Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 64 - Chapter 52 ; Sa kaharian ng Tikbalang Palakasin ang Kapangyarihan

Chapter 64 - Chapter 52 ; Sa kaharian ng Tikbalang Palakasin ang Kapangyarihan

Naging mabilis ang pangyayarari, biglang nawala ang mga tikbalang kasama ang dalawang tisay na nakikipag laban sa mga itim na nilalang, ang mga itim na nilalang naman ay naglaho din kasama ng mga balakyot.

maliban sa mga mamamayan na nasugatan at sa mga balakyot at itim na nilalang na nasawi at naging tuyo'ng puno ng saging ang ilan sa mga ito, wala ng iba pang makikitang palatandaan sa naganap na kaguluhan

Maging ang balita ay mabilis ding kumalat sa social media, marami sa nakasaksi ang agad na nag upload ng video at pictures sa kanilang instagram facebook at twitter

Nanlaki ang mga mata ni Mayor Arnulfo Herrera na noo'y namumungay pa dahil sa nainom na alak ng ipakita ng kanyang anak na binata ang video sa facebook ng mga tikbalang.

tuwang tuwa din ang mga ito dahil sa angking kagandahan ni Arriane at Morgana na inakala nilang mga tikbalang

MAYOR HERRERA : mga ugok!!! ano at tuwang tuwa pa kayo sa panonood niyan?!?

MARCO HERRERA : PA.... chillax tingnan mo.... hindi ba't napaka ganda ng mga tikbalang na ito? at ang sexy pa? mga tisay!!!

MAYOR HERRERA : BOBO!!!! anong tisay ang sinasabi mo? tisay talaga yan!!! narinig mo na ngang nag i English eh!! gamitin mo nga ang tenga at utak mo!!! sabay sulyap nitong muli sa video....

dali dali nitong tinitigan ang dalawang tisay na nilalabanan ang mga impakto....

tulo ang laway na tumango tango ito at sinang ayunan ang sinabi ng anak....

hmmmm hmmmm sexy nga ah at magaganda... wika pa nito

nang sa lalapit ang kanyang may bahay na pansamantalang iniwan ang mga ineestimang bisita.....

MR'S JORIZA HERRERA : arnulfo...

nasa plaza na si Vice Mayor Luigi Vicedo ,dalian ninyo na, baka magamit pang propaganda yan para sa pag kandidato niya sa susunod na halalan...

paalala nito sa asawa.

MAYOR HERRERA : BWISIT KAHIT KAILAN INTRIMRTIDO TALAGA ANG VICE MAYOR NA YAN!!!!

galit na sabi nito at nagmamadaling inutusan ang anak upang ipaabot sa mga konsehales ng bayan na magsasagawa sila ng emergency meeting sa kanyang bahay.....

mabilis na nagpalit ng damit si Mayor binilinan ang asawa na asikasuhin ang mga bisita bago nagmamadaling lumabas na nang kanilang malaking bahay kasunod ang dalawang bodyguard upang pumunta sa plaza...

Sa Plaza, ipinag utos ni Vice Mayor na kunin ang lahat ng mga video at pictures upang mapigilan ang pagkalat ng balita....

sa ganoong akto siya inabutan ng nagmamadaling Mayor at muntik pang madapa sa tuyong puno ng tinibang saging.

MAYOR HERRERA : Vice Mayor..... ano at kinukuha mo ang mga larawan at video? hindi tamang hadlangan mo ang mga tao sa kanilsng ginagawa!!! sita nito Kay Vice Mayor Luigi Vicedo

VICE MAYOR : Mayor mag hinay hinay ka sa pagsasalita...

hindi ko hinahadlangan ang mga mamamayan sa gusto nilang gawin, pinangangalagaan ko lamang ang seguridad ng ating bayan, paliwanag nito sa Mayor

MAYOR HERRERA : at ako ba ay hindi? tanong nito na agad nagpanting ang tenga sa sinabi ni Luigi

VICE MAYOR : alam kong ganon din ang hangad mo. kaya nga at pansamantalang kinumpiska ko ang mga pictures at videos,

baka katakutan ang ating bayan, isipin ng mga tao na pinamumugaran ng impakto, halimaw at tikbalang ang ating lugar...

kung maganda ang kalalabasang resulta ng mga naunang videos at pictures na na upload maari nating ibalik sa mga tao ang kanilang memory card upang ma upload ang iba pang video's, kung hindi naman, sasabihin nating fake news lang at pakulo ang lahat para sa kapistahan...