Chereads / The Princess' Punishment / Chapter 2 - Accidentally meet

Chapter 2 - Accidentally meet

Dorothy's POV

"Hmmm..." teka asan ako? Andilim naman! Pagkadilat ko, teka! Bakit? May nakita akong puno at sinubukan itong suntukin ang puno! Oh-oh! Huhuhu bakit? ANG SAKIT!

Tumayo na lang ako at naglakad. Wow! ANLAKI! M-malaking ano 'yan? ang haba, ang taas, ang ilaw a-ano. Dadaan na sana ako ng...

"WAAAAAAA!!!!"

Karen's POV

"WAAAAAAA!!!!" nagising ako ng may sumigaw na ano 'to?

"WAAAHHH!!" aaaahhh!! Patay! Patay! Patay!

*BOOOOOGGGGSSSHHH!!*

Hala ka baka patay na! Buhay pa ba?

Lumabas ako ng kotse ko at tinignan ko kung buhay pa ba 'to. Bakit kasi humarang siya? Buhay pa ba siya?!

"Hoy! Gising! Buhay ka pa ba?" sinipa ko siya. Hala ka! Walang malay! B-baka patay na! Baka dedu na! O to the M to the G! Ayoko pang makulong! T-tapos.. t-tapos.. AAAHHH! Inalalayan ko siya pero waaahhh! ANG... BIGAY! Huhuhu!

----

"Ano Doc?! Okay na ba siya? Makukulong na ba 'ko? Patay na ba siya? Ibuburol ko na ba? Ano Doc?! SUMAGOT KA! AY puta---!"

"Hahaha! Okay na siya pwede ka ng pumasok!" sabi nung doctor. Buti naman! Antagal niya ah! Infairness! Oo nga pala dinala ko siya sa bahay baka kasi may magtanong makulong pa 'ko! Mamatay pa 'ko sa kulungan tapos m---

"Hmmm..." nagising ko ata siya? Pero infairness.. ang ganda niya mga bakla ha! Hoy uunahan ko na kayo! BABAE AKO! Ha! Ha! Ha! Mga bwisit na 'to sabihin ba naming bakla ako! HOY DI RIN AKO DEFENSIVE AH!! ADVANCE lang ako MAG-ISIP!

"Hey sino ka?" sabi niya, nabalik ako sa katinuan.

"Oh yeah! Who me? Nga pala I am Karen, I am a photographer at your service!" sabi ko at naglahad ng kamay pero tiningnan niya lang ito at tumingin sa akin. Bakit wala 'tong ekspresyon? Tao ba 'to?

"Asan ako?" tanong niya. Aba! Hindi niya ba nakikitang nasa kama siya? Bulag na ba si atey? Joki lang! Hahaha!

"Asa k-higaan pa hehehe!" sabi ko sa kanya. Tumango naman siya. Ay ganern lang?

Bumaba na lang ako saglit at kumuha ng gatas at ibinigay sa kanya. Nung una nagtataka pa siya pero ininom din naman niya.

"Saan ka nga pala nakatira?" nagtatakang tanong ko at umupo sa tabi niya. Pero umiling lang siya. Teka bakit ayaw niyang magsalita?

"Okay total ayaw mong magsalita, gagawa tayo ng paraan.. hmmmm.... Ahh! I got an idea! What if I will use you to be a goodmodel?!" sabi ko sa kanya. Maganda naman siya at yun ang gagamitin ko paramaging model siya at dito muna siya titira. Nakita kong tumango siya! Yehey!