Dorothy's POV
Pagkatapos akong ayusan ni Chacha, nakita ko na si Karen sa may pintuan ng salon. At naghihintay.
"Umayghad! Dorothy, is dat yu? Ang gende-gende mo!" sabi ni Karen pero tinignan ko lang siya.
"Ui day! Learn to talk! Taga-saan ka ba? Baka mamaya Korean aka pala o di kaya Haponesa o di kaya naman Inchik kaya di ka nagsasalita! Sige ka mapapanis laway mo!" sabi nung Chacha.
"Ay sus, bakla! Mamaya mo na daldalin si Dorothy, tara na sa studio, Dorothy!" sabi ni Karen at hinila na naman ako.
---
Teka saan ba 'to? Ba't puro ilaw at ang itim ng paligid? Tsaka ano 'to? Pekeng cherry blossom?
"Ano ba 'to?" walang ekspresyon kong tanong.
"Nasa studio tayo! At dito gaganapin ang photoshoot mo as a model." Natutuwa niyang sabi "Pero bago 'yun, permahan mo 'tong kontrata na galing kay manager." Sabay abot sakin nung papel.
Kinuha ko lang 'yon at inilapag sa mesa tsaka tiningnan.
"Oh ba't di mo pa permahan? Parating na ang manager mo." I stared at her with my blank expression.
"Ano ba yung perma?"
"WHAT? DI MO 'YON ALAM?! Ghad! Where are you from? Are you from mars, from pluto, saan? Ba't di mo alam ang perma?" tiningnan ko lang siya. Eh bakit ba? Di uso 'yon sa mundo namin eh.
"K fine! Ganito 'yo'n oh.." sabay nagsulat siya sa papel ng hindi maintindihan na sulat. "Yan ang perma."
"Ahh.. *tango-tango*" kinuha ko ang ballpen at nagsulat ng kung ano-ano sa papel na binigay ni Karen. "Tapos na."
"Ahhh.. good. May I see--- WHAT IS THIS?! BA'T MO SINULATAN ANG BUONG KONTRATA?! Dapat doon lang sa linya peperma! Tsaka, are you a doctor? Look at your penmanship!" kala mo ang ganda ng sulat eh -_-
---
"So Dorothy, this is your manager, manager Ryan." Sabi ni Karen.
"Nice to meet you, Dorothy. I am Ryan, and I am your manager" nakangiti niyang sabi at inilahad ang kamay niya. Anong gagawin ko sa kamay niya? Puputulin ko ba? Pwede sana kung may vlada ako.
"Nevermind." At inalis niya ang kamay niya sa harap ko. "As a model, you will have a stage name. And I'll choose Mandee as your stage name." sabi nung Ryan. "So what are we waiting for? Dorothy, pumwesto ka na sa LED na may cherry blossom."
Ako naman ay pumwesto sa may pekeng cherry blossom.
"Dapat ang mukha mo ay fierce! And Karen, dito ka banda sa may harap niya. Para ma-picturan mo siya.."
*click-click!!*
Ba't ba masyadong mailaw ang mga bagay na 'to?
"Dorothy! Hold this bag like this." At nag-pose siya ng di maintindihan.
Kinuha ko ang bag at nag-pose tulad ng sinabi ni manager.
---
"Ok! Very good Dorothy! Karen!" sabi nung manger "Ie-edit na lang ito at ire-release na bukas ang mga photos and magazines."
"Mas maganda sana kung nakangiti si Dorothy." Sabi ni Karen. At ano raw? Ngiti? Parang hindi ko maigalaw ang panga ko kapag ginagawa iyon. Sinumpa talaga ako ng waiss hexe na 'yun!
"Oo nga! Dorothy, ngumiti ka nga?" sabi ni manager.
"Ayoko. Pagod na ko." Walang ekspresyon kong sabi.
"Oo nga pala, saan ka ba nakatira, Dorothy?" tanong ni manager.
"Wala." Mabilis kong sagot.
"HUH?!" sabay nilang sigaw ni Karen.
"Alam mo Karen, mas mabuti kung sa inyo muna tutuloy si Dorothy. Eh parang wala atang kaalam-alam sa mundo 'yan eh!" sabi ni manager. Tsaka, iniinsulto ba ko neto? Ihagis ko kaya siya doon sa pekeng cherry blossom?!
---
"Malapit na ba tayo Karen?" tanong ko.
"Oo."
"Di ka ba pwedeng mag-teleport?"
"Loko ka talaga! As if namang magkakatotoo 'yun?" POSIBLENG-POSIBLE! "Andito na tayo."
Tiningnan ko ang bahay ni Karen. Malaki ito. Nagsimula na kaming pumasok. Napagmangha ako kasi yung ibang gamit niya, wala sa Immortal Realm.
"Manonood muna ako ng TV." sabi niya. At ano raw? TV?
May binuksan siyang kahon at nakita kong may mga tao doon!
Mukhang nakulong sila! Baka immortal din sila tulad ko! B-baka, ginamit din ng waiss hexe ang vlada niya para parusahan ang mga ibang magier (tawag sa mga tao sa Immortal Realm) na sumira ng puno niya! Sumusobra na talaga yung waiss hexe na 'yun! Biro mo, kinulong sila sa kahon!
"Ui Dorothy, tumabi ka diyan di ko Makita ang palabas!" sigaw ni Karen.
"KAREN! Tulungan mo ang mga taong nakulong sa kahon!" kahit gustong-gusto kong bigyan ng sensiridad ang boses ko, hindi ko magawa. My voice is cold as ice! At kahit gusto kong bigyan ng expression ang mukha ko, wala rin.
"Pffftt... hindi sila nakakulong! At hindi kahon ang tawag diyan, TV! Telivision!"
"Ibig sabihin, walang magier diyan?"
"Magier? What's that word? Ngayon lang ako nakarinig non."
"Ah.. wala.. matutulog na ko.."
Akala ko pa naman , may nakakulong na magier doon.