Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 109 - Chapter 63 : Ika - Anim Na Pagbibilog Ng Buwan 5

Chapter 109 - Chapter 63 : Ika - Anim Na Pagbibilog Ng Buwan 5

Lumipas ang halos isang oras, busog na busog ang lahat, simot din ang pagkain sa

hapag kainan, nangingiting sinulyapan ng lahat si Arnie na siyang salarin na umubos at

sumimot sa lahat halos ng pagkain. Walang kamalay malay itong hinahaplos pa ang

kanyang tiyan.

ARNIE : hmmm ang sarap kumain!!! Nabusog ba kayo? Ang naalalang tanong nito sa mga

kaharap sa hapag kainan...

Ah oo nabusog ako!!! Ang sabay sabay at iisang sagot ng lahat.....

Tayo na sa silid pahingahan, doon muna tayo mag - libang at manood ng palabas sa television

ang agad na mungkahi ni haring Boras na tumayo na at nagpati - unang nag - tungo sa entertainment room, kasunod si Borjo Usana, Usarin, Mareana at Arnie na nahuling tumayo

dahil sa kabusugan....

Pinabuksan ng hari ang tv sa isa sa mga tagapag - lingkod gamit ang remote control

Pinili nila ang Cinemo kung saan may mga palabas na pelikula. Kasalukuyang ipinapalabas

ang isa sa sikat na palabas ni Jacky Chan na ginawang Tagalized upang mas maintindihan

ng mga pilipinong manonood. Ang pelikulang Rush Hour.....

Tuwang tuwa ang lahat sa panonood ng palabas, walang humpay ang kanilang pagtawa at

paminsan minsan ay napapa - ilag did sila sa bawat suntok at sipa ni Jacky Chan, lalo na pag may

putok ng baril .Si Arnie naman na nakaupo sa dulong bahagi ng sofa ay walang imik.

ilang saglit pa ay narinig ng lahat ang marahan at pabugso bugso nitong pag hihilik maging ang panaka naka nitong pagngyuya sa kanyang ngipin...

Natutulog na pala ito ng mahimbing, lingid sa kaalaman ng lahat na ang buong akala

ay nakaupo lamang siya at nagpapahinga.

Pinahinaan ng hari ang volume ng television at pinigil din nila maging ang kanilang pagtawa.

Nag aalalang baka maistorbo sa pag tulog ang dalagita .....

Mabuti pa siguro ay doon na lamang tayo sa bulwagan ang nag aalalang pag aaya ng reyna.

sa YouTube na lang natin ituloy ang panonood, mayroon namang projector doon

Dahan dahan nag lakad palabas ng silid pahingahan ang lahat, si Borjo naman ay maingat na inayos

ang pagkakahiga ni Arnie, dahan dahan nitong inangat ang ulo at nilagyan ng unan, takot na magising ang dalagita sa mahimbing na tulog, bago dahan dahang sumunod sa mga magulang sa

bulwagan ng palasyon upang doon ituloy ang panonood ng pelikula