Isang makatang nakilala ko sa social media,
Sikat na sikat siya dala ng pagsusulat;
Kakaiba rin kase ang talento,
Ang iba'y tinatawag siyang "Kuya Juanito"
Minsan nga ako'y nabighani,
Sa mga kuwento't tula
Kahit alam kong hindi ako ang paksa;
Nabibilang kase ako sa mga sumusuportang binibini.
Palage kitang sinusubaybayan,
Facebook, Twitter at Wattpad;
Doon ko nakita ang iyong larawan...
Kasama ang isang magandang kasintahan.
Sa birtwal na mundo kahit ika'y totoo,
Napaisip pa rin ako, "maihahalintulad ka kay Crisostomo"
Hinihiling ko sana'y gamitin at ipapatuloy parin
At maging inspirasyon saamin.