Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Darna - Book 1 (Tagalog)

sarcaztic
--
chs / week
--
NOT RATINGS
32.5k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - [DARNA] Prologo

Nakita ni Darna ang 10-wheeler truck na nakahambalang sa daan. Dahil dito ay ang ibang sasakyan ay nakahinto. Bumaba siya mula sa himpapawid para alamin.

Tahimik na ng gabing iyon at walang ibang tao bukod sa isang babae at isang lalaki. Hawak ng babae ang lalaki sa kanyang damit at ibinibinit niya ito sa ere. Mas itinaas pa niya ito ay nag-ambang papatayin.

"Ibaba mo siya at itaas mo ang iyong mga kamay!" utos niya sa babae.

Nawala ang ngiti ni Valentina at kanyang ibinulong, "Isang bayani?"

Lumingon siya. Nakita niya ang isang babaeng hangal na handa siyang harapin at kalabanin.

Nagpatuloy ang pagpupumiglas ng lalaki.

"Ibaba mo siya, kung sino man!" sabi ni Darna, pinipilit si Valentina.

"At ikaw naman ay si?" sabay taas niya ng isang kilay.

"Darna. Ang kilabot ng kasamaan!" sagot niya.

"Pangalan pa lang, mahina na." pagmamaliit niya.

Hindi napigilan ni Darna ang kanyang tawa dahil sa kanya mismong sinabi.

"...pasensya na. Ba't ko pa kasi sinabi 'yon." tugon niya sa pagitan ng kanyang marahang tawa. Pinilit niya pigilan ang mga sumunod niyang tawa. "Try me."

Habang hawak ni Valentina sa damit ang lalaki, itinulak niya ang dibdib nito. Tumilapon ang lalaki patungo sa kalagitnaan ng hangin. Ang paraan ng pagkakahagis sa kanya'y walang kahirap-hirap dahil hindi gaano nabanat ang braso ni Valentina. Maipapakita lang na may angking lakas din siya.

Nilipad ni Darda ang lalaki. Ligtas na siya. Dahan-dahan silang lumipad tungo sa lupa.

"Maraming salamat!" galak ng lalaki at mabilis na kumaripas ng takbo.

"Walang anuman po." habol ni Darna.

"Impressive. Nakakalipad ka." sabi ni Valentina.

"Alam ko. At isa lang 'yon sa mga powers ko. Kaya kung ako sa'yo, sumuko ko na." inilagay niya ang kanyang mga kamay sa beywang.

"I'm starting to like you. Bihira ang mga mahanging nagkukunwari na bayani."

"Dahil wala kang idea kung sino ang kausap mo."

"Well, why don't you show me? But, I'll warn you, hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin."

Lumapit si Valentina sa katabing sasakyan. Hinawakan niya ang likod nito. Idiniin niya ang pagkakahawak dito at bumaon ang mga daliri niya. Isang beses siyang umikot upang magkaroon ng mas malakas na puwersa. Gamit ang isang kamay, inihagis niya ito kay Darna.

Agad naman nailagan ni Darna ang sasakyan na walang kahirap-kahirap.

"Yes, you can fly. But, looks like even speed's your only thing." patotoo ni Valentina.

"At mukhang pagtapon lang naman ang alam mo."

Ngumisi si Valentina.

Nagsimula ang kanilang laban. Agad na lumamang si Darna sa laban. Ibinagsak niya si Valentina sa kalsada. Hinawakan niya ang dalawang braso habang nakasubsob ito.

Buong puwersang ibinigay ni Valentina at pinatamaan si Darna sa mukha gamit ang likuran niyang ulo. Mabilis naman niyang naprotektahan ang sarili. Nakakawala ang kalaban sa pamamagitan pagtulak nito sa kanya.

"Hindi ko sinasadya!" sigaw ni Darna.

Dahil sa pagsalag ng unang atake, natanggal ang peluka ni Valentina at hawak na niya ito.

"Biset ka!"

Umilaw ang mga mata ni Valentina dala ng kahihiyan at nawala ang pag-iingat na mahiwalay sa kanya ang pekeng buhok. Nanatili tibay ng kanyang mga binti habang kumikilos ang kanyang mga braso. Binitbit niya ang isang buong trak. Ibinato niya ito kay Darna.

