Chereads / She's the Legend / Chapter 1 - Prologo

She's the Legend

🇵🇭Anjjimenez
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 31.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologo

Kanina pa ako pabaling-baling sa higaan ko, pinipilit makatulog sa kabila ng malamig na hanging tumatagos sa manipis naming dingding. May kalumaan na ang bahay na tinitirahan namin ng mga magulang ko. Bahay pa kasi ito ng mga ninuno namin, kaya hindi na naiwasan na maging marupok sa haba na nang panahong pinagdaanan. Nakahimlay ang bahay namin sa maliit na pamayanan. Noon ay pagsasaka ang pangunahing trabaho ng mga ama ng tahanan dito. Pero paglipas ng panahon, dumami na ang humayo sa amin. Nagtayo sila ng mga business at hindi naglaon, nakakasabay na ang komunidad sa mga pagbabago.

Kaya nga doble-doble ang trabaho ko para makalipat na kami sa kahit na maliit lang na apartment na malapit sana sa sentro ng siyudad. Pero wala yata akong swerte pagdating sa pera dahil madalas, pang bayad bills lang at sa pagkain nauuwi ang pera ko.

Hindi bale sana kung may katuwang ako, hindi naman asawa agad ang hanap ko, kahit boyfriend man lang muna. Iyong taong papawi sa pagod ko galing trabaho at iyong ngingitian lang ako magiging okay na ko. Simple lang naman ang gusto ko, magkaroon ng bago sa buhay ko. Kaso wala, wala na ngang swerte sa pera, wala ring swerte sa buhay pag-ibig.

Nagkataon pa na nagkaroon ng butas ang isang parte ng dingding namin dahil sa nahulog na sanga ng puno. Isa pa sa dahilan kung bakit mabilis pumasok ang lamig sa bahay. Mahal ang materyales sa pagpapagawa, kaya tiis ganda ang beauty ko. Para saan pa at wala naman akong magagawa. Tiis-tiis nalang muna.

Tumayo ako mula sa manipis kong kama at lumabas ng kwarto papunta sa kusina. I badly need something hot to keep me warm.

Langitngit ang maririnig habang naglalakad ako sa kahoy na sahig patungong kusina, hindi ko maiwasang muling tignan ang bilog na bilog na buwan na sadyang maliwanag kumpara sa mga nakaraang gabi. My heart melts when I see the moon's beauty. Hindi importante anong phase na siya, basta makita ko lang ang buwan masaya na ako. Hindi naman siguro mali kung sasabihin kong in love ako sa buwan 'di ba?

Bago pa man ako makapasok sa pintuan ng kusina, nakaramdam ako ng kakaibang sakit sa 'king dibdib. The pain struck like lighting, pinning hard on my chest.

Am I having an heart attack?

Pero imposible iyon, bata pa ako para atakihin sa puso. In a matter of seconds, I felt like I'm running out of breath. Sumisikip ang lalamunan ko at hindi ako makahingi ng tulong.

"She's awakened."

Bigla na lang akong nakarinig ng malamig na boses ng lalake mula sa likuran ko. I tried to look back but my body refuses to move.

As the voice stops, a sudden cold fog filled the room. Sa pagbalot ng hamog sa buong paligid, nakaramdam ako nang kaginhawaan sa mga sakit na bigla na lang umangkin sa katawan ko.

"Is this she, the legend? Mukhang regular na tao lang naman siya." Another voice lingered the hallway.

Although the pain weakened, it didn't save me from the dizziness. I felt warm hands covered both of my arms keeping me from falling. Ang init ng kamay niya, tamang-tama sa nanlalamig kong katawan.

"She's weak. Kagigising lang niya."

I looked up to see the man that was holding me against his chest. His dazzling orange eyes caught my attention next to his perfectly welcoming face. Ang puti ng balat niya at mukhang malambot kung hahawakan. He smiled a bit as our gazes met.

"You're definitely her." He said assured. "You smell like chocolate cosmos." Lumapit siya sa 'kin at inamoy ang aking ulo. Gusto kong kumawala sa pagkakahawak niya pero nanlalambot ang mga tuhod ko. Fear started to sink in my system. Hindi ko maiwasang isipin na baka mga magnanakaw ang dalawang 'to o 'di kaya nama'y mga rapist!

"You scared her enough."

The other man said as he approached us. He took my arm away from his accomplice. Kasing lamig ng yelo ang kamay niya na dahilan kung bakit ako biglang kinilabutan.

"S-sino kayo?"

Finally, nakapagsalita na rin ako. I tried hard to stand on my own, but it was a struggle.

"Now that you are awakened, your life is in danger." Said the man with cold hands and bright blue eyes.

"But you don't need to worry. We will keep you safe." Added the warm handed man with his glistening orange eyes.

Bago pa man ako makapagsalitang muli at makapagtanong. My eyes rushed to rest. Blinking became exhausting. 

What are they talking about?

My life in danger?

Of what?

Ngunit bago ako tuluyang mawalan nang malay, I was able to ask one question.

"Iam awakened to what?"