Isang binatilyong kahabag-habag ang ayos nito,
Humpak ang pisngi at maputla ang labi;
Naglaho na ang maamong mga mata,
Napalitan ng matalim na tingin.
Dalawang buwan na ang lumipas,
Pumasok ka sa silid-aralan;
Ako'y napukaw sa presensya mo,
Tumitig at lumalim ang gatla sa noo ko
Lumabas ako para kumain,
Dala-dala ang dalawang tsokolateng tinanggihan;
Tumutol kang pagusapan ang problema mo,
Parang sa himagsik at bigong-bigo ako
Patapos na ang isang oras...uwian na,
Naglalakad mag-isa't sinusundan ka;
Nakita ang matigas na tindig ay naging hukot walang buhay,
Parang bulaklak na uhaw sa tubig at maibalik ang tunay na kulay.