Kiara
Nasa canteen ako ngayon at kumakain. alam ko namang walang makikipagkaibigan sakin sanay na ako. Pero infairness ang sarap ng pagkain nila dito baka mamaya maubos ko ang pera ko nako lagot nanaman ako nito.
Kanina ko pa ramdam na may nakatingin sakin. tumingin ako sa likod at kaliwa, kanan at harap ko pero wala naman hays guni guni ko lang ata to.
Naglalakad ako ngayon ng may biglang humarang sakin na lalaki. Matangkad ito at gwapo matangos ang ilong at maganda ang kanyang mata. Nagtataka ko siyang tinignan.
"hnm, Hi ako nga pala si Kyle" nakangiti niyang sabi sakin iniangat niya ang kanyang kamay para makipagkamay. Ayoko namang maging bastos ay tinanggap ko ito sabay ngiti.
"Hello, Kiara" maikli kong sabi sakanya pero nagtataka ako bakit bigla siyang namutla at mabilis niyang binitiwan ang kamay ko.
"Im sorry for being rude but I have to go" mabilis niyang sabi at kumaripas ng takbo. nakatulala lang ako na nakatingin sakanya hanggang sa nawala na ito.
"weird" bulong ko nalang.
Sulat lang ako ng sulat habang ang teacher namin ay nagdidiscuss. inaantok na ako pero pinipigilan ko lang baka mamaya batuhin ako nga eraser magkabukol pako. Nagtaka na naman ako ng biglang magdismiss si sir at sinabing pwede na kayong umuwi. tinignan ko naman ang relo ko pero maaga pa naman. Ganito siguro dito pagbagong klase pero mabuti nadin yun para maaga akong makaluto sa bahay at makapagpahinga.
nasa gate na ako ng may kumalabit sakin.
"Miss, Number mo?" napakunot noo ko siyang tinignan naparabang may mali siya ginawa sakin.
"Bingi kaba? sabi ko number mo" inis niyang ulit sakin. kunot noo ko padin siyang tinignan baka kasi nagkamali lang ito. pero hindi e seryoso siyang inilahad ang kanyang cellphone sakin. Pano ko ba sasabihing wala akong number ay alam ko na ibibigay ko nalang yung number ng pinsan ko tutal single naman yun at hindi naman siguro niya malalaman hahhahaha.
malapit na akong matapos sa pagtype ko ng number ng hablutin niya ang cellphone at dali dali siyang tumatakbo na kala mong may humahabol sakanyang aso.
"Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon hays weird" na bulong ko nalang sa sarili ko
kakatapos ko lang magluto at maglinis nagpahinga na din ako ng kunti. Hindi na ako sumabay nila ante kasi ayaw nilang kasalo ako sa hapagkainan dapat daw ay sa huli nila ako kumain parang maid lang dapat hindi kasalo yung mga amo nila tsk ang arte lang.