Halika nang magpunta sa talon at nang mai tuloy na nila tatay ang pagsusukat,
ang pag aaya ni Arnie kay Prinsipe Borjo na napuna niyang patuloy pa rin sa pamimitas ng mga diamante at brillanteng prutas na kanilang nadaraanan
habang si Peter at Jr ay kakamot kamot sa ulong itinuloy na ang pag susukat ng distansya gamit ang metro, papel at ballpen upang maisulat ang kaukulang sukat
Sa kanilang paglalakad, nadaanan nila ang kakaibang ginintuang halaman na may napaka gandang uri ng diamanteng bulaklak na kulay asul....
natutuwang hinaplos ni Arnie ang kakaibang kulay ng petals ng bulaklak na hawig sa bulaklak ng rosas ngunit kulay asul at diamante ang kabuuan.
ARRIANE : mayroon bang binhi ang mga halaman dito?
paano sila dumadami o tumutubo??? ang tanong ni Arnie kay Borjo kapagdaka.
PRINSIPE BORJO : ah oo naman Arnie, ang lahat ng puno at halaman dito ay nagkakaroon ng mga binhi, sagot sa kanya ni Borjo na lumingon sa kanyang kinaroroonan
ARNIE : ah buti naman pala kung ganon, buong akala ko ay wala dahil sa kanilang kakaibang texture at anyo.
Sayang naman kung walang binhi ang mga ganitong halaman.
JR : bakit ate? gusto mo bang magtanim niyan sa atin, ang tanong nito kay Arnie na napatingin din sa bulaklak na asul na hawak nito...
PRINSIPE BORJO : Talagang kakaiba ang mga halaman at punong iyan,
kung mapapansin ninyo ay malambot ang mga talulot dahon at tangkay ng bulaklak na iyan
Ngunit sa sandaling iyong pinitas ay magiging matigas pa sa bakal at doon mo pa lamang makikita ang totoong kaanyuan nito na gawa sa diamante Jade at ginto.
mahabang paliwanag ni Borjo sa kanila
ARNIE : oo nga ano? kakaiba nga talaga.....
ngayon ko lang napuna, kung hindi mo lang nabanggit sa amin ngayon. ang sabi ni Arnie na binitawan na ang bulaklak
PRINSIPE BORJO : Ah.... ganon ba? dahil iyan sa taglay na kapangyarihan ng iyong mga mata, nagagawa mong makita ang totoong anyo ng anumang bagay sa iyong paligid...
At nagpatuloy na sila sa paglalakad at pagsusukat ang mag amang Jr at Peter..
Matamang minasdan ni Arnie ang ama na nakayuko sa ginintuang lupa habang inaayos ang metro na ginagamit sa pagsusukat .
nilapitan niya ang ama at hiniram ang metro mula rito, nagtataka namang iniaabot ito sa kanya ng ama.
pinalutang niya sa ere ang metro saka itinapat sa lugar na sinusukat ng ama bago sinubukang sukatin ang bawat distansya sa pamamagitan ng metro at kanyang angking kapangyarihan.
Namamanghang nakatingin sa kanya ang ama at kapatid na parehong naka nga nga habang pinapanood siya sa kanyang ginagawa.
habang si Borjo ay nakangiti lamang habang nagmamasid sa kanila
Itinuloy na ni Arnie ang pagsusukat sa pamamagitan ng kanyang kapangtarihan habang si Jr ang taga sulat ng bawat distansiyang nasukat hanggang marating nila ang talon.
ARNIE : wow!!! napakaganda nga pala ng talon!!! ang napapantastikuhang sabi ni Arnie
ano sa palagay ninyo itay? magagawan ba ng paraan upang gumawa kayo ng linya at tubo ng tubig mula dito hanggang palasyo?
baling na tanong pa nito sa ama na noon ay nakatingin din sa talon at namamanghang minamalas ang napakalinaw na tubig.
Si Jr naman ay kasalukuyan ding nakatingin sa talon, sa puting usa na umiinom ng tubig sa itaas na bahagi ng talon