Sa isang kisap mata ay nag-iba ang mundong ginagalawan ko. Ang dating mabato na kabundukan ay napalitan ng patag na parang. Lumuwag ang malalanghap na hangin sa paligid, nakaka-engganyong halimuyak. Nawala si Pedro sa tabi ko. Pati ang bangin sa aming likuran ay naglaho kasama ng mga madilim na kalangitan.
Nang inilibot ko ng tingin ang aking mga mata, lahat ng mga bagay ay nasa kasiya-siyang mga kulay. Napalitan ang madilim na lugar ng isang paraiso na hitik sa makikintab na pinta. Ang mga liwanag ay naglalabas ng malaapoy nitong sari-sariling mga kulay kabilang ang asul para sa langit, berde para sa parang at kabundukan, at puti para sa mga nilalang na gumagala sa kalupaan at himpapawid.
Nakatayo ako sa nagniningning na damo, gumagapang sa aking mga paa at tungo sa laylayan ng pantalon. Nakatindig lang ako habang patuloy pinagmamasdan ang kapaligiran. Wala nang ganito sa mundong pinagmulan ko. Nasaan ba ako?
Tila ang gusto ng liwanag ay maging kaisa niya ang isang dalaga na tulad ko, kaya, sinimulan nito na balutan ang buo kong katawan. Gusto ko man kumawala, sa pamamagitan ng paghawi, sinubukan ko din ito hampasin ng bato ng yari sa liwanag, pero, ayaw nila umalis at patuloy na bumabalik. Sa tuwing nagtatagumpay ang liwanag na lamunin ako ng buo, sa tuwing kami'y magkalapit, parang may malalim na koneksyon. Nabanggit na yata ito ng kapatid ko. Huminto na lang ako.
Hindi pa din sila humiwalay sa mga binti ko, umiikot ng paulit-ulit at nararamdaman ko sa aking mga balahibo. Umunat ang paa ko ng hindi ko namamalayan.
May nagsalita mula sa malayo, pero, dinig ko ito at parang malapit sa tainga. "Isang dalaga."
Lumakad ako sa ibabaw ng malambot na berdeng damo na parang may mga kasamang bulaklak. Mainit-init, nakakakalma sa pakiramdam.
Hindi wikang Tagalog ang aking naririnig. Napalingon ako, napaikot ng isang buong bilog mahanap lang ang pinanggagalingan nito. "Sino ang nandiyan?"
Ang wika ko ay Tagalog. Batid ko na hindi alam ng bumubulong ang tungkol dito. Umaalingawngaw lang ang boses sa bawat katapusan ng salita na binabanggit niya. Isang wika na hindi nagmula sa mundo ng mga tao. Higit sa sampung babae ang nagsama-sama na makipag-usap sa akin at ng sabay-sabay.
"Ano ba ang sinasabi nito? Sorry, pero, hindi kita maintindihan." Dumami ang kulubot sa mukha ko, sa gilid ng mga mata, sa ilong, dahil na din sa pagkainis.
"Kaakit-akit[siya], bago at isang inosente."
"Ako ba kasi 'yong sinasabihan mo d'yan?" Napaurong ng ulo ko, tumatanggi sa mga narinig. "Nabigla ka 'ata sa pagkakasabi ng 'kaakit-akit?'" Napatawa ako ng marahan.
Sa sandaling iyon, sigurado na ako sa mga narinig ko. Noong una ay ibang wika, pero, hindi nagtagal ay ginamit niya ang wika ko. Sadya ba talaga na kayang ibahin ng hindi mga nakikitang nilalang ang wika nito? Ang katanungan sa puso ko kahit na alam ko na kabilang siya sa mga elemento.
Dumarating sa pagitan ng bughaw na langit, luntian na parang ang isang panibagong liwanag.
Nagsalubong ang dalawa ko na kilay, matapos makita ang aninag ng mukha ng isang napakagandang babae sa ptuloy na lumalapit na liwanag sa akin. Lumingon ako mula sa aking balikat, hinahanap at baka nasa likod ko lang ang babae na iyon. Ngunit, wala naman at ako lang ang nag-iisa sa lugar. Ibinalik ko ang tingin sa aninag at iyon talaga ang lumalabas. Para malaman ang katotohanan, kinurap ko ng madaming beses ang mga mata ko, pikit, mulat, pikit. Sa mga sumunod na sandali, napalitan ng sarili ko na imahe ang aninag.
"Maaari ko ba malaman ang iyong, pangalan?" Naabala ako ng biglaan na tanong ng babae.
"Maria." Ang agaran ko na sagot. Inabot ko ang imahe ko, hinawakan sa pisngi kasabay ng pagdampi ng palad ko sa totoo ko na pisngi. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla ako na napalagay kung kanina naman ay pakiramdam ko na ako ay niloloko lang.
Napabuka ang bibig ko, sabay turo sa kanya ng hintuturo, nangangahulugan na nahulaan ko na ang lahat ng mga nangyayari. Siya ang matagal nang gumagambala sa isipan ko mula pa noong unang tapak ko sa bundok.
