Chereads / Broken without you (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter Three

Chapter 3 - Chapter Three

Kiara

Kasalukuyan akong nakaupo habang sila ay nagsisigawan sa harapan ko. Wala man lang akong nagawa para sila ay patahimikin. Iyak lang ako ng iyak. Gusto ko silang sigawan murahin pero hindi ko magawa.

"P-please stop" alam kung hindi nila narinig ang bulong ko pero sana tumigil na sila. Sawang sawa na ako sa mga away nila. Ayoko na.

Parang tumigil ang mundo ko ng kunin ni mama ang malita niya at sinabing.

"Ingatan mo ang anak natin" yun lang at umalis na siya.

Dahandahan pumatak ang mga luha ko gusto kong tumakbo at pigilan siya pero parang may pumipigil sa mga paa ko. Iyak lang ako ng iyak.

Ito ba ang sinasabi nilang paghihiwalayan ng isang magulang. Damn ang sakit parang binibiyak ang puso ko. Wala na bang sasakit pa dito.

Napatingin ako kay papa. Nakatulala siya at gulong gulo ang kanyang buhok. Tumayo ito at lumapit sakin.

"Baby, lets eat?" pagaaya niya sakin sabay kuha sa aking kamay. Naguguluhan ako bakit ganon ang kinikilos niya. para bang walang nangyari. Hindi man lang siya umiyak.

Wala akong ganang kumain para bang wala nang saysay ang buhay ko. Napatingin na naman ako kay papa na pilit kumain. Alam kung ayaw niya lang ipakita sakin na nasasaktan din siya pero gusto kong ilabas niya lahat ng nararamdaman niya ngayon.

Kaya dahan dahan akong tumayo at lumapit sakanya.

Makikita mo sa kanyang mga mata ang pagtataka. Unti unti akong yumuko at dahan dahang niyakap siya. Alam kong nagulat ito sa ginawa ko pero wala akong pakialam gusto ko lang ilabas niya ang nararamdaman niya.

Naramdaman kong yumakap din siya pabalik sakin. At doon na humagulgol ng iyak. Ngayon ko lang nakita si papa ng ganito. Unti unti kung tinapik ang balikat niya nagpapahiwatig na umiyak kalang.

Napabalikwas ako. Hinahabol ko ang aking hininga at pinahid ang mga pawis na tumatagaktak sa aking mukha.

Panaginip.

Ayoko ng balikan ang mga alaalang ito. Takot ang nararamdaman ko ngayon. Kala ko ba nakalimutan ko na pero hindi, hindi pala. sinubukan kong harapin ito pero hindi ko kaya.

Napaiyak nalang ako habang yakap ang unan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.