabilang sofa. Ts tapyasan kita ng dila dyan.
"Ah hindi actually. Nandito kami...siya para imbestigahan ang stalker/killer mo." Sabi niya at na patango na lang ako.
"Ahm. Darelle si Detective Zeus siya ang tutulong saating magiimbestigahan at mapalabas ang stalker mo." Sabi niya at ngumiti ako. Tumikhim si Detective Zeus kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ipaliwanag mo lang kung ano yung problema mo." Sabi ni madam principal kaya tumango ako at ipinaliwanag sa detective 'kuno' yung sa stalker ko simula sa parang may nagmamasid masid sa akin hanggang sa patay na pusang nilagay sa locker ko.
".....so yun po." Sabi ko at tumango tango lang siya.
Bweshit parang gindi naman nakikinig eh.
"Bakit hindi ka nagsumbong?" Seryosong tanong niya.
"Kanino naman ako magsusumbong?" Sabi ko.
"Sa mga teacher mo? Sa mga kaibigan mo? Sa mga magulang mo?" Sunod sunod na tanong niya.
"Bakit hindi ka nagsumbong?" Tanong niya.
Shit ganito pala paginiinterogate nakakapanglunok ng laway.
"Na-natatakot a-ko." Shit bat ako nauutal.
"KAHIT NA BAKIT HINDI MO SINABI O SINUMBONG KAHIT KANINO?!!!" sabi niya sabay hampas sa table ni madam principal kaya nagulat ako.
"Huy wag mong tinatakot iyang bata.!" Sabi ni madam kaya napabuntong hininga na lang si Mr. Detective.
"We need a trap to lure out the killer." Sabi niya.
"What trap?" Tanong ko at ngumisi siya bago sinabi ang plano niya.
~•~
".....and there we lure out the killer." Sabi niya at halos mawala na lahat ng kulay ko sa katawan.
"SERYOSO KA DYAN?!! PAANO KUNG NAPAHAMAK SIYA?!!!" Sigaw ni madam principal at napailing naman siya.
"That's the only way to lure the killer out wala na tayong magagawa. Just trust me." Sabi niya at nag wink kay madam.
Hmm I smell something meaty.
"Ok."
~•~
Magisa akong naglalakad sa madilim na daan dito. 7 pm na rin kasi. Haist.
Nararamdaman ko ang maraming matang nakamasid sa akin pero binalewala ko na lang.
Kailangan kong magtiwala sa aknila.
Habang naglalakad ako ay naramdaman kong may lumalapit sa akin.
Don't look back Darelle.
Don't look back.
Hayst. Napayingin ako sa likod at may nakita akong nakahoodie na lalaki na may hawak na cutter kaya napatakbo ako.
"Kyaaaah-mmmmm." Sabi ko ng mahuli niya ako at tinakpan ang bibig ko.
Shit sana wag ako mapuruhan.
"Shhh. Manahimik ka!" Sabi niya sa galit na boses.
Teka parang pamilyar yung boses niya.
Pilit akong kumakawala sa takip niya sa bibig ko at nagwawala nmat napatigil ako ng marandamang may malamig na bagay sa leeg ko kaya napalunok ako.
Shit! Deja vu.
"Manahimik ka! Kung gusto mo pang mabuhay tumahimik ka!" Mahinang sigaw niya.
Napaluha na lang ako habang dinidiin niya yung cutter.
Ouch. Mukhang eto na ang katapusan ko.
And with that... I died. Hahah char hindi pa naman niya ako sinasaksak sa pulso pero sana huwag niya akong saksakin. May biglang gumalaw sa may gilid kaya napalingon siya doon kaya sinipa ko siya sa tuhod at tumakbo ako.
Takbo lang ako ng takbo ng.....
shit nahuli niya ako.
Akmang isasaksak niya sa puso ko ng gumilid ako kaya nadaplisan lang ako.
Sasaksakin na sana niya ako sa tiyan ko nang.
*police mobile siren*
Napatigil siya at binitawan ang cutter at tumakbo.
Tatakas na sana siya ng mahuli siya ni Mr. Detective at isinandal ng nakaharap ang mukha sa pader.
"You're under arrest. You have the right to remain silent. The things you will say may be against you on court. You have the right to obtain a lawyer. If you cannot, the court shall appoint you." Sabi niya at nilock ang kamay nito gamit ang parang isang chain.
Dahil don nahulog ang hoodie niya at....
"J-jhon?"
Bakit nya nagawa sa akin ito?