"Sa realidad pa lang ay nakikita na kita. Kaya naman, nagpakilala na agad ako." Ang boses ay ang liwanag tabi ko. Nag-iiba ang kulay nito sa tuwing nagsasalita. Naghahalo ang pula sa asul na lumilikha ng lila, dilaw sa asul bilang berde, ginto sa puti at kaunting kulay ng itim. Piraso lang ang itim na kulay kumpara sa iba.
"Teka, ano ba 'to?"
"Maligayang pagdating sa aking mundo. At hindi magtatagal ay magiging iyo na rin." Isang walang mukha na nagniningning na ginto na ang katawan ay hubog ng isang babae ang sa akin ay unti-unting humahalik.
Hindi ako makaimik. Dapat ba magalit? Dapat ba akong lumaban sa isang bagay na wala akong ideya kung ano ba talaga?
"Sa iyong nakikita ay wala akong pisikal na anyo. Isang hangin, isang puwersa, isang apoy." paliwanang ng babae at may dumampi sa pisngi ko na kanya pala itong kamay.
"Isa ka bang engkantada?" tanong ko.
"Maaari." ang sagot niya.
"Mahiwaga ka?"
"Maaari rin na oo." dagdag niya.
Hindi man lang ako nabulag sa mga nakapaligid na liwanag. Marahil siguro, kung sa labas ito nangyari, walang makakatagal na tumitig sa mga ito. Kahit pa kumunot at babahagya ako na pumikit o kahit pa takpan ang mga mata ko ay hindi ko ginawa.
Sa pagkakatitig sa aking mga mata ng babae, alam ko na may gusto siyang sabihin.
"Ngayon pa lang, nababasa ko na ang nilalaman ng iyong puso. Ikaw ay mabuti gaya ng nais ko. Alam ko na magulo pa para sa iyo ito dahil biglaan ang mga nangyari." Nabuo ang isang kamay, iniabot niya ito sa akin. "Halika, ipapaliwanag ko sa iyo ang Puting Hiyas."
Habang ako'y sumusunod sa kanyang mga pinupuntahan, napalingon ako sa aking balikat ng marinig ang huni ng mga ibon na maya. Kung sa ordinaryong mata ng tao na wala sa lugar na iyon, masasabi na hindi nila agad malalaman kung ito ba talaga ay maya. Ngunit, dahil na din siguro na ako ang nag-iisa na may hininga at laman ng tao sa lugar, nabigyan ako ng pambihirang kakayahan para maunawaan kung anong klaseng mga nilalang ang nasa paligid.
{Updated below...}
"Pagmasdan mo." Ang itinuro niya ay ang leon, matapang, mabangis at isang hari. Sumunod ay ang baka, usa at agila. Napatingin din ako sa ilog, tumatalon ang mga isda.
Ang huni ng mga ibon ay sunod-sunod, ngunit, hindi nakakarindi. Tumatakbo ng malaya ang mga kabayo sa parang, lahat ay kulay puti na liwanag. Umalulong din ang pinuno ng mga lobo, hinihikayat sila upang manginain. Walang pagpatay na naganap sa lugar dahil hindi talaga ito ang tunay na mundo.
Sa mga magaganda na kalupaan, katubigan at kabundukan, mayroon banda pa din ang hindi nabibisita ng liwanag.
Napansin ko ang ang isang banda ng lugar ay mayroon lamat. "Ang isang iyon..."
"Lahat ng bagay ay hindi perpekto. Mayroon at mayroon pa din na magbibigay sa iyo ng ideya na ang isang banda sa lugar na iyon ay pangit." sabi ng babae.
Hindi na ko na ito pinansin at tinanong ang maaari na kasagutan dahil natakpan na ito ng magagandang liwanag. Sinundan na ko na lang siya sa pagpapatuloy na libutin ang lugar.
Parang isa itong hardin na kung tawagin ay Eden na nilikha ni Bathala. Kung tutuusi , maaari na ito na nga iyon kapag naroon ka sa mismong lugar.
Iba't ibang uri pa din ng mga nilalang ang nakapalibot sa akin. Halos hindi maubos-ubos. Ang lahat gaya ng ilog, puno at kahit ang mga ulap ay gawa sa liwanag. Ngunit, hindi nito kayang silawin ang mga mata ng napili.
"Ngayon pa lamang ay nababasa ko na ang nilalaman ng iyong puso." at humarap ito sa akin. "Ikaw ang kauna-unahan ko na bisita at mukhang sa unang pagkakataon ay hindi ako nagkamali na piliin ka."
"Paumanhin ho, pero–" napahinto ako.
"Bakit? Dahil ba sa hindi mo masabi ang iyong dapat sabihin?" tumigil siya saglit. "Ang iyong katawan ay naiwan sa iyong mundong ginagalawan kanina. Tanging ang espiritu mo ang nandirito."
"Sino ka ba talaga?"
"Sumunod ka. Sasabihin ko sa iyo ang lahat ng dapat mong malaman." sabi ng babae na gaya ng isang utos.
Parang akong hinigop pabalik sa aking dinaanan, isang malakas na hangin ang tumulak sa akin. Ang kausap na imahe ng babae ay hindi umalis sa kanyang huling pwesto, hindi lumiit na kahit ang layo ko na sa kanya at hindi din lumaki.
"Ate, ate, ate..." umaalingawngaw na pagtawag.