Nakakunot ang noo at babahagya nakapikit ang mga mata ko, pinapakiramdaman ang bawat sandali ng aming pagpapahinga sa ibabaw ng makikinis na mga bato. Hindi ko talaga nagugustuhan ang aking mga nakikita, doon sa may kuweba na mga puno, makapal ang silong nito.
Ang ginaw ay umakyat sa 'king mga braso, kinilabutan dahil sa mga nagdaraan na mga elemento. Pilit na nilalabanan ang takot. Gumalaw ang mga dahon tungo sa magkabilang direksyon, wala naman palatandaan ng miski isang mahinang hangin.
"Hindi nila tayo kayang saktan." bulong ng matandang babae sa aking balikat, nakahawak ng mahigpit sa kanyang tungkod at nakatanaw sa mga puno
"Ano po ang ginagawa nila?" tanong ni Pedro, na napalingon sa amin.
"Naghihintay..." Ang Albularyo ay naglabas ng kanyang gayuma. Sa loob ng isang linggo kailangan isagawa ang isang seremonya para sa mga gayuma. Uubos dapat ng mahabang panahon para lang sa iisang gamitan na sandata.
Dumating kaming magkapatid sa nasabing bundok. Si Pedro, ang nakababata ko na kapatid. Doon namin natagpuan ang isang matandang babae na nasa harapan ng isang malaking punongkahoy ng akasya.
"Hinintay niya talaga tayo, ate." Ibinaba niya ang kanyang bitbit na bag, nanatili ito sa kanyang palad.
"Limang dekada akong naghintay." sabi sa amin matanda, nakangiti na humarap sa amin.
Kailangan ko ng sagot noon pa lang. Ngunit, hindi niya pwede bigyan ng kasagutan ng mga tanong ukol sa buod ng storya hangga't hindi kami nakakarating sa nasabing lugar.
"Isa lamang ako na hamak na tagapagturo," sabay ngisi. "Ang daan ay nasa pagitan ng mga puno na iyan."
"Unso," Ang tawag ko sa 'king nakababatang kapatid. "'Wag ka lalayo sa tabi ko."
"Sumunod kayo sa akin." Lathala ng Albularyo na parang utos. Patuloy siya sa paglalakad siya. Sa palagay ko, nasa edad pitumpu na siya, walang inda ng kahit anumang rayuma. Kay sarap isipin kung ganyan ang lahat ng mga matatanda sa ngayon, 'di ba? Ang baston niya ay gawa sa sanga, may mga maliliit na umbok sa buong katawan at hugis ulo ng ibon ang nasa ulunan nito. Mga sagisag ng isang sinaunang manggagamot.
Nagtinginan na lang kaming magkapatid, talaga naman na sobra akong naguguluhan. Alam naman niya ang plano ng matanda at sinabi niya bilang paalala sa 'kin. "Tutulong nga talaga si Inang Maring."
Matagal na ako gumagamit ng kahoy sa pagluluto, hindi ganito ang bundok sa tuwing pumapasyal ako at sa tuwing kailangan ko kumuha ng panggatong. Wala man lang huni ng mga ibon sa paligid, tanging mga bulong lang. Nakakatakot lalo na kapag nag-iisa lang ang tatahak sa bundok na iyon. Pilit ko nilunok ang takot at sumunod sa matanda, kahit pa wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari. Parang isang guniguni lang talaga, pero, nasa realidad kami.
At dinala kami ng aming mga paa sa may kalagitnaan ng bundok, sa patag na taluktok. Ang paligid ay napapalibutan ng mga hindi nakikitang nilalang. Nakakasakit sila ng sariling ka-uri, ngunit, hindi ng may sariling katawan tulad namin na tao.
Nabasa ng pawis ang dibdib at likod ko, may silong naman ang aming nilalakaran, pero, maalibadbad ang paligid.
Lumingon siya sa amin at nagsimulang lumapit kasabay ng pagpapatuloy niya sa kanyang mga salita, "Iisa lang ang ating hanap, 'di ba? Ang magkaroon ng isang pantay na pamahalaan, luntiang kapaligiran at isang napakapayapang mundo."
Nagmungkahi si Pedro na magpahinga muna sandali.