Sinubukan ni Darna na pigilan ang trak, ngunit, bigla siyang nakaramdam ng pagkamanhid. Hindi niya maiangat ang kanyang paa. Hindi rin niya magawang lumipad.

Tuluyang nadaganan si Darna at itinulak siya ng ilang metro mula sa huli niyang posisyon. Nakaladkad siya dahil sa sobrang lakas ng pagtama. Kita ang ibidensya ng lakas sa uka ng kalsada.

Naiangat ni Darna ang trak gamit ang isang kamay, pero, ng dumating si Valentina'y muli siyang nadaganan at naipit.

"Akong ang nanalo." yabang ni Valentina.

"Wala pang isang minuto!" pigil ni Darna.

"Nag-enjoy ako." tugon niya.

Samantala, ang lalaking nailigtas ay patay na. Mula likuran ay tinamaan ang babaeng serpyente na si Valentina ng isang mahika. Agad siyang bumagsak. Dumating ang isang nilalang na unti-unting nagkakatawang tao.

"Hindi pa natin oras ang magpakita sa mga mortal." ang tanging sinabi niya sabay binuhat sa walang malay ma kasamahan at umalis.

Naramdaman ni Darna siya'y nakabalik sa kanyang sarili. Inalis niya ang nakadagang trak. Mabagal siyang tumayo. Pasuray-suray si Darna habang naglalakad sa gitna ng kalsada. Ang huli niyang matatandaan ay nililipad niya ang himpapawid.

"Ate..." bulong ni Ding malapit sa tainga.

"Mm..." mahinang imik ni Narda.

At biglang tumama ang nakabukas na palad sa pisngi niya.

"Ano ba 'yon?!" singap niya at napabangon ng mabilis.

"Akala ko nabangungot ka na!" sabi ni Ding.

"...ano ka ba, Ding? Siyempre, hindi!" sabay haplos sa kanyang mukha.

Paulit-ulit niya ipinikit ang kanyang mata gawa ng liwanang tumatagos sa bintana.

"It's 11 in the morning, my dearest sister." amin niya.

"Jusko! Bakit tanghali na?!" sigaw ni Narda.

"'Yon na nga gusto kong sabihin, eh. Ano ba kasi nangyari sayo?" tanong niya.

"Anong oras na ba ako nakauwi kagabi?" sagot niya.

"Hindi ko na namalayan, 'te. Nakatulugan ko na ang kakahintay sayo." tugon niya.

"May nakaharap nanaman ako kagabi." salaysay niya.

"You sure kick his ass, noh?" tiyak niya.

"Hindi," sagot niya. "At isa siyang babae."

Natigilan ang binata.

"Iba siya sa mga nakaharap ko." paliwanag niya.

"Paanong iba?" tanong niya.

"Hinagisan lang naman niya ako ng isang malaking trak." diretsong sagot niya.

"...ah okay." tugon niya.

"Pagkatapos ng mga sumunod na nangyari, wala na 'kong maalala." dagdag niya.

"Parang hypnotize?"

"Siguro..." duda niya.

"Akala ko ikaw lang ang may gan'on?" sabi niya.

"Hindi 'yon ang tawag ng sa 'kin," wasto niya. "Wala talaga akong ideya kung p'ano ako nakauwi."

"Pero, kaya mo ba siya?" tanong niya.

"Oo naman!" tiwala niya.

Ngumiti siya at sabay sabi, "Oo nga pala! Si Lola Asay nauna ng umalis."

"Lagot ako sa kanya 'pag nagkita kami. Dahil namissed ko ang isa kong klase." amin niya.

"Hinihintay kita mag-almusal. Ang kaso, parang ayaw mong magpagising dahil kasalukuyang maganda ang napapaginipan mo na tungkol sa boyfriend mo." sagot niya.

"Mukha ba? Malabong mangyari 'yon, Ding. Si Andreu ay isang heneral."

"Heneral din naman si Darna." tugon niya.

Ngumiti siya at pinisil ang baba ng kapatid sabay utos, "Lumabas ka na. Susunod na rin ako.

Read, vote, comment and share with your friends! Follow and stay tuned for updates my #sarcaztics!