Chereads / Thieves of Harmony / Chapter 37 - Abducted

Chapter 37 - Abducted

Hindi sila nagtigil sa pag-uusap tungkol sa'kin. Kahit ang mga servants ni Ares ay pinag-uusapan na rin ako.

"Grabe, ang lakas ng loob niyang halikan ang isang Diyos!"

"Hindi niya man lang chineck ang kalagayan ni Lord Thanatos bago siya umalis sa battlefield."

"She must have a lot of experience."

"Pero siya palang ang mortal na nakakatalo sa isang Diyos sa isang duo, sa buong history, hindi ba?"

Umirap ako. Ilan lamang iyan sa mga napapakinig ko, and I could also feel ghosts following me from afar. Bukod sa nakikita ko sila, I kissed the one who may bring them to the afterlife, Thanatos. More reasons to be followed by stupid ghosts.

Nakasalubong ko naman si Autolycus. Seryoso ang tingin niya sa'kin at alam kong hindi siya natutuwa. Lol, ano na naman problema nito?

May kinuha siyang panyo mula sa kaniyang bulsa at ibinato iyon na sumapul naman sa bibig ko. I pouted and made a look.

"People are mistaking you for your stunt out there, Melizabeth," sabi sa'kin ni Lycus at lumapit. Pinunasan niya ang bibig ko gamit ang panyo niya kaya't mas maraming nagbulungan.

Marahas ko namang tinabig ang kamay, what the underworlds is he doing? Maiissue na naman ako neto, alam mo naman ngayon puro issue na. Issue there, issue everywhere!

Tinawag naman ako ni Harmonia mula sa malayo, kaya't nilagpasan ko na si Lycus at dumalo sa kaniya. "Melizabeth! Magkwento ka nga sa'kin!!" She said with a smile.

Nagtaas kilay naman ako, "Ano namang ikekwento ko sa'yo, Harmonia?"

Pinalo niya ang braso ko kaya't pinalo ko rin ang kamay niya. Aba't ang babaeng ito!

"So, gaano kalambot ang labi ng isang God?" Tanong niya sa'kin. Napatingin siya sa likod ko dahil naroon pala si Lycus, "nayy nakikisali!" Asar sa kaniya ni Harmonia.

Bumaling ulit ang atensyon ni Harmonia sa'kin at inalog ako. As if naman may lalabas na sagot kapag inaalog niya ako.

"Come on, Meli! I-share mo naman experience mo," sabi niya sa'kin at binigyan ako ng puppy eyes.

Inirapan ko siya, at sinabing, "Wala akong naramdaman, okay! I was focused on winning."

"Pero kita ko yon, Meli. Sinagot niya mga halik mo, yieee," sabi niya at sinundot-sundot ang tagiliran ko. Nababangga tuloy ako kay Autolycus na tinutulak naman ako papunta kay Harmonia.

"Look," sabi ko kaya't tumigil siya. Tiningnan niya ako habang nakangiti nang maloko, "Wala akong pakialam sa halik na iyon. All that mattered to me was winning and surviving until I finally become a Semideus. That kiss is nothing at all."

Nanlaki ang mata ni Harmonia habang nakatingin sa gilid ko. Napasulyap na rin ako doon, at nakita ko bigla si Thanatos. Ramdam kong nanlambot ang mga tuhod ko, but then Autolycus held my waist firmly and pulled me close to his side.

"Melizabeth," Thanatos said in a chilling tone, I mean, iyong tipong kikilabutan ka. His gaze went on Autolycus and down to his hands on my waist. And back to my red eyes again.

He smirked at me, "The kiss was quite good, but it actually seemed stiff? Sasabihin ko sana sayo na sa susunod ay tuturuan na kita kung paano ang tamang paghalik," he said in a very serious tone, pero maririnig mo rin ang pagloloko sa accent niya. Bastos 'to ah! Parang hindi ako pinalaki!

I tried my best not to scowl at him, sasagot na sana ako nang biglang si Lycus ang sumagot para sa'kin. "Lord Thanatos, there's no need to do such thing. Hindi ka na naman niya hahalikan pa ulit kahit kailan."

