Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 133 - Chapter 69 : Aninong Itim 3 :

Chapter 133 - Chapter 69 : Aninong Itim 3 :

Neptuno : Sa palagay mo ba ay may kasabwat ang salarin na kumuha

ng tinidor??? Ngunit sino??? Ang lahat dito ay nag kaka isa at ang

tanging hangad ay kapayapaan....

Arnie : may tama ka na naman..... Ngunit nalimutan mo na saan mang

panig ng mundo, may mga nilalang na maitim ang budhi at laging mapag

hangad ng higit na kapangyarihan....

Hindi bat malaking ehemplo ang iyong ama na labis na minamahal at binigyang

halaga ang kapangyarihan???

Hindi nakahuma si Neptuno sa sinabi ni Arnie, batid niya ang sakripisyo ng ina

laban sa kanyang ama kung kaya't ngayon ay nabubuhay silang mag kakapatid.

Arnie : May palagay akong naririto lamang sa Atlantis ang trident, hindi pa ito nai

lalabas ng salarin sa takot na baka masundan mo ang makapangyarihang awra nito

Walang sinumang nakakapasok o nakakalabas ng Atlantis kung hindi ito sirena, sireno

siyokoy, o siyoke??? syempre exempted ako don dahil hindi ako pipigilan ng

makapangyarihang panangga, ngunit ang ibang nilalang na mag tangkang pumasok

o lumabas mula dito ay matutusta sa bagsik ng panangga....

Neptuno : paano natin hahanapin ang tinidor???

Arnie : tungkol sa bagay na iyan..... Napansin kong mabilis ang salarin, nakakapagod

kung hahabulin ko siya kung kayat't kailangan ko ng masasakyan....

Neptuno : sasakyan ba ikamo? ah sige ngayondin ay ipapahanda ko ang chariot na pantubig

upang iyong magamit.

Arnie : huwag ka ng mag abala, may solusyon na ako sa bagay na iyan!!! Ang mabilis na pakli

ni Arnie sa suhestyon ni Neptuno.

Itinaas ni Arnie ang isang kamay na tila ba may kinukuha sa kawalan. Sa lugar kung saan dumako

ang kanyang kamay ay tila unti unting napunit na papel ang bahaging iyon at nagkaroon ng tila

lagusan sa kawalan. Lumaki ng lumaki ang punit na nalikha ni Arnie hanggang

sa maging kasing laki ito ng lagusan na maaaring mag kasya ang ilang tao.