Uhaw at gutom, nanatili kami nakatayo sa aming mga paa, hindi ko alam kung bakit. Marahil, dahil sa gabay niya sa amin. Puro ang usok na lumalabas sa dalawang pares ng magkapatong na niyog. Hawak niya ang isa sa loob ng kanyang palad habang ang isa ay nasa dulo ng kanyang tungkod na nakaturo sa hilaga. Tinataboy niya ang mga umaaligid na mga engkanto.
"Nais niyo malaman ang aking karanasan, hindi ba?" Malamlam na mga mga mata, kulubot at kayumangging balat na patunay ng kanyang katandaan. Blusa na may mantsa ng mga sangkap sa tinimpla na mga gayuma. Kulay abong nakapusod na buhok. Ang mga tatu sa ibabaw ng kanyang dalawang kamay ay tanda na isang dalubhasang manggagamot lang ang mayroon. Iba't-ibang uri ng mga buto ng hayop na kanyang inalagaan mula pa noon, ang nakalagay sa palibot ng kanyang leeg bilang kwintas. Bukod pa diyan, mayroon din siyang nag-iisang punseras na yari sa ginto.
Pinahiran niya ako ng langis sa may itaas ng braso ko. "Lola, at ano na naman po 'yan?" Naalala ang unang langis na ipinahid sa 'kin noong kami'y dumalaw sa kanyang lugar upang malaman kung na-engkanto ba ako.
Sa kumpas ng kanyang mga kamay ay parang may sunod na kakaibang mangyayari. Sa paglipas ng ilang minuto ay dahan-dahan niya na nakikita ang mga kasagutan. "Mukhang wala naman kakaiba sa iyo." Ang mga salita ni Inang Maring sa akin noong nakaraan na gabi.
"Salamat naman." Nakahinga ako ng maluwag, nakasigurado na hindi ako nakatagpo ng masamang laman-lupa.
"Baka dala lang ito ng pagod mo."
"Maigi na rin ho ang sigurado." sabi ko habang nakatingin sa ginagawa niya.
Sadya talaga na madaming mga elemento sa aming lugar, miski pa noong kapanahunan ng ating mga ninuno. Ginagawa ng ilan, hinahayaan sila at lumayo na lang.
"Sabi ko po kasi dito kay ate na tigil-tigilan nang masyadong magpakapagod sa bukid. Tutal, ako lang naman pamilya na binubuhay niya." biro ni Pedro.
"Kung kailan malapit ka na mag-graduate tsaka pa ba ako titigil? Sadyang masipag lang talaga ang itong ate mo para sa iyo." tugon ko.
Tumawa ng marahan ang matanda dala ng pag-uusap namin magkapatid at sabay sabi, "Sandali lamang at ipagtitimpla ko kayo ng tsaa."
"Naku, 'wag na po!" pigil ko. "Nagluto din po kasi ako. Doon na lang po sa bahay."
"Heto po, Inang Maring." iniabot niya sa kanya ng mga gulay. "Talagang sinusunod niyo po ang dating tradisyon na tanging gulay at bigas lamang ay sapat nang bayad para sa inyo."
"Oo, anak. Hindi ko kasi nakasanayan na pumunta ng bayan. Mas gugustuhin ko iyong nandito lang ako." muli siya umupo.
"Bakit po? May mahalagang gamit po ba kayo na iniingatan at ayaw niyo mawalay sa kanya?" dagdag niya na parang may ibig sabihin.
Ngumisi ang matandang Albularyo.
"Pedro," kasabay ng kalbit ko sa kanya paraan para pigilan siya sa kanyang mga biro. "Aalis na po kami. Salamat po ulit."
"Salamat din sa sariwang mga gulay." sagot niya.
Binuksan ni Pedro ang pintuan at naunang lumabas.
"Ang daldal mo ngayon." sabi ko.
"Baka dahil kasi hindi ka pa nakakakita ng bahaghari tuwing gabi." ang sagot niya mula sa labas.
Napalingon ng kaunti ang matanda ng marinig si Pedro at sinabi, "Maria? Sandali lamang." pigil ni Inang Maring at napahinto ako sa bungad ng pinto.
"Bakit po?"
"Maaari bang mag-iwan ang iyong kapatid ng kahit kaunting hibla ng buhok niya?" sabay lingon siya sa 'kin.
