Matapos muling siguruhin na maayos ang pagka assemble ng generator ganon na rin ang wiring ng mga kable ng kuryente
nakapanood nang tv ang mga tikbalang sa isang silid ng palasyo na kanugnog ng silid ni Arnie
,habang si Arnie naman ay abalang inilagay sa refrigerator ang mga pagkaing kailangang ilagay sa ref
ang mga instant food naman ay inilagay nila sa isang cabinet sa loob ng kanyang silid sa tulong ng kapatid na si Jr at kanyang tatay.
Anupa't maayos nang gumagana ang generator at ang daloy ng kuryente sa mga kable papasok ng palasyo ay walang ipinag iba a kuryenteng dumadaloy mula sa poste ng Meralco.
May electric fan na rin sa kwarto ni Arnie at naglagay din ang tatay niya ng aircon sa isang panig ng dingding ng kanyang silid upang magamit niya kung siya ay naiinitan.
ilan sa mga tauhan ng palasyo na tikbalang ay tinuruan ni Peter kung paano lalagyan ng gasolina ang generator sakaling maubos na ang gasolinang inilagay niya sa tangke nito at tinuruan niya rin ang mga ito kung paano muling paandarin at paano lilinisin ang generator.
Naging maalwan ang buhay ni Arnie sa mundo ng mga tikbalang, daig pa niya ang nakatira sa kanilang bahay, dahil sa mga high technology na kagamitang kanyang ipinabili at ipinalagay sa palasyo...
Samantala
natutuwa naman ang hari at reyna sa ama at kapatid ni Arnie, bagaman at alam ng mga ito na sila ay mga tikbalang na nag anyong tao lamang....
walang anumang takot silang nararandaman mula sa mga ito at palagay ang loob ng mga ito sa kanilang kaharian.
Tila nga isang manugang kung tratuhin ni Peter si Borjo ,na labis nilang ikinatutuwa...
Libang na libang sila sa panonood ng palabas sa television kasabay noon ay ang kanilang pagkamangha sa makabagong teknolohiya, lalo na nang patugtugin ni Jr ang sound system na kanilang dala at ilabas ang microphone upang kumanta., nagpaturo din ang reyna ng dance moves ni Bhong Navarro at Jong Hilario na napanood nila sa Show time..
Maagang nakatulog si Arnie ng gabing iyon, mahimbing at panatag ang kanyang tulog, ang kanyang tatay at kapatid na napagod sa pag aayos ng generator at wirings ay maaga ding nakatulog
Pagsapit ng umaga maagang gumising si Arnie, nakita niya si Borjo na nasa hardin sa labas ng palasyo. ang kanyang ama at kapatid ay nag aalmusal na ng scrambled egg at toasted fan bread habang humihigop ng kapeng barako
ipinagluto na rin nila si Arnie ng Pancit canton, na nagustuhan ng reyna ang lasa ng ito ay tikman kung kaya't ipinagluto din ito ni Jr.
PETER: kasalukuyang nag aalmusal sa lamesang gawa sa ginto...
Arnie mabuti naman at nagising kana, mag almusal ka na dito kasabay namin, ipinagluto kita ng paborito mong pancit canton.
aya nito sa anak, at tumayo upang hilahin ang isang mabigat na upuan sa tabi ng reyna na namumuwalan sa pagkain ng pancit canton
ARNIE : Sige po itay, at lumapit si Arnie sa lamesa, nagtimpla muna siya ng kape at nagpalaman ng itlog sa toasted bread bago umupo sa hilyang hinila ng ama para sa kanya.
REYNA MAREANA : Arnie, napakasarap pala ng pagkain ninyong mga tao bati sa kanya ng reyna.
ARNIE : Instant food lang po iyan mahal na reyna, sagot dito ni Arnie
Siyanga po pala mahal na reyna, mayroon po bang ilog dito o talon na malakas ang agos, na malapit lamang sa palasyo? tanong ni Arnie sa reyna
REYNA MAREANA : Aba oo meron, yung talon diyan sa ginintuang hardin, malakas ang agos nuon...
Sa may ibaba noon ang mahiwagang bukal, nais mo bang makita? kung nais mo ay pasasamahan kita kay Borjo mamaya.
Yaman din lamang at plano yata ni Borjo na ituro sa iyo ang ilang madadaling bagay na kaya mong gawin bago ka magsanay sa pagpapa lakas ng iyong kapangyarihan....
sagot naman ng reyna kay Arnie.....
ARNIE : ah totoo po ba? naku excited na akong matuto, ang ngiting ngiting sagot ni Arnie...
tungkol po sa talon? maaari ko po bang inumin o ipang paligo ang tubig doon? pahabol pang tanong ni Arnie.
REYNA MAREANA : ah oo naman.....
sa katunayan ang tubig na ginamit sa pagluluto ng pagkain at kape ay galing sa bukal ng talon.
ang tubig din na mula sa talon na iyon ay deretsong umaagos sa ilog ng mga tao sa inyong baryo paliwanag ng reyna.
pero ang tubig sa mahiwagang bukal ay hindi mo maaring inumin o ipampaligo dugtong pa nito.
ARNIE : ah??? bakit po? ang nagulat na tanong ni Arnie habang ang kanyang ama at kapatid ay kuryosong nakikinig sa kanilang pag uusap...
Dahil ang tubig sa bukal na iyon ay mahiwaga, nakaga galing ito ng kahit anong uri ng sakit at nakabu buhay din ng tao o anumang nilalang na kamamatay lamang....
kung gagamitin mo itong pampaligo o pang hilamos ito ay magdudulot ng pagbata sa iyong kaanyuan at lalong gaganda at kikinis ang iyong maputing kutis .
sabat sa usapan ni haring Boras na lumapit dahil narinig ang kanilang pag uusap .
ARNIE : magandang umaga po mahal na hari bati ni Arnie dito.
Napaka husay po pala at napaka hiwaga ng bukal na iyon?
Dito po ba sa buong mundo ng mga Engkanto ay may parehong bukal at talon ang nasasakupan ng bawat lipi?
HARING BORAS : wala..... dito lang sa ating kaharian meron, kung kaya't gustong sakupin ng mga itim na nilalang at iba pang masasamang lipi ang kahariang ito.
dahil kaiba sa lahat ang ating kaharian ,ngunit dahil sa bukal, kung kaya naman lubhang malakas ang lipi naming mga tikbalang.
ARNIE : ah ganoon po ba? nanggigilalas na muling tanong ni Arnie.
Siya nga po pala, nais ko po sanang magpalagay ng linya ng tubig dito sa palasyo na manggagaling mula sa talon....
Maaari po ba? pahabol na pahayag at tanong ni Arnie.
HARING BORAS : aba oo naman, hayaan mo at ipatatawag ko si Borjo upang masamahan ka sa talon..
ang sagot ng hari, saka tinawag ang isang tagapag lingkod upang tawagin si Borjo
ARNIE : maaari ko po bang isama si itay at Jr?
kailangan po kasi nilang sukatin kung gaano kalayo ang talon mula dito sa palasyo para sa mga bibilhing materyales.
palalagyan ko din po ng linya ang kusina ng palasyo at ang inyong inyong paliguan Para hindi na kayo pumunta ng talon sa tuwing maliligo.
REYNA MAREANA : Aba!!! tingnan mo nga naman mahal ko, maganda ang naisip ni Arnie hindi ba? hindi na natin kailangang pumunta ng talon para maligo, ang nangingislap ang mata sa tuwang sambit ng reyna
Maya maya pa ay dumating na si Borjo, isinama niya si Arnie at ang tatay at kapatid nito sa talon