Thanatos clicked his tongue at Lycus, "Bakit ikaw na ba ang hahalikan niya, demigod?"

These jerks are verbally harassing me! At naiinis na rin ako sa masarap- este sa bastos na dila niyang si Thanatos!

"It would be up to my lady, Lord Thanatos," sagot ni Lycus at mas lalo pang hinigpitan ang hawak sa akin.

Thanatos chuckled and knelt down in front of me. Kinuha niya ang kamay ko, at hinalikan iyon. Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha, something must be really wrong with Thanatos!

"Until we meet again, my angel," he said in a sweet tone at ginamit niya pa ang tunay na endearment niya sa'kin. Bigla ko tuloy naalala ang halik naming dalawa, at mas lalo pa nga atang namula ang mukha ko!

Nang mawala siya sa paningin naming lahat biglang nagsalita si Harmonia, "Oh my Gods! You like him!" Napansin niya na namula ako, at napansin niya rin siguro ang tingin ko kay Thanatos.

Umiling naman ako, I absolutely don't like him romantically!

"You do!" Sabi niya na tila nabasa ang nasa isipan ko. Muli ay umiling ako, tiningnan ko naman si Lycus na tila hinihintay ang sagot ko.

Muli ay napairap ako, "Wala nga akong gusto kay Thanatos!" Giit ko sa kanila pero mas lalo lang siyang nang-asar.

"Oh my, you are even calling him by his own name," now, her eyebrows are wriggling.

Sinampal ko siya ng very light at lumayo na sa kanila. Narinig ko namang patuloy na kinikilig si Harmonia, at si Lycus naman ang napuro sa kaniyang paghampas. Lycus was still watching me go kahit hinahampas na siya ni Harmonia.

Oh, Lycus, do not give me that look. Alam kong attached ka lang sa'kin dahil kamukha ko ang love of your life, Melinoe. And not because I am Melizabeth.

Nagkunot-noo ako nang makita ko si Asclepius na aligaga, at tanong nang tanong kung kani-kanino. His eyes looked worried, and parang hindi niya na alam ang gagawin niya. Finally, lumapit siya sa'kin.

"Did you see Cassandra?" Tanong niya kaya napailing ako.

"Kanina pa siyang nawawala, bago pa magsimula ang battles. At ngayong hindi siya nakapag-battle, hindi na siya pasado bilang semideus. But...  nawawala siya, Melizabeth. She was just by my side pero nawala siya," nanginginig na paliwanag ni Asclepius.

Niyakap ko naman siya at tinapik-tapik ang kaniyang likod, "Shh, calm down, Asclepius. Hahanapin natin siya, okay? We are in the world of Olympians, there would be a lot of help."

Ramdam ko ang pag-iling niya kaya't humiwalay siya sa yakap ko. "That's the point, Melizabeth. We are in the Olympian World. Marami ang malalakas at makakapangyarihan, pero hindi lahat dito ay kakampi. Some are enemies."

Bahagya akong na-guilty sa kaniyang sinabi since I was one of the enemies.

"Apollo will kill me kapag natagpuan siya sa Underworld," mahina niyang sambit pero narinig ko iyon. Underworld?

Nilagpasan na ako ni Asclepius at nagsimula na namang hanapin si Cassandra. I watched him from his back, at napagtanto kong kalaban ko sila.

Asclepius, Cassandra, and Apollo.

Of course they would be the ones to stop chaos, at maaari nilang mapredict ang mangyayari. They hold the prophecy, and I think I know where Cassandra is.

She is in Persephone's hands. Sapagkat kailangan din namin ng tao na mayroong kakayahan sa mga propesiya, and Cassandra would be the easiest target. I think Ares is also in the underworld's side too.

Ang problema nga lang, it seemed like Apollo knows our plans. He sent Asclepius here para bantayan si Cassandra from being abducted to the underworld, and now, he failed.

I wonder if they know about me too.