Mata ko'y nakatutok,
Isang librong alikabok;
Bawat pahina'y binubuo ng letra
Sa kwentong "Pangangamba"
Natapos ng basahin,
Ako'y naliwanagan narin;
Mga salitang naging simbolo,
Para ilabas lahat ng galit mo
Hindi ko lubos ma-isip,
Mga ngiti mo pala'y pilit;
Paumanhin dahil ako'y naging duwag,
Pangalan ko'y tinatawag
Gusto kong ibalik,
Mga pagkakataong gustong ihalik;
Ang pangakong hindi natupad,
Sarili mo'y kahit saan napadpad.