Napatigil ako, napaisip, at sinabi, "Sige ho." nilingon ko si Pedro. "Unso, halika."
Pumasok siya muli sabay tanong, "Bakit?"
"Maaari ba na gumupit ka ng kaunting hibla ng iyong buhok?" sabi ni Inang Maring na parang utos.
Marahan siya tumayo, inabot ang gunting. Inilapag niya ito sa may lamesa, kasama ng mangkok.
"Maigi na ang sigurado, hindi ba?" huling sabi ng Albularyo.
Gumupit ng kaunting hibla ng buhok si Pedro mula sa tagong parte nito. Itinuro ng matanda ang paglalagyan nito.
Napalingon siya ng biglang may kumatok mula sa pintuan. Kubot noo akong lumabas ng kuwarto dahil sa pagtataka habang may naramdamang kilabot. Dahan-dahan akong lumapit sa may pintuan. Pagkabukas ko, isa palang matandang babae. Nais niya na kumuha kami ng aming mga kakailanganin na mga kagamitan bukas. Pagkain, tubig at mga kasangkapan.
Oo, ganyan nga ang bilin ng matandang Albularyo. Iyon mismo ang mga bilin niya bago ang mismong araw na ito. Pero, tignan mo nga naman kung nasaan kami, imbes na lumayo sa mga engkanto, mas lalo pa yata kami lumalapit sa mismong kuta nila. At natagpuan nga namin siya sa may paahan ng bundok sa silangan na sa palagay niya na alam ng aking kapatid kung saan.
"Bata pa lamang ako ay nakaramdam na ako ng kakaiba sa bundok na 'to." kanyang pagpapatuloy. "May mga boses kang maririnig. Wala ako naramdamang takot dahil puro payapang wika na tila'y musika sila."
"Isa nga siyang albularyo na nakikipag-usap sa mga invisible..." bulong ko sa tainga ni Pedro.
"Hanggang isang araw, dahil sa kakahanap sa lugar na 'yon, nahulog ako sa isang yungib. Ilang oras din ang lumipas..." pagsasalarawan niya. "Hindi nagtagal, nakalabas ako at nabuhay."
"Sino po ba talaga kayo?" tanong ko.
"Alam ko na iniligtas ako ng liwanag. Mayroon siya isang kahilingan." Hindi pinansin ang kanyang mga naririnig.
"Siya?" sabi ko. "Sige, ayos nga po 'yan."
Narinig ko ang buga ng hangin mula sa bibig niya. Inilipat ko ang mga mata ko sa reaksiyon ni Pedro sabay sinabi, "Sabihin mo na kasi na baliw na siya. Para malaman na din niya ang gusto mong sabihin."
Biglang umalis ang albularyo na may tungkod parang patay na ahas upang tignan kung tama ang aming tinatahak na daan. Sa ngayon, hindi pa malinaw kung bakit niya kami niyaya, kung bakit niya kami pilit na itinutulak sa isang lugar. Ang alam ko lang, baliw at makakalimutin na ang matanda.
"Ipagsigawan mo pa talaga!" Nagngitngit ang mga ngipin ko, napahiya sa mga nasabi ng kapatid ko.
"Ikaw naman kasi, ate!"
"Hindi ako agad humuhusga ng tao, pero, kung ganito naman ang sitwasyon, baka nga oo." Mula sa tangkay ng puno, natanaw ang gumagalaw na alibok ng lupa. May dumadaan.
"Manahimik ka na!" ngumisi ako pagharap sa kanya.
"Wala naman ako sinasabi..." pagtataka niya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at ilang sandali lang ang lumipas, narating na din namin ang bangin. Bakit may bangin sa taluktok ng bundok?
Malapit na din dumilim. Sandaling nagpunta ang matanda sa may gilid, isinaboy niya ang dalang pinulbos na mga sangkap, sa harapan paikot sa kanyang tagiliran.
"Nandito na tayo," sabi niya. "Hindi na ako maaaring sumunod pa. Alam mo na, tumatanda na tayo."
Hindi na daw? Siya ang naging gabay namin sa isang kahibangan na ito at palaging nasa unahan ng paglalakad, at ngayon, naisipan niya ang umatras?
"So, aalis na po kayo?" tanong ko.
