Chereads / Thieves of Harmony / Chapter 58 - Thanatos

Chapter 58 - Thanatos

Melizabeth's Point of View

Napatingin ako sa sarili naming bahay noon. Bakit naman ako dinala ni Thanatos dito?

Pinaulanan ko siya ng daggers, pero nagulat ako nang lahat iyon ay mabasag. His stormy eyes became darker, and he looked mad or frustrated.

Muli ko na namang siyang inatake ng kapangyarihan ko, he easily deflected it without even looking at my attacks! Nanatili siyang nakatingin diretso sa mata ko, at hindi ko matago ang matinding kaba ko. Nasaan na ba si Eleusis?

Nagulat ako nang tumawa siya, "Really, Melizabeth? Hinahanap mo siya?"

I scrunched my face, paano naman niya nalaman 'yon? Sa pagkakaalam ko hindi naman siya mind reader. He's the God of Death. "I know you, Angel. You do that face when you're looking for someone."

Ilang beses akong pumikit, ha? Ano raw? "It's not as if we know each other, Thanatos."

Lumapit siya sa'kin kaya't tinutukan ko kaagad siya ng espada para mas lalong hindi makalapit sa'kin. Hinawakan naman niya ang tip ng espada, at muli na naman akong nagulat nang maging kaluluwa nalang iyon. Napa-awang ang bibig ko, at naibaba ko ang kamay ko. I thought the three brothers are the strongest God! Anong ibig sabihin nito?

"They erased me from your memories, I presume," sabi niya habang nalapit pa lalo sa'kin. Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kaya't wala akong ginawa kung hindi umatras. I could not push myself to attack him more.

He licked his lips before smirking at me, "Talk, Melizabeth. Ask. Hindi ako sanay nang ako ang nagsasalita. Where's my fierce angel?"

Yumuko siya kaya't halos magkadikit na ang aming mga mukha, mabilisan naman akong napaatras at kamuntikan pang matapilok, but his arms went to my waist fast pushing my body to his.

Nanlaki naman ang mata ko nang magdikit ang ilong namin, at kaagad ko siyang naitulak palayo. Bumalik ako sa wisyo at pinalibutan siya ng flame shards.

"Why did you bring me here?" Shit, bakit ako nanginginig? Tanong ko sa kaniya. Mukha namang hindi siya nabahala sa mga flame shards na nakapalibot sa kaniya.

"I want you to at least remember me before I do it, Melizabeth," sagot naman niya.

Mula naman sa kamay niya may ipinakita siyang isang bracelet na mayroong beads na tila nagreresemble sa gray skies- storm. "These are beads of memories made by the Titaness of Memories itself, Mnemosyne. These will bring your memories back as of now. Please wear it," paliwanag niya ngunit kaagad akong umiling.

"Those will give me false memories," sabi ko nang maalala ang sinabi ni Eleusis or Lycus sa'kin na 'wag maniniwala sa kanila.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Thanatos, "Then let me tell you one thing, my angel. The demon that killed your family was made by the Eleusinians. Naroon kami ni Hades sa bahay niyo noon dahil sa demonyong iyon, ngunit nagulat nalang din kami nang makitang kamukha ka nga ni Persephone. That's just when we created the plan-"

"To use me," mariin kong sabi. "How can Eleusinians make a demon? We are mortals, and we do not have the power to create those things."

Umiling naman si Thanatos, "If we wanted to kill your family, we would have kill them with our own hands, Melizabeth."

Naningkit naman ang mata ko ngunit nagpatuloy siya sa pagsasalita, "You've been seeking revenge to the wrong persons. Believe me, the Eleusinians are the ones who are using you."

Napakuyom ang kamao ko kaya't nadaplisan ng flame shards si Thanatos, golden ichor dripped from his face. Kumirot naman ang puso ko nang hindi ko alam kung bakit.

"If you don't believe me, then at least believe yourself, Melizabeth," wika niya bago binato papunta sa akin ang bracelet. Itinaas ko ang kamay ko para ilayo ang bracelet sa'kin, ngunit natigilan ako nang sumabog ito.

Napapikit ako nang may malakas na ilaw ang lumabas mula sa pagsabog. Nang naramdaman kong nawala ang ilaw, minulat ko ang mga mata ko, ngunit nagbago na naman ang paligid.

Nawala ang flame shards, at nasa harap ako ng puntod ng pamilya ko. I squinted my eyes when I saw my nineteen year old self. A day before I came to the Olympian world, and met the Eleusinians.

I cried so hard that time, natatandaan ko pa. "Melizabeth," napalingon naman ang past self ko sa tumawag. Napalingon din naman ako at nagulat nang makita si Thanatos. I don't remember this memory.

"Thanatos!" masayang bati ko, at napansin kong hindi pa ako umiiyak. Oo nga, bakit nga ba ako umiyak ng panahong 'yan? "Kamusta ka na?"

Thanatos smiled, "I'm excited for you. I figured na dito ka nga pupunta." He hugged me for a little while, and kissed the top of my head. Nakita ko ang saya sa mata naming dalawa, and my present self is almost in tears. Is this true? Or is this a false memory?

"Mabuti naman at naisipan mo akong bisitahin after 5 years, Thanatos," biro ko at umiling naman si Thanatos. "Ikaw, ano namang naisipan mo at binisita mo ang pamilya mo? Do you miss them?"

Tumango ang dating ako, at napatingin sa puntod muli. "Somehow, yes. Nakakamiss din naman pala ako ng tao," biro ko pa.

