Chereads / Broken without you (Tagalog) / Chapter 5 - Chapter Five

Chapter 5 - Chapter Five

Kiara

Sa kakaisip ko sa nangyari ay may umakbay sakin. Napakaganda niya, mukha siyang manika kung lalaki siguro ako ay liligawan ko to.

"Hi! Im Yanna Cortez" Napatulala nalang ako ng ngumiti siya. Walang halong plastic ang ganda niya talaga promise.

Naramdaman niya sigurong ayaw kung magsalita.

"Hindi mo ko nakilala? Sabagay wala kanamang pakialam sa paligid mo haha" napakunot noo ako sa sinabi niya. anong ibig niyang sabihin nagkakilala naba kami?

"Ay sis klassmate tayo hahhaha pero seryoso pwede makipagkaibigan?"

klassmate kami per- ay oo klassmate nga hahhaha pero wait makikipagkaibigan siya sakin nabingi ba ako or bingi talaga ako.

"Hey!? basta friends na tayo ha" sabi niya ulit at hinawakan ang kamay ko at naglakad na.

Totoo ba to! may kaibigan na ako. Hindi pa ako nakakaranas na magkaroon ng kaibigan. naramdaman kung may pumatak na butil na luha galing sa mata ko. tears of joy.

Nagliligpit ako ng gamit ng may tumawag sakin. Pagtingin ko siya lang pala.

"Kiara sabay na tayo lumabas" tumungo lang ako sakanya at ngumiti. hindi ako sanay na may kasama ako bago lang ako sa mga ganito pero masaya pala lalo na may kasabay ka.

"Sinong susundo sayo tatay mo o mama mo?" napatigil ako sa tanong niya. na parang yung oras ay bumagal at paulit ulit sa utak ko yung sinabi niya. Mapakla akong ngumiti.

"Hin-" naputol yung sasabihin ko ng may tumigil na kotse sa tapat namin.

"Sis, nandito na sundo ko una nako sayo ingat ka" nakangiti niyang sabi at nakipagbeso. kumaway siya sakin pagkatapos ay humarurot na ito.

Napabalik ako sa tanong niya. Sino nga bang susundo sakin. hahhaha tanga malamang wala, asa kanaman.

"Hoy! kiara plansahin mo nga ito?" binato niya sakin yung damit niya.

"Ayosin mo yan. pagyan nasunog malilintikan ka sakin" duro niya sakin sabay alis.

kinuha ko naman ang plansa at sinaksak ito. hindi pa ako tapos nang tiwagin ako ni ante.

"Kiara, Ilagay mo nga ito sa taas ng kabinet" binitiwan ko naman ang plansa at pinatay iyon tska lumapit kay ante para kunin yung listahan sa tindahan.

ng masiguradong nailagay ko ito ng maayos ay bumalik na ako at ng idikit ko yung plansa sa damit ng pinsan ko ay laking gulat ko ng masanog ito. bumilis ang tibok ng puso ko pinagpawisan at mas lalo atang nanginig ang katawan ko ng sumigaw ang pinsan ko at dali dali niyang kinuha ang damit niya.

"Anong ginawa mo sa damit ko" galit niyang sabi. napasigaw ako sa sakit ng higitin niya ang buhok ko. parang namang mabibiyak ang ulo ko sa higpit ng pagkakahawak niya dun.

"Wala ka talagang kadala dala eh no. diba sabi ko ayosin mo hindi ko sinbing sunugin mo" galit na galit na sabi niya sakin at maslalo niyang diniin na dahil para ako ay mapasigaw sa sakit at hapdi.

"Dyos ko anong ginagawa niyo" natatarantang lapit ni ante samin at pinaghiwalay kaming dalawa.

"Yang walang kwentang babae yan sinunug yung mahal kung damit" duro nanaman niya sakin.

"Sinigurado ko naman na off yun hindi ko alam kung sino ang nag on" nakayuko kung sabi. pinipigilan ko ang luhang balak ng pumatak.

"So sinasabi mong ako yung nag on sa plansa ha ganon ba" susugod sana siya sakin buti nalang naawat agad ni ate.

"Alam mo ba kung magkano yun ha isang libo yun mababayaran mo ba ha" sinubukan niyang makaalis kay ante pero hindi talaga siya makaalis.

"Bakit naman kasi kiara hindi ka naba natu-" hindi ko na siya pinatapos kasi alam ko naman ang dapat niyang sabihin. inangat ko ang ulo ko at blangko kung tinignan ang pinsan ko.

"Wag kang magalala babayaran ko yan" pagkatapos na pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na ako. hindi pa ako nakakalabas ng marining ko ulit ang sabi niya

"Aba't bastos ta-" hindi ko na narinig ang sinabi niya.

Pagsirado ko palang sa pinto ay dahan dahan nang nagpatakan ang mga luha ko.

hindi ko napansin na nasa kalsada na ako. napaupo ako at niyakap ang mga binti. para bang ayaw tumigil ng luhang ito.

dahan dahan ko namang sinusuntok ang binti ko.

"Kala ko ba sanay ka na tanga ka kasi" iyak lang ako ng iyak nang may maramdaman akong mabigat sa balikat ko pagtingin ko isang itim na jacket.

"At sinong baliw an-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita ko ang kabuoan nito.

Pero mas nagulat ako na isa palang

Lalaki.