"Maghihintay lamang ako sa inyo," sagot niya. "Sa gabi lamang makikita ang liwanag, mga anak. Magtiyaga kayong maghintay at makakamit ninyo ang inyong minimithi."
"Lola, ako lang po 'yong naghahangad. Hindi po interisado si ate ko dito." sabay akbay ni Pedro sa 'kin.
"Tandaan niyo ito. Wala akong anumang nakita." Huling paalala ng matandang Albularyo, nagpapahiwatig na sagrado ang mga susunod na mangyayari.
Nawala na ng tuluyan sa aming paningin si Inang Maring, naglaho sa nakakatakot na kakahuyan.
Isa itong kahibangan, walang sinuman ang mangangahas humanap ng isang hindi nakikitang bagay lalo na't wala kaming karanasan. Ginto? Brilyante? O baka nga bomba pa ang makita namin.
"Kasama mo ako, ate! Alam ko takot ka."
"Talaga lang, ha? Sino ngayon sa 'ting dalawa ang may hawak ng pamalo?" Parinig ko sabay ayos ng aming mga dala.
"Hindi mo aasahan ang mga susunod na mangyayari, ate..." tugon niya.
"Ang ano?" tanong ko. "Kay lola ka nababarkada, ano?"
"Sa gabi lang ako makikita, Maria. Dahil sa kabilugan ng buwan ako nilikha." sagot niya.
Sa pagod ay hindi ko na inintindi ang wirdong sagot niya, mas minabuti ko nalang ang maupo, ipahinga ang bumibilis na tibok ng puso ko.
Napakabilis binalutan ng dilim ang langit, sa isang iglap, unti-unti ko naramdaman ang kinikimkim ko na takot.
"Ate, tignan mo." turo ni Pedro.
Ibinaba ko agad ang kanyang kamay sabay sabi, "Huwag ka nga magtuturo d'yan! Madaming engkanto!"
"Nakikita mo ba ang malabong ilaw na 'yon?"
Lalo naman bumilis ang pagtibok ng puso ko at unti-unting tumayo ang aking mga balahibo. "Nagsisimula na akong matakot, Pedro. 'Wag ka ganyan!".
"'Wag ka kasi masyado magpaniwala sa mga sari-saring mga elemento. Oo, at mayroon nga talaga, pero, hindi ngayon."
Binuksan niya ang flashlight at itinapat sa kanyang daraanan.
"...lalapitan ko na."
Gusto ko sana na maghintay na lang sa kanyang pagbalik, dahil na din sa kabado ako, mas nanaisin ko na samahan siya kaysa naman maiwan mag-isa. Lumapit ako sa kanya, niyakap ng kamay ko ang ang braso niya.
"Nalalapit na nga talaga na ako'y iyong matagpuan. Nararamdaman ko na ang aking pagdating." ang boses na nagmumula sa liwanag.
Sinagi ko siya, bumitaw, sa pag-aakalang siya at inuulit ang mga wirdo na salita.
Malapit nang maapakan ni Pedro ang isang mahinang lupa, ang bingit ng bangin. Mabuti na lang at mabilis kong nahawakan kanyang braso. Agad kong siyang hinatak pabalik. Itinapat niya ang kanyang kamay sa liwanag.
"Feel mo 'yon, 'te?" tanong niya. "Parang may iisa kaming koneksyon." Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko namalayan na ginaya ko na pala siya sa pagtapat ng palad sa may liwanag.
Bigla siya bumitaw, tumakbo ng mabilis. Agad naman ako nakasunod sa kanya. Naabutan ko siya na nakaluhod. Sa harap niya ay isang lumalagablab na parang isang apoy o isang liwanag.
Nalagpasan namin ang bangin, walang nahulog at napahamak.
"Mag-iingat ka." Hindi na ako lumingon pa sa iba. Lumabas ang hangin mula sa sarat ko na ilong, nanlaki at dumilat ang matagal nang dilat na mga mata. Tuyot ang makapal na labi. Magulo ang kulot at kulay itim na buhok. Siguro, nahulaan niyo naman na isa akong ita.
Ang bilin ko sa kanya ay pauli-ulit kong naririnig. Umalingawngaw ito hanggang sa hindi ko na pala namamalayan na ako pala'y nahuhulog na sa isang malakas mahika.