Hinarap ako ni Thanatos sa kaniya habang hawak-hawak ang balikat ko. He held my chin and both of our eyes met, "Why? Hindi mo ba ako namimiss?" He playfully asked.

Umirap naman ako, "Of course, I do-"

"Then I'm sure you miss them a lot more than you miss me, Melizabeth," seryosong wika niya at maliit na ngumiti.

Suddenly, other memories came back to me. Ang mga trainings na ginagawa namin ni Thanatos, at ang maliit na pinagtatawanan namin. He was there for my six years. Hindi ako makapaniwala sa sarili kong mga realisasyon. This all felt true and sincere.

Mabilis na tumulo ang luha ng past self ko, ngunit mabilis din naman iyong pinahid, "I'm sorry, I shouldn't cry."

Thanatos cupped my face, kaya't napatingin ang dating ako. I could feel my heartbeat go faster, kaya't napahawak ako sa puso ko- my achilles' heel, my weakness.

"It's okay to cry, angel. It doesn't make you any weaker. Hindi mo kailangan ipagpilitan sa mundo na lagi kang malakas, at lagi kang walang puso. I know you still have it, Melizabeth," wika niya bago ako yakapin nan mahigpit. Then from here, I could hear my own sobs inside his embrace.

He patted my head carefully, and rested his head on mine. Nakita ko ang maliit na ngiti sa kaniyang labi, at nakapikit ang kaniyang mata na tila ninanamnam ang sandaling iyon. His hug looked like he was protecting me that I am fragile, and he does not want me to be broken even if I already am. Bakit ba ngayon ko lang 'to na-realize?

Mas lalo pa akong nagulat nang makita ang luha na tumulo mula sa nakapikit niyang mata. Thanatos cries?

"You have me forever, Melizabeth. You don't need revenge in your life," sabi niya na mas lalong nakapagpahina sa'kin. I was hurting him back then for plotting revenge in his own world, but he remained by my side. "Natatakot ako na baka pagdating mo sa Olympian World ay mawala ka sa'kin. I only have you," he said.

We only had each other, but because of my dumb acts, we both lost each other.

Nawala naman ang memorya, at napatingin naman ako kay Thanatos na ngayon ay mayroong maliit na ngiti at nasa harap ko na ngayon. He held my face, and wipes the tears that I did not know were falling.

"Let's go back, Thanatos. I will end the Eleusinians, let's end the war," sabi ko at maglalakad na sana papalayo.

"No, as long as you are soulbound to Lycus, you will remain in the control o Eleusinians," sabi niya habang hawak ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alis. Nagkunot-noo naman ako, "then, I should break the soulbound. How?"

"Aphrodite and Hephaestus was supposed to break it for you, but you were too powerful, and they failed to do so," nanghihinang sabi niya. Nakaramdam naman ako ng guilt.

"Call them here, at ulitin natin ang process, Thanatos," mabilis na suggest ko. Muli na naman siyang umiling at bumagsak ang tingin sa kamay naming dalawa. Napatingin na rin ako, at napansing suot ko na ang bracelet.

"There's another way," mahinang sabi niya. Tila nagkaroon ng liwanag ang mga mata ko at hinigpitan ang hawak sa kaniya, "How?" I was desperate to break the soulbound.

He looked into my eyes, at hindi ko talaga maiwasang hindi malunod sa kaniyang mga tingin. Napansin ko rin sa iris niya na pula na ulit ang aking mata. Napahawak naman ako sa mukha niya nang mapansin ang ichor na tumulo dahil sa shards ko. I'm sorry, I mouthed.

Hinilom ko ang mga sugat niya habang hindi pa siya nagsasalita. He remained looking at me, like he's trying to memorize my features.

Bumalik naman ang tingin ko sa kaniya nang bigla siyang magsalita.

"You know that I will do anything for you, right?" wika niya gamit ang nanginginig na boses. Napatigil naman ako, at hindi sinagot ang tanong niya. Nanatili ang kamay ko sa leeg niya kung saan ko siya huling ginamot.

He smiled and put my other hand on his chest where his heart is located. Hinila niya rin ako papalapit sa kaniya kaya't napahawak ang isa ko pang kamay sa batok niya. Tumingala ako sa kaniya, at napalunok nang magtama ang mata namin.

"This is the other way, Melizabeth. Live for me," saad niya bago ako sunggaban ng halik. I shut my eyes, as he captivates my lips. Napadiin lalo ang katawan ko sa kaniya, at naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

He parted from me, kaya't tiningnan ko siya kahit nanghihina na ako. Namumungay ang mata niya at may mga luha na lumabas mula roon. Why is he crying?

Kinabahan tuloy ako, ngunit tila sumabog ang puso ko nang marinig ko na naman siyang magsalita ulit.

"Mahal na mahal kita, Melizabeth."

Bago pa man ako makasagot ay pinagdikit niya na uli ang labi naming dalawa. Nabasa ang pisngi ko dahil sa mga luha niya, at hindi ko naman masukat kung gaano ako kasaya ngayon.

Napamulat ako nang maramdaman ko ang paghigpit ng puso ko. Bakit parang pinipiga? This is the weak part of Eleusinians!

Napahiwalay ako kay Thanatos, at malakas ko siyang naitulak. Napahawak ako sa puso ko, at para akong pinapatay!

"I'm sorry," wika ni Thanatos sa'kin habang lumuluha. Nasaktan naman ako lalo sa sinabi niya... he's killing me?

Itinaas niya ang isang kamay niya at itinapat iyon sa puso ko, "